From the category archives:

Karera Lang! Archive (Tumbok)

KL: Karera sa Iowa

by Jenny on April 11, 2013

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 1 May 2012, Tuesday

Karera sa Iowa

Waukee, Iowa – Ako’y nasa isang maliit na bayan ng Iowa sa Estados Unidos ngayon, malapit sa West Des Moines, kung saan aking dinadalaw ang ilang mga kaibigan, at naisip kong alamin kung mayroong karerahan dito.

Ang karamihan ng mga Pilipino ay wala masyadong alam sa bahaging ito ng EU, ang Midwest. Tayo ay mas pamilyar sa mga lugar kung saan may maraming Pilipinong naninirahan, ang West Coast (California, Nevada) at East Coast (New York, New Jersey).

Mas pamilyar rin tayo sa karera sa mga lugar na iyon.

Kaya natuwa ako nang aking natuklasan na may isang karerahan dito sa Iowa, ang Prairie Meadows Racetrack and Casino sa Altoona, malapit sa Des Moines. Ang unang karera ay itinakbo doon noong 1 March 1989.

Sa kasalukuyan, mayroon silang Thoroughbred at quarter-horse racing mula Huwebes hanggang Linggo sa kanilang racing season na Abril hanggang Oktubre.

Bukod sa kanilang mga karera, nagpapakita rin sila ng simulcast racing mula sa Churchill Downs (Kentucky), Arlington Park (Illinois), Del Mar (California), at Saratoga (New York).

Kabilang sa mga Triple Crown-winning na mga sikat na hinete na nakasakay na sa Prairie Meadows ay sina Pat Day (nanalo ng 2001 Iowa Oaks kay Unbridled Elaine at Iowa Distaff kay Royal Fair), Calvin Borel (nanalo ng 2010 Iowa Oaks kay Seeking the Title), Chris Antley, Jerry Bailey, Eddie Delahoussaye, Kent Desormeaux, at ang aking iniidolong si  Julie Krone.

* * * * *

Happy birthday bukas (May 2) kay Philippine Charity Sweepstakes general manager Jose Ferdinand M. Rojas II!

Bilang dating chairman ng Philippine Racing Commission mula February 2008 hanggang July 2010, inalagaan niya ang industriya, itinatag ang Philracom laboratory, tumulong sa pagpasa ng racing taxes bill sa Lower House, at marami pang iba.

Sa PCSO, siya ngayon ang pinuno ng agency operations at sinisigurong patuloy na hinahatid ng ahensiya ang mga tulong medikal at pangkalusugan nito sa mga beneficiaries.

Maligayang bati, Attorney Joy!   ***

Related stories:

KL: Paalam, Tumbok!

by Jenny on February 28, 2009

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Tumbok,  28 February 2009, Saturday  

Paalam, Tumbok!    

Dito na po magwawakas ang pagsasama ng “Karera Lang!” at Tumbok, dahil itong isyu na hawak ninyo’t binabasa ngayon ay ang huling isyu na.     Dahil na rin sa pandaigdigang krisis pang-ekonomiya, nagtaas na ang presyo ng papel at tinta at, tulad ng maraming pahayagan at magasin sa mundo, magsasara na ang Tumbok.    

Nag-umpisa ang kolum na ito dito noong 14 May 2007, at ang pamagat nitong maiden column ay “Tabako, Bagong Stakes Winner”.     Once a week ang labas ng kolum na ito hanggang sa naging dalawang beses at, sa bandang huli, tatlong beses kada linggo. Halos dalawang taon din pala ito.    

Sari-saring balita ang naihatid sa inyo – mula sa balita tungkol sa mga darating na stakes races, ang analysis nito, mga tips ko (usually dehado), resulta ng mga stakes races, mga kaganapan sa industriya ng thoroughbred racing at breeding, at kung anu-ano pang mga impormasyon na sana nakadulot ng tulong sa inyo o kahit kaunting kasayahan man lang.    

Naroon din ang iba pang mga ala-ala, tulad ng Tumbok Cup na ginanap for four consecutive years sa sponsorship ng Philippine Racing Commission para sa mga charity organizations na napiling tulungan ng Tumbok.    

Maraming salamat po sa inyong suporta, at ganoon din sa aking editor, Mr. Roni Briones, at iba pang mga taga-Tumbok – sina Gigi, Rona, Jomel, Perry, at Normie ay ilan lamang sa mga naging bahagi ng aking buhay.     Doon po sa mga may gustong makabasa pa rin ng aking mga sulatin, dumalaw po sa aking website, http://jennyo.net.    

Makikita pa rin ninyo ako paminsan-minsan sa live racing coverage sa cable television. Doon at sa website ay sisikapin kong maiparating sa inyo ang mga impormasyong makakatulong sa inyong pangangarera at pag-unawa ng industriya.    

Kahit po yayao na ang Tumbok, sana po ay maalala ninyo ito minsan ng may maliit na ngiting namumutawi sa inyong labi.     At patuloy pa rin sana kayong mag-enjoy ng karerang Pilipino, na isa sa pinaka-exciting na sport sa mundo.    

At kahit saan po tayo magpunta, tandaan: “Karera lang – walang personalan!” ***

Related stories:

KL: Chairman’s Cup, Philtobo Gintong Lahi

by Jenny on February 21, 2009

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  21 February 2009, Saturday

Chairman’s Cup, Philtobo Gintong Lahi Awards

Isang malaking karera ang lalarga bukas sa pista ng Philippine Racing Club sa Naic, Cavite. Ang Philippine Racing Commission Chairman’s Cup ay P2 million na kampeonato, kung saan tumataginting na P1.2 million ang para sa first place, at ang labi naman ay para sa second to fourth places. Mayroon ding P70,000 na premyo para sa mananalong nagpalahi (breeder).

Taunang stakes race ito na parangal sa mga dating pinuno ng ahensiya ng gobyerno na nagsu-supervise ng horseracing at breeding – ang Philracom. Ang Chairman’s Cup itong taon ay inialay kay Augusto “Ochie” Santos, na nagsilbi bilang Philracom chairman  noong 1986 to 1990.

Isa ring ma-impluwensiyang owner and breeder si Mr. Santos, na ilang dekada na ring bahagi ng industriya at haligi pa nito. Kabilang sa mga kampeong kabayo na kanyang palahi mula sa imported stock ay sina Luminary, Marangal, Balatkayo, Batangas Force, San Diego Force, Namaste, at ang undefeated na si Sun Dancer.

Dito sa 1,600-meter Chairman’s Cup, na bukas lamang sa 3YO Philippine-breds, ang mga kasali ay sina Dream Supreme ni Nel Velasco, na sasakyan ni John Cordero na may pesong 54 kgs.; Empress of Austria ni Rita Teresa Bustamante (Fernando M. Raquel Jr., 52); Go Army ni Herminio S. Esguerra (Jonathan B. Hernandez, 54), Heaven Sent ni Rita Pilapil (John Alvin Guce, 52); Rhea’s Gold ni Ric Aquino (AM Tancioco, 52), Scout Ranger ng Herma Farms (Manolito F. Daquis, 54), at Virgin Liberty ni Sonny Arevalo (Jesse B. Guce, 52).

Tingin ko angat dito si Go Army, na siyang nag-domina ang juvenile batch nila noong nakaraang taon.  May laban rin sina Dream Supreme at Heaven Sent.

Samantala, ang ika-11 na Gintong Lahi Awards ng Philippine Thoroughbred Owners’ and Breeders’ Organization ay gaganapin sa Lunes, Feb. 23. Ito lamang ang programang parangal para sa mga achievers ng industriya.

Ang mga kategorya ng awards at nominees ay: Equine:  2YO Colt – Go Army (unopposed); 2YO Filly – Heaven Sent, Nuclear Power, Queen of Queens, Security World; 3YO Colt – Don Enrico, Hieroglyphics, Shining Fame; 3YO Filly – Anonymous, Blue Arch, Indelible Ink;

Older Filly/Mare – Es Twenty Six, Showtime Lady; Older Horse – Ibarra, Real Spicy; Sprinter – EJ’s Magic, Million Dollar; Imported Horse – Blind Date, Copper Dew, Great Emma, Holy Ridge, La Tienne, Mercurio, Ziraz.

Human Categories: Jockey of the Year – John Alvin Guce, Jesse B. Guce, Jonathan B. Hernandez, Jeffril T. Zarate; Trainer of the Year – Nestor E. Manalang, Arturo C. Sordan Jr., Joselito V. Tornandizo, Ruben S. Tupas, Edwin M. Vittali; Owner of the Year – Benhur C. Abalos, Herminio S. Esguerra, Antonio V. Tan Jr., Lorraine Uy Wi.

Breeding Categories: Breeder of the Year – Benhur C. Abalos, Herminio S. Esguerra, Aristeo G. Puyat; Stallion of the Year – Mr. Sutter, Royal Premier, Wind Blown; at para sa Horse of the Year – Don Enrico, Go Army, Ibarra, Indelible Ink, Real Spicy, Shining Fame.

Ang Philtobo, na itinayo noong 1990, ay gumagamit ng points system upang piliin ang mga winners sa bawat kategorya. Ang points sa runners ay base sa stakes races na napanalunan. Points sa stallions ay base sa money earned noong taon ng award, at ang points sa broodmares ay base sa bilang ng kampeong kabayong inanak niya. Lahat ng mananalo ay bibigyan ng tropeo. ***

Related stories:

KL: Karerahan sa Hong Kong

by Jenny on February 14, 2009

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  14 February 2009, Saturday

Karerahan sa Hong Kong

Sobrang ganda ng karerahan sa Hong Kong. Ito ay isang truly world-class operation sa ilalim ng Hong Kong Jockey Club, na isang private company na isa sa pinakamalaking taxpayer sa bansa. Higit 11% ng income tax na nakakalap ng Hong Kong ay mula sa HKJC.

Lahat ng kita ng HKJC ay pumupunta sa charity efforts, at marami pa itong sinusuportahan ng mga endeavors tulad ng Panda Habitat sa Ocean Park resort.

Dalawa ang racetrack ng HKJC – ang Happy Valley, na unang itinayo sa gitna mismo ng siyudad ng Hong Kong, at ang Sha Tin facility sa New Territories.

Ang schedule ng racing sa Hong Kong ay magaan lang – dalawang araw kada linggo, mula Setyembre hanggang Hunyo. Miyerkoles ang karera sa Happy Valley, at Linggo sa Sha Tin.

Ang Happy Valley ay pinapaligiran ng mga office buildings at residential condos, at ito’y napakasayang lugar. Punong-puno ito ng karerista kada Miyerkoles. 

DSC_6407

Skyscrapers surround Happy Valley.

Turf o grass ang pista dito. Maganda ang mga marketing plans. Noong Peb. 4, ang event nila ay “Race in the City”. Parang ginaya ang “Sex in the City” bilang come-on o attraction para sa kababaihan. May mga manghuhula ng tarot cards, libreng manicure, and free-flowing na San Miguel Beer! Kaya talagang dinumog ang karerahan noong araw na iyon.

San_mig_tent

San Miguel Beer was free-flowing – for free! – at this tent. A tour guide said that the San Miguel Beer sold in the city was made in Hong Kong from German brewing equipment. “It tastes different,” he said, but his face implied “better” not “different”. Not being a beer drinker, I was unable to disprove his assertion.

Manicure_hv

A racegoer has her nails done – for free – while beside her is a glass of ice-cold San Miguel Beer.

Tuwing Linggo naman ang karera sa Sha Tin. Ito’y napakalaking facility at dito na inilipat ang lahat ng mga cuadra. Pati ang mga kabayong tumatakbo sa Happy Valley ay dinadala nalang doon mula Sha Tin sa trailer o “horse box” na may capacity na 9 kabayo.

Dahil sa limitado ang espasyo at lupa sa Hong Kong, ang mga cuadra doon ay mga gusaling tatlong palapag kataas. Ang access dito ay panay rampa. Mistulang parking lot sa mall ang mga ito.

Kumpleto rin ang Sha Tin sa mga facilities tulad ng equine laboratory, hospital, equine pool, at forge.

Ang equine lab, sa pamumuno ni chemist Dr. Terence Wan, ay isa sa apat na kilalang equine lab sa mundo. Ang tatlo pa ay nasa US, France, at Australia. Higit US$8 million ang halaga ng equipment ng HKJC lab, ayon kay Dr. Wan.  

Ang equine hospital sa ilalim ni Dr. Lawrence Chan ay state-of-the-art din. May hydraulic table ang operating theater, at gamma ray machine upang silipin ang loob ng kabayo, bukod pa sa x-ray at ultrasound machines. May mga treadmills din for testing ng cardiovascular health ng kabayo.

Sa forge naman ginagawa at kinukumpuni ng mga trained blacksmiths ang mga bakal na kagamitan sa karera tulad ng sapatos ng kabayo (horseshoes o racing plates), bits, at iba pa.

Ang equine pool naman ay nasa loob ng one-story na gusali. Rubber slip-proof matting ang nakalatag sa sahig upang di masaktan o madulas ang mga kabayo. Mayroon din padded barriers papasok sa pool bilang karagdagang proteksiyon.

Pagkatapos ng workout sa pool, maaring magpa-infrared heat treatment ang kabayo sa katabing solarium.

Turf at dirt ang mga pista sa Sha Tin. Ang kanilang mga hinete ay karamihan foreigners, tulad ni Douglas Whyte, ang pangunahing jockey doon ngayon, at si Cristophe Soumillon ng France. Kada karera sa Sha Tin noong araw ng Peb. 8 ay sponsored stakes race ng Jebsen Company, kaya may awarding pagkatapos ng bawat karera.

DSC_7267

Racegoers get trackside seats at Sha Tin.

 Napakaganda rin ng broadcast. Bukod sa pagka-class ng production, tatlo ang sets ng commentators nila – may English, Cantonese, at Putonghua (Mandarin), kaya lahat ng manonood ay makakaintindi ng race analysis at iba pang komentaryo.

Cantonese

Talagang nakakahanga ang mga facilities ng HKJC, at dapat lang dahil higit sa US$12 billion kada taon ang sales nila. Kahit di natin mapantayan ang ganda ng kanilang karerahan, at least makakakuha tayo ng “best practices” na maaring i-apply sa ating lokal na sitwasyon na ikabubuti ng karerang Pilipino.

Happy Valentine’s Day sa lahat ng mambabasa ng “Karera Lang!” at Tumbok. Enjoy your day kasama ang minamahal sa buhay!   ***

Related stories:

KL: Amethyst I and II, Malapit Na!

by Jenny on February 1, 2009

KARERA LANG! By Jenny Ortuoste for Tumbok,  31 January 2008, Saturday

Amethyst I and II, Malapit Na!

Tiyak na hitik ang aksiyon sa darating na Amethyst I and Amethyst II stakes races ng Philippine Racing Commission.

Milya (1,600 meters) ang distansiya ng Amethyst I sa Feb. 8 sa bagong Santa Ana Park ng Philippine Racing Club sa Saddle and Clubs, Naic, Cavite.

Ito’y tinaguriang “2nd leg Imported/Local Challenge”. Katorse ang nagpadeklara:

Ascendant ng Ascendant Ranch and Stable Farms, sasakyan ni jockey VM Camanero, 55kg ang timbang; Daitoryosan ni Raymund B. Puyat (CB Tamano, 55); Fairy Queen ni David C. Lee (LC Lunar, 56); Fond Embrace ni Joy S. Santos (JB Cordero, 55); Irene’s Fantasy ni Ruben B. Laureano (VR Dilema, 54); Leave No Doubt ni Bienvenido C. Niles Jr. (JT Zarate, 57);

Lim Expensive Toys ni Roland T.Lim (JA Guce, 55); Manhattan ni Edgardo M. Mailom (LD Balboa, 56); Miss Elliott ni David B. Puyat(MF Daquis, 55); Miss Fantastic ni Herminio S. Esguerra (JB Hernandez, 55); Tiwi Magic ni Antonio V. Tan Jr. (JB Guce, 54); Traditional ni Don Antonio O. Floirendo Sr. (FM Raquel Jr., 54); Weder Weder Lang ni Jan Michael Santos (KE Malapira, 53); at Ziraz ng SC Stockfarm (RK Hipolito, 55).

Whew! Mahirap na karera, hindi lang dahil marami sila, kundi dahil magagaling rin ang mga ito. Anybody’s race, take your pick.

Ang  Amethyst II ay 1,500 meters sa Feb. 15 sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite.

Apat pa lang ang nagpadeklara dito as of presstime – sine Empire King, Don Enrico, Native Land, at Manhattan. Maaring madagdagan pa ang lineup na ito.

Sa Pebrero rin nakatakda ang Philracom Chairman’s Cup, in honor ng dating pinuno ng ahensiya, ang horseowner at breeder na si Mr. Augusto Benedicto “Ochie” Santos.

Tungkol naman sa ibang malalaking karera itong taon, naghahanda ang pamilya Bagatsing ng racing festival bilang parangal sa kanilang yumaong ama, horseowner and Manila Mayor Ramon Bagatsing Sr., “Father of the Gran Copa de Manila”.

Magkakaroon ng isang linggong pakarera at memorial race, bukod sa iba pang pinaplanong activities. August 19 ang birthday ng dating Mayor, at sa raceweek ng petsang ito idaraos ang event.

Samantala, binalita ni vet Dr. Josie Miranda na narinig raw nilang binanggit sa TV show na “Game Ka Na Ba?” ang tanong na ito – “Sa aling pahayagan makikita ang Karera Lang! column ni Jenny Ortuoste?” Wow,sikat ang Tumbok! Salamat sa inyong pagtangkilik, mga kaibigan, at ganoon din sa pamunuan ng naturang palabas.

Pasensiya na po sa mga tagasubaybay ng aking Internet blog “Gogirl Racing” sa http://jennyo.net. Madalas na naging “down” ang aking website dahil ayon sa technician ng aking webhost, Philhosting.net, their servers were “attacked” at ipapakiusap niya pa raw sa “Admin” na “i-restart ang server” upang “mai-up permanently” ang aking website.

Madalas itong mangyari sa aking website. Kahit na anong pakiusap ko na ayusin ng Philhosting.net ang kanilang serbisyo ay di nila tinupad. Kaya lumipat ako sa ibang webhost at ngayon maayos na ang takbo ng aking website. Dalaw na po uli. ***

Related stories:

KL: Ibarra, Patok Sa Philracom Garnet II!

by Jenny on January 18, 2009

Announcement to all TUMBOK readers: beginning with the January 17 issue, Tumbok will no longer be published daily, but weekly every Saturday until the end of February, when it will cease operations to give way to its sister tabloid Bandera.

The “Karera Lang!” column will be published in Tumbok until its last issue. Thank you very much to all KL readers for  your support!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  17 January 2009, Saturday

Ibarra, Patok sa Philracom Garnet II!

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang Philippine Racing Commission Garnet II stakes race na lalargahan mula sa 1,500-meter mark sa San Lazaro Leisure Park sa Linggo.

Apat lang ang mga kalahok, ngunit matitindi ang mga ito.

 Nariyan si Don Enrico ni Lorraine Uy Wi, winner ng isang Triple Crown leg noong 2007 at anak ng kampeong si Wind Blown. Magdadala siya ng 55kg.

Makakasagupa niya si Ibarra ni Mandaluyong Mayor Benhur C. Abalos. Itong island-born na anak ni Fire Down Under mula sa ganador na Yonaguska ay may pesong 56 kg. Kampeon ng 2007 PCSO Presidential Gold Cup at Philracom Amb. Eduardo Cojuangco Jr. Cup, ito ang malamang na ma-llamado sa karerang ito.

Huwag isnabin ang chances ng coupled entries ni Tony Tan na sina Native Land (58kg) at Shining Fame (55kg). Ang pinaka-recent championship na napanalunan ni Shining Fame ay ang MARHO Breeders’ Cup Colt Mile last year, samantalang si Native Land ang nanaig sa 2007 PCSO Gold Cup.

Sa ibang balita, ayon kay horseowner Jose Mari Franco, malapit na niyang ibaba mula sa rancho ang kanyang champion racemare na si Copper Dew (Stravinsky-Copper Eyes). Na-sideline ito dahil sa tendon problem, ngunit ani Franco, “completely healed” na raw itong American import niya.

“I did not consider an operation or other procedure like pinfiring,” paliwanag ni Franco. “I just let the injury heal naturally, with some medical supplements to promote the healing process.”

Malaking bagay, aniya, ang pagkonsulta sa mga beterinaryo na espesiyalista sa equine health. Ilan sa mga nabanggit niya ay sina Dr. Dan Arreola, Dr. Fritz Ocampo, at Dr. Raymond de Villa.

Iginiit ni Franco na ang paglagay ng pangangalaga ng mga kabayo sa kamay ng vet ay makakatulong ng malaki sa kalusugan ng mga kabayo lalong ng mga nasa rancho. May alam raw siyang isang breeder na namatayan ng sampung besiro noong nakaraang taon. “Sayang ang ten foals na ‘yon. Let’s say you could have sold them at half a million pesos each. E di you lost five million pesos. In comparison, paying a monthly retainer of P30,000 or so to a vet to regularly visit your ranch to check on all your horses turns out to be less expensive.”

Samantala, pinupuri ng maraming horseowners ang kalidad ng pista sa New Santa Ana Park ng Philippine Racing Club sa Naic, Cavite.

Bagamat malalim pa raw ang pista dito, at least wala raw mga bato at lubak rito.

Ang NSAP ay idinesenyo sa tulong ng Amerikanong track consultant na si Danny Flowers. Ang kanyang recommendation ay maglagay ng lower layers ng sand at gravel na may tubo para sa drainage. Sa ibabaw ng mga lower layers na ito, may nakapatong na geotextile sheeting. Pinatungan ito ng layer ng shredded coconut moss na inihalo sa buhanging-dagat. Ang pinaka-top layer ay one inch ng buhangin.

Nakakatulong ang coco moss sa pag-reduce ng shock impact na nagiging sanhi ng pagkabugbog ng mga kalamnan, bones, at joints ng mga kabayo.

Karera lang – walang personalan!  ***

Related stories:

KL: Sino ang “The Best” ng 2008?

by Jenny on January 9, 2009

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  9 January 2009, Friday

Sino ang “The Best” ng 2008?

Sino ang itatanghal na “best of the best” sa larangan ng karera?

Kapag nagtatapos ang taon, uso na ang mga “best of…” na listahan. Rerepasuhin ang mga achievements noong nakalipas na taon at pipiliin ang pinakatanyag o importante sa mga ito.

Dito sa karera mayroon din niyan. Kaso, iisa lamang ang recognition program ng industriya – ang Gintong Lahi Awards ng Philippine Thoroughbred Owners’ and Breeders’ Organization tuwing late February o early March.

May parangal sila para sa best racehorse, stallion, broodmare, owner, trainer, at jockey, at iba pa.

Bukod doon, nariyan ang Philippine Sportswriters’ Association awards night, ngunit ang kinikilala nila ay Horse of the Year at Jockey of the Year lamang. Horseowner of the Year din yata. Ewan lang kung magdadagdag sila ng kategorya ngayong taon.

Dapat lang na mabigyan ng recognition ang mga achievers, upang malaman ng lahat ang nagawa nila, at upang magsilbing inspirasyon sa iba na tumulad at sikaping ma-improve ang kanilang performance.

Pero mahirap pumili, ha. Kailangan pag-isipan ng mabuti ang criteria. Consistent ba dapat ang application nito? Example, kung money earned ang basehan sa Horse, Owner, Jockey, at Trainer of the Year, lamang dito ang mga kabayo na maraming takbo, may-ari na maraming kabayo, jockey na maraming sakay, trainer na maraming hawak.

Paano naman makikilala ang achievements ng mga kabayo na kakaunti lamang ang takbo pero may nakopong major stakes races? Jockey na pili lang ang nasakyan o kaya nag-abroad o nagpahinga ng ilang buwan dahil sa injury, sakit, o suspension, pero may mga napanalunan na malalaking karera? Owner at trainer na iilan lang ang laman sa cuadra, pero nagsipanalo naman ng big time?

Sa paaralan, ang gold medalist o valedictorian ay siyang may pinakamataas na grades. Tapos. E dito kaya sa karera? Kaya kadalasan may kumu-question kung bakit pinili si ganito o si ganyan. Kung baga, laging may inquiry.

Good luck nalang sa mga nagdedesisyon sa mga bagay na iyan.

Samantala, handang ilunsad ng Philippine Racing Commission ang kanilang e-Licensing Portal. Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ng Internet, maari nang mag-renew ng lisensiya ang horseowners, trainers, jockeys, racing personnel, atbp. Less hassle na, bawas pa sa pagod at gastos sa pamasahe. Go to www.philracom.gov.ph.

Sa iba pang balita, naging successful ang unang araw ng karera sa New Santa Ana Park (NSAP) ng Philippine Racing Club sa Trece Martirez, Cavite. Higit P19 million raw ang gross sales, kumpara sa P15 million ng Manila Jockey Club noong unang araw nila sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, noong April 2003.

Bagamat manipis pa ang lineup dahil higit 200 kabayo pa lang ang nakalipat sa Trece, magandang simula na ito sa taon ng PRC. Mukhang “wait and see” pa ang ibang owners and trainers bago isabak ang kanilang kabayo sa bagong pista.

Kapag dumami na ang population doon, mas lalaki na ang field size. Usually kasi nasa 800 hanggang 1,200 horses ang pangkaraniwang bilang ng kabayong nakacuadra sa racing club.

 Karera lang – walang personalan!  ***

Related stories:

KL: Lumang Santa Ana Park, Nakaka-Miss!

by Jenny on January 8, 2009

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  8 January 2009, Thursday

Lumang Santa Ana Park, Nakaka-Miss!

Walang urungan na sa paglipat ng karera ng Philippine Racing Club mula sa Santa Ana Park, Makati City, sa New Santa Ana Park (NSAP), Trece Martirez, Cavite. Nagpadala na ng imbitasyon ang pamunuan ng PRC sa mga industry personalities na dumalo sa kanilang formal inauguration sa Linggo sa bagong racetrack.

Ito’y malakas na senyales na desidido na ang raceclub sa kanilang ginawang paglipat. Siguro by now natanggap na ang industriya at mga karerista na may bago nang bahay ang PRC.

Para sa mga lumaki at tumanda na sa lumang karerahan, nakakapanibago na wala na ito sa tabi at nasa malayo nang lugar.

Kahit hindi ako ipinanganak sa isang “racing family” at hindi rin ako lumaki sa lugar ng lumang Santa Ana Park, dito na kami nakatira mula noong ako’y ikinasal noong 1990.

Dito ako nag-eensayo bilang kauna-unahang babaeng apprentice jockey ng Philippine Jockeys’ Academy.

Neni_ensayo

Exercising a horse at Santa Ana Park as an apprentice under the tutelage of Mr. George Stribling in 1989. The horse was a colt out of Alamat.

Dito rin ipinanganak ang dalawa kong daughters na masasabi kong “batang karera”. Pareho ko silang dinadala sa pista noon upang paarawan sa umaga noong sila’y sanggol pa lamang, habang nag-eensayo ang kanilang ama na isang hinete.

At noong natututo na silang maglakad, sa damuhan sa may tabing balya sila sumugod, nadapa, at tumayo muli.

Noong pinagpatuloy ko ang aking career, dito ako nakakuha ng trabaho bilang panelist at, later on, sa broadcast at corporate communications.

Neniset04

On the broadcast panel at Santa Ana Park in 2004.

Nakatira kami sa cuadra na pag-aari ng aking biyenan na vet at trainer. Sa likod lang ito ng Santa Ana Park. Araw-araw, pamilyar na tunog sa amin ang “clop, clop” ng paa ng kabayo habang iniikot sa pasyalan, pati  ang matinang na “klang” ng labangan.  

IMG_5167

The Alcasid Stable, last October 2008.

At dahil sa likod lang kami ng karerahan, nakikita namin noon ang sinag ng ilaw ng pista mula sa aming bintana, at minsan naririnig ang mga racecallers na tumatawag ng karera.

Sa may kanto, may karatula para sa motorista. Ang nakasulat ay “Caution: Racehorses Crossing.” Tapos habang naglalakad ka sa kalsada sa umaga marami kang makikitang kabayo akay ng mga sota papunta o pauwi mula sa ensayo.

Wala na ang mga ito. Nami-miss ko. Sobra. 

IMG_6417

Some stables at Santa Ana Park on 7 January 2009. Only a few horses are still left here.

Hindi ganito katindi ang naramdaman ko noong lumipat ang Manila Jockey Club mula sa San Lazaro Hippodrome sa Tayuman, Manila. Hindi naman kasi kami tumira doon. Dumadayo lang kami kapag may sakay o ensayo ang asawa ko. Ganunpaman, may kirot pa rin sa puso nang tuluyang mawala ang karera doon dahil sa mga ala-alang naiwan.

Ngunit diba may kasabihan, “The only thing constant is change”? Bahagi na talaga ng buhay ang pagbabago. Huwag nating kalimutan ang nakaraan, ngunit lasapin rin natin ang mga experiences na darating.

Naiiyak ako. ***

Related stories:

KL: Karera sa Trece, Tuloy!

by Jenny on January 6, 2009

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  6 January 2008, Tuesday

 Karera sa Trece, Tuloy!

Tuloy na tuloy ngayong gabi ang karera ng Philippine Racing Club sa bagong pista nila sa Trece Martirez, Cavite, ayon kay PRC racing manger Dan Valmonte.

“Nakabuo naman ng walong karera,” aniya. “May halos 200 nang kabayo ang nakalipat sa Trece mula sa mga cuadra sa Santa Ana Park sa Makati.” Isang araw pa lang ang nabubuo, ang Martes lang, hindi tulad ng dati na pandalawang araw, kasama Miyerkoles, ang ginagawang bolahan. One day at a time lang raw muna dahil nagsasanay pa sa bagong track ang mga kabayo. Ngayong araw ang deklarasyon para bukas.

Lahat ng karera ngayon ay 1,200 meters; pito ang class-division at may isang maiden race.

Tungkol naman sa practice runs na ginawa sa Trece noong Jan. 4, “Okay naman, very successful,” ani Valmonte. “Naging well-attended ito, at okay na ang pista at coverage.” Panoorin mamayang gabi ang official cable TV coverage ng makasaysayang first day of racing sa bagong Santa Ana Park sa Trece.

Samantala, nagmimistulang “ghost town” na ang Santa Ana Park sa Makati dahil karamihan ng mga kabayo at sota doon ay lumipat na sa Cavite. Bagamat may nag-eensayo pa naman, iilan na lamang ang mga ito, na naghihintay nalang ng puestong malilipatan sa Trece o sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite.

Sa ibang balitang karera, heto ang lineup ng 2009 officers ng New Philippine Jockeys’ Association, Inc.: president, Antonio B. Alcasid Jr.; vice-president, Valentino R. Dilema; board secretary, Lyndon Noel B. Guce; treasurer, Dominador H. Borbe Jr.; auditor, Manolito F. Daquis; PRO, John Ralph M. Saulog; at mga direktor, Edwin M. De la Cruz, Gilbert L. Francisco, Jeffrey M. Ladiana, Angelito H. Laguinto, at Domingo G. Vacal.

Ayon kay Alcasid, magkakaroon ng forward-planning session ang NPJA Board upang pag-usapan ang magiging direksiyon ng kanilang activities para sa taong ito. Kasama na sa kanilang mga balak, ani Alcasid, “ang fund-raising para sa mga disabled jockeys at iba pang nangangailangan, pati na rin ang pagpapatuloy ng pagbibigay ng serbisyo sa mga hinete tulad ng retirement, housing, at iba pang benepisyo.”

Humingi na sila ng audience kay Philippine Racing Commission chairman Atty. Joy Rojas para sa kanilang oath-taking. Congratulations at good luck sa bagong pamunuan ng NPJA! ***

Related stories:

KL: 2008 Review, 2009 Forecast

by Jenny on January 2, 2009

There was no issue of Tumbok for 1 Jan. 2009, New Year’s Day.

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  2 January 2008, Friday

2008 Review, 2009 Forecast

Maraming naganap nitong nakaraang taon, both good and bad. Maipagdiriwang natin ang mabuting nangyari, at magsilbing leksiyon or bagay na magbibigay ng palaisipan ang mga pangyayaring negatibo ang dating.

Maraming hinirap na krisis ang karera. Kasama na rito ang pagkawala ng totalizator service ng Manila Jockey Club, ang problema nila sa tellers bunga ng labor disputes, at ang biglaang pag-pull out ng Makisig Network bilang provider ng kanilang broadcast.

Ang Philippine Racing Club naman ay nagka-problema hinggil sa corporate issues between minority and majority stockholders, samantalang inaasikaso nila ang paghahanda ng lilipatan ng kanilang karerahan sa Trece Martirez,Cavite.

Ngunit naging maayos naman ang ginawang response ng dalawang clubs sa mga krisis na sumagupa sa kanila, at nalampasan naman ang mga ito o nagawan ng paraan kaya’t patuloy pa rin ang kanilang pagbibigay-serbisyo sa mga racing fans.

Noong 2008 rin naganap ang ma-dramang pagpalit ng lider ng Philippine Racing Commission, pagkaraan ng apat na araw na racing holiday na inilunsad ng mga horseowners.

Dito rin natin nakita ang paglitaw ng batang track sensation na si Go Army, ang impresibong pagbabalik ni Ibarra, ang pagpapatunay ni La Tienne na “age does not matter”, at ang iba pang mga pagpapakitang-gilas ng mga local-bred, island-born, at imported na kabayo. Ito’y nagpapatunay na malayo na ang narating ng ating thoroughbred industry.

Sa 2009 naman, we can look forward to an exciting stakes race calender courtesy of Philracom. Halos kada buwan ay may “gemstone” stakes races at iba pang malalaking karera na aakit ng top horses na sumali para sa kasiyahan ng manonood.

Sa isang binabalak na industry summit naman, mapapagusapan ng lahat ng sektor ng industriya ang mga concerns at suggestions upang lalong sumulong ang karera at breeding.

Matutuloy pa kaya ang proposed unified horseowners’ group? Hindi pa rin tapos ang mga efforts ng ilan na maituloy ang matagal nang balak na ito.

Inaabangan rin ng marami ang paglipat ng PRC sa new Santa Ana Park sa Trece. Ang unang araw ng karera doon ay Jan. 6.

Whether we look back or forward, one thing is for sure – racing in 2009 is going to be very exciting!

Mapayapang Bagong Taon sa inyong lahat! ***

Related stories: