Archive of ‘Bandera: Karera Lang!’ category

KL: Inspeksiyon sa Malvar Kahapon

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 18 September 2012, Tuesday

Inspeksiyon sa Malvar Kahapon

Tumungo kahapon sa Metro Manila Turf Club (MMTC) sa Malvar-Tanauan, Batangas, ang mga opisyal ng Philippine Racing Commission na pinangungunahan ni Chairman Angel Castaño Jr., Executive Director Jesus Cantos, at iba pang commissioners at personnel.

Ayon kay Director Cantos ang dalaw ay isang site inspection upang malaman kung handa na ang pista ng MMTC para sa karera at kung maayos at kumpleto na ang mga facilities nito.

Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng “dry run” sa naturang bagong karerahan, na tinampukan ng apat na kabayo. Ayon sa napagtanungan kong hinete, maayos naman daw ang resulta ng dry run.

“Expected lang naman iyon,” sabi ng kausap ko, “dahil bago ang pista.”

Dahil nagawa na ang racing schedule para sa taon, hindi na magkakaroon ng regular races doon sa loob ng 2012. Ngunit maari din namang magtampok ng mga dry run at exhibition races doon.

Nakapag-paskil sa Facebook ang ilang mga dumalaw sa Malvar noong dry run. Ang isang nakita kong magandang photo set ay kinunan ng asawa ng isang hinete.

Sa halos 100 litrato, naipakita ng kumuha ang kagandahan ng Malvar. Maganda at malinis ang clubhouse (may billiards table pa nga at fully finished) at grandstand na kaitsura ng sa Santa Ana Park sa Naic.

Ang upper level nito ay may bleachers na kamukha ng sa San Lazaro Leisure Park ang multi-colored plastic chairs na naka-install. Ang area na ito ay hindi pa pintado at sementadong kinis pa lang.

Ang kabilang side ay parang kapareha noong sa old Santa Ana Park sa Makati noon, na may “kural” o stalls para sa grupo ng mga mananaya.

Ang saddling paddock ay halos kamukha ng sa SLLP na nasa tabi ng grandstand. Fully-finished na rin ito na may pintura sa labas at rails at numero para sa entries. Ang stewards stand ay mataas na structure parang ung sa Makati-Santa Ana Park noong araw.

Ang jockeys’ quarters ay barracks-style na mayroon nang mga double deck beds. May ilaw na rin para sa night racing.

Wala akong nakitang litrato ng stables.

Ayon aking nakapanayam, halos hindi kinonsulta ang mga hinete noong construction phase ng Malvar, di tulad ng sa Santa Ana Park na maraming beses humingi ng guidance sa mga jockeys na direktang gumagamit ng pista at silang mas nakakaalam ng mga kailangan.

Wala nga raw jockeys’ quarters noong una sa Malvar, pinaalala lang raw ito ng mga hinete. Wala rin akong nakita sa mga litrato na roofed provision para sa broadcast camera; noong dry run, may dalawang camera na nakapatong sa separate wheeled platforms na walang bubong – paano nalang pag umulan? Ngunit maari namang ma-address ang mga issues na ito bago mag-umpisa ang operations doon.

Kasama sa franchise law ng MMTC (RA 7978 and amended by RA 8298) at sa PR (Philippine Racing rules and regulations) ang checklist ng equipment na required magkaroon ang karerahan bago ito payagang mag-operate.

Isang nasa checklist ang totalizator betting machines at system. Meron na kaya ang Malvar? Abangan nalang natin ang magiging findings ng Philracom.

***

Related stories:

KL: Racing Authority Bill, Pumasa Na

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 15 September 2012, Saturday

Racing Authority Bill, Pumasa Na

Pumasa na sa ikatlong reading sa Lower House ang Philippine Thoroughbred Horseracing Authority bill (HB 6329) na magpapalit sa corporate structure ng Philippine Racing Commission upang ito ang maging mas mabilis at mas epektibo sa pagtugon sa katungkulan nito at sa mga pangangailangan ng industriya.

Kapag ito ay pumasa sa Senado, mabubuwag na ang founding charter ng Philracom, ang Presidential Decree No. 420 na ipinatupad noong 1974.

Ang Racing Authority Bill ang siya nang magiging guiding charter ng ahensiya na nagre-regulate at nagsu-supervise ng sport ng horseracing sa bansa.

Ang mga awtor ng bill ay sina Congressmen Amado Bagatsing (Manila), Jeci Lapus (Tarlac), Eduardo Gullas (Cebu), at Ma. Amelita Villarosa (Occidental Mindoro).

Sana tuloy-tuloy na ito sa Senado dahil apat na taon na mula nang ito ay inupisahan.

* * * * *

Inanunsiyo kamakailan ni Philippine Charity Sweepstakes Office Committee on Races chairman Atty. Jose Malang at Draw and Races department manager Carlos Castillo ang mga declared entries para sa Okt. 13 na 2YO Open race sa Santa Ana Park.

Onse silang maglalaban sa distansiyang 1,200 meters: Pocket Power ng Jade Bros Farm, colt, sasakyan ni jockey JB Cordova; Sparkling Rule ni Herminio Esguerra (filly, JB Guce); Close to My Heart ni Emmanuel Santos (filly, JA C Guce); Bossing Ethan ni Michael Angelo Veneracion (colt, CP Henson); Siopaokinghaha ni Nemesio Sy (colt, DE N Camañero); Bumpy Ride ni Benhur Abalos (colt, KB Abobo); Niagara Boogie ni Sixto Esquivias IV (filly, FM Raquel Jr.); Top It All ni Joseph Dyhengco (filly, JT Zarate); Mrs. Teapot ni Antonio de Ubago Jr. (filly, JB Bacaycay); Flying Honor ni Honorato Neri (filly, AB Alcasid Jr.); at Angel of Mine ni Kenneth Causon (colt, PR Dilema).

Lahat ng filly ay magdadala ng 52 kgs at ang colts, 54 kgs.

Sa Oktubre rin gagawin ang apat na Anniversary Races ng PCSO, tig-dalawa sa bawat pista.

Okt. 14, Santa Ana Park: isang 1,200 meter race para sa 2YO winners and placers, at isang 1,300 meter race para sa 3YO winners and placers.

Okt. 21, San Lazaro Leisure Park: isang 1,600 meter race, ang PCSO Anniversary Cup para sa 4YO and older in honor of the late PCSO chairman Nereo Andolong na siyang nag-umpisa ng PCSO Presidential Gold Cup noong 1972, at isang 1,400 meter race para sa 3YO non-placers.

***

Related stories:

KL: Racing Authority Bill, Malapit Na?

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 11 September 2012, Tuesday

Racing Authority Bill, Malapit Na?

May magandang balita para sa racing industry sa napipintong Philippine Racing  Authority Bill na iminungkahi ni congressman Amado Bagatsing ilang taon nang nakaraan.

Ginagawa ngayon ng Congress Games and Amusements Committee ang bersiyon ng proposed bill para sa pangatlo at huling reading nito, pagkaraan nitong dumaan sa technical working group at iba pang uri ng pagsisiyasat at pagsasala.

Kung ang proposed bill ay maipasa ng Lower House, ito ay tutuloy na sa Senate upang pag-aralan at pagbotohan ng mga senador.

Kung ito ay maipasa, ang Racing Authority Bill ay papalitan ang istruktura ng Philippine Racing Commission upang ito ay maging mas responsive sa kasalukuyang panahon.

Tatlong taon na ang nakaraan mula noong ito ay unang ihain sa Lower House. Ang chairman ng Philracom noong panahon na iyon ay si Atty. Jose Ferdinand M. Rojas pa, at sa kanyang pagpupursigi at cooperation sa mga lawmakers ay dalawang racing bills ang nabuo – itong sa Racing Authority at ang  Racing Taxes bill, na hinihinging maibaba ang mataas na buwis na nakapataw sa karera.

Wala pang balita mula sa Congress Ways and Means Committee tungkol sa Racing Taxes bill, ngunit nakakatuwa naman na lumalakad na ang Racing Authority bill.

Sana ngayon sa ilalim ng chairmanship ni Mr. Angel L. Castaño Jr. ay maipatupad na ang batas na ito, na makakatulong sa industriya sa pamamagitan ng pag-restructure ng Philracom.

***

Related stories:

KL: Horseowner, nagwala sa karera?

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 8 September 2012, Saturday

Horseowner, nagwala sa karera?

Mayroon daw isang longtime horseowner na nagwala sa Santa Ana Park noong nakaraang Linggo matapos patawan ng 21 days suspension ng club stewards ang kanyang beteranong kabayo.

Ito ay pagkaraan mag-diagnose ang club veterinarian na may lameness sa left fore ang kabayo nang ito ay bugaw dumating at may pilay.

Name of horse? Pangalan ng hayop + pangalan ng pagkain.

Pinagbantaan diumano ng naturang horseowner ang club veterinarian, na agad pina-blotter ng insidente sa pulis. Nasaksihan ang insidente ng isang beterinaryo ng Philippine Racing Commission.

In denial ngayon si Horseowner, ngunit hindi naman magre-report sa pulis ang beterinaryo kung wala naman talagang nangyari. Ang matindi ay may witness sa pangyayari.

May edad na si Horseowner at may problema sa kalusugan. Ganoon pa man, madalas siyang bumibiyahe ng Naic upang mapanood ng live ang takbo ng kanyang mga kabayo. Ganoon siya ka-intendido at ka-passionate sa kanyang racing operations. Hindi malayo na dala ng matinding emosyon, nakapagbitiw siya ng maanghang na salita.

Ngunit isang pinapahalagang ugali sa karera ang respeto para sa isa’t-isa. Kaya nga ang isang bansag sa horseracing ay “the gentlemen’s sport.”

Ang lumabag sa code of honor na ito ay dapat lamang managot, hindi lamang for ethical and cultural reasons, kundi dahil maaring may kaso ito sa ilalim ng batas, at sa ilalim rin ng racing rules and regulations (as amended December 2010):

“PR 75 (Acts and/or omissions by horseowners and/or trainers and their corresponding penalties), Sec. E – For…disorderly or improper conduct in his relations with the officials of the Philracom or the Racing Club, or for insulting them when the latter are in performance of their duties: 1st offense, [Fine of] Five Thousand Pesos and/or 2-4 racing weeks suspension; 2nd offense, [Fine of] Ten Thousand Pesos and/or 4-6 racing weeks suspension. Succeeding offenses – Philracom discretion.”

Hinihintay na lamang raw ng Philracom ang copy ng blotter/incident report at report ni Santa Ana Park racing manager Dan Valmonte upang maimbestigahan ng pormal ang insidente. ***

Related stories:

KL: Mga Darating na Stakes Races

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 4 September 2012, Tuesday

Mga Darating na Stakes Races

Ang pagpasok ng ‘ber’ months ay panahon na para magsaya ng mga karerista dahil dito hahataw ang mga malalaking stakes races.

Mula sa Philippine Racing Commission:

Santa Ana Park: 3rd leg Juvenile Fillies, Set. 15, at 3rd leg Juvenile Colts, Set. 16, parehong 1,500 meters; Opal Stakes (5th leg Import/Local Challenge series), Set. 30, 2,000 meters; Sampaguita Stakes (3YO and up fillies and mares), Okt. 14, 1,700 meters; Grand Sprint Championship, Nob. 25, 1,000 meters; Juvenile Championship, Dis. 23, 1,600 meters; at dalawang sponsored races sa MARHO Championships (Nob. 20-25) at ganun din sa Philtobo racing festival, Dis. 9.

May additional P1 milyon ring idadagdag ang Philracom sa premyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office 40th Presidential Gold Cup sa Dis. 9, Santa Ana Park.

San Lazaro Leisure Park: dalawang sponsored races sa Klub Don Juan de Manila Derby, Okt. 21; Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup, Nob. 18, 2,000 meters; at Philracom Grand Derby, Dis. 29, 2,000 meters.

Mula sa PCSO:

Santa Ana Park: Okt. 13, 2YO Open, 1,200 meters; Okt. 14, dalawang regular PCSO Anniversary races (wala pang distansiya); at Dis. 9, 40th Presidential Gold Cup, 2,000 meters.

SLLP: Set. 22, 2YO Open, 1,300 meters; Okt. 21, dalawang PCSO Anniversary races; Nob. 24, 2YO Open, 1,300 meters; at Dis. 15, 2YO Open, 1,300 meters.

Lahat ng mga schedule na ito ay “subject to change” o maari pang magbago. Ngunit ito ay maari pa ring magsilbing gabay sa mga racing fans na nais malaman ang mga darating na karera.

Sana po ay antabayanan ninyo ang mga ito. Dito natin makikita ang pinakamagaling na mga runners sa kasalukuyan.  ***

Related stories:

KL: Humble Riches sa Lakambini!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 28 August 2012, Tuesday

Humble Riches sa Lakambini!

Isang pinaka-aabangang karera taun-taon ay ang Philippine Racing Commission Lakambini Stakes para sa mga babaeng kabayo.

Sa taong ito, kasali sa 1,750-meter karera sa San Lazaro Leisure Park noong Linggo (Agosto 26) ang mga 3YO fillies na sina Jahan, Humble Riches, Cat’s Diamond, Gale Force, Machine Gun Mama, Grace Giver, Sky is the Limit, Spring Collection, at Heart Summer.

Llamado sa lahat ang island-born na si Humble Riches ni Kenneth Causon, at may suporta din sina Spring Collection at Jahan.

Paglabas ng aparato, kinuha na ni Humble Riches ang unahan, sa paggabay ni jockey Patricio Dilema. Nasa likuran niya sina Cat’s Diamond at Jahan. Bagamat pinilit ni Cat’s Diamond at Spring Collection na humabol, wala rin silang inubra sa tulin ng kabayong kinukundisyon ni Ruben Clor.

Banderang tapos si Humble Riches (Tribal Rule x Starlight Wish) ng apat na kabayo ang layo sa sumegundong Spring Collection. Sumunod sa kanila sina Jahan, Heart Summer, at Cat’s Diamond.

Samantala, sa pagpasok ng “ber” months sa linggong ito, abangan po natin ang sunod-sunod na bagsak ng matitinding racing festivals sa mga darating na buwan.

Mula sa Klub Don Juan de Manila sa Oktubre, ang Don Juan Derby sa SLLP; mula sa MARHO (Metropolitan Association of Race Horse Owners), ang ika-17 MARHO Cup Championships sa Nobyembre 20-25 sa Santa Ana Park; at mula sa Philtobo (Philippine Thoroughbred Owners and Breeders Organization), ang kanilang racing festival sa Disyembre.

Nariyan din ang ika-40 Philippine Charity Sweepstakes Office Presidential Gold Cup sa Disyembre. Bukod sa pagiging isang milestone at makasaysayang event, maari nating makita ditong magkatotoo na ang pinapantasyang match race ng racing fans sa pagitan ng dalawang kasalukuyang kampeon ng karera – sina 2012 Triple Crown champion Hagdang Bato at 2012 PCSO Silver Cup at 2011 PCSO Gold Cup champion Magna Carta. Saan pa kayo?   ***

Related stories:

KL: Hagdang Bato, Binasag Record ng Island-Born!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 25 August 2012, Saturday

Hagdang Bato, Binasag Record ng Island-Born!

Sa pagkapanalo ni Hagdang Bato ng Philippine Charity Sweepstakes Office National Grand Derby noong nakaraang Linggo (Agosto 19) sa Santa Ana Park, binasag niya ang record na itinala ng isang island-born limang taon nang nakalipas.

Tinalo ng local-bred 3YO ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos ang limang kalaban, kasama na rito ang stablemate na si Barkley na segundong dumating. Ito ay one-two finish sa premyo para sa kanilang may-ari.

Lulan si jockey Jonathan Hernandez, halos banderang tapos sa milyang karera ng PCSO si Hagdang Bato. Nag off-the-pace sa kanya si High Voltage, ngunit naubos na rin sa may far turn ito at nanalo si Hagdang Bato ng walong kabayo ang layo.

Tersero si Darleb at cuarto si Purple Ribbon, stablemate ni High Voltage.

Ang cuartos ay 25’-23-23’-25’ para sa kabuuang 1.37.8. Binasag ni Hagdang Bato, na kinukundisyon ni Ruben Tupas, ang record na 1:38 na ginawa noong 2007 ng island-born na si Copper Dew ng yumaong Jose Mari  Franco.

Ayon kay Mayor Abalos, hinahanda nila si Hagdang Bato para sa MARHO races sa Nobyembre at sa ika-40 PCSO Presidential Gold Cup sa Disyembre 9, pareho sa Santa Ana Park.

Ang pagdaos ng PCSO National Grand Derby ay itinaon mismo sa highlight day ng ika-4 Mayor Ramon D. Bagatsing (RDB) Memorial Cup.

Umiskor muli si trainer Tupas sa Philippine Racing Commission-sponsored RDB Cup Division II, sa pagkapanalo ng kanyang alagang si Pugad Lawin ni Antonio V. Tan at sinakyan ni jockey Jeffril Zarate.

Ang nanalo naman si Philracom-RDB Division I ay Si Humble Riches ni Kenneth Causon, sakay si Patricio Dilema at trained ni Ruben Clor. Ito’y parehong 1,700-meter na karera.

May dalawa ring PCSO-RDB Cup races na parehong 1,700 meters. Ang nanalo sa Division II nito ay si Ms. Bling Bling ni Vicente Lava (jockey Christopher Tamano at trainer Buboy Jacob), at sa Division I naman si Pleasantly Perfect ni Divina Dy (jockey Dominador Borbe Jr. at trainer Rudy Mendoza).

Ang susunod na pakarera ng PCSO ay isang 2YO Special Maiden Race sa Set. 22 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang trial nito ay Set. 4 at ang mga declared entries ay:

Princess Keni ni Kenneth Causon (filly, jockey PR Dilema), Laguna ni Nathaniel Velasco (filly, AB Alcasid Jr.), Able Minister ni Felipe O. Vergara (filly, KB Abobo), Alta’s Finest ni Robert Joseph Moran (colt, RG Fernandez), Busilak ang Puso ni Antonio Eleazar at Reynaldo Buñag (colt, GA Rivera)’

Gold on Fire ng Hideaway Farm Corp. (filly, CB Tamano), Right Direction ni Patrick Uy (colt, JB  Guce), Gee’s for Victory ni Eduardo Gonzalez (filly, JB Hernandez), Onemoretimesweety ni Narciso Morales (filly, JA Guce),  Garnet ng Dynamic Parts Center (colt, CV Garganta), at Security Champ ni Antonio Eleazar (colt, VM Camañero Jr).

Lahat ng colts ay magdadala ng 54 kgs. at ang filly 52 kgs.  ***

Related stories:

KL: 4th RDB Cup sa Santa Ana Park!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 18 August 2012, Saturday

4th RDB Cup sa Santa Ana Park!

Bonggang-bongga ang mga karerang pakakawalan ngayong weekend sa pista ng Santa Ana Park ng Philippine Racing Club sa Naic, Cavite.

Dito tatanghalin ang highlight races ng ika-4 Mayor Ramon D. Bagatsing Memorial Cup. Madalas sulputan ng dehado ang mga pakarera nila mula’t sapul, lalo sa main races nito na RDB C up Division I at Division II na parehong suportado ng Philippine Racing Commission.

Ang 2009 RDB Cup Division (1,700 meters) sa Santa Ana Park ay pinanalunan ng malayong segundong llamadong Megamax, sakay ni jockey Dhunoy Raquel, na siya rin nanalo sa Division II sakay naman ang patok na Don Enrico.

Noong ikalawang RDB Cup (2010) sa Santa Ana Park din, ang nanalo sa Division I ay si Thoti’s Best lulan ni Daniel Camañero. Inupset nila ang super outstanding na si Yes Pogi, at tumala pa ng track record na 1:45 sa 1,700 meters.

Binasag naman ang record na ito nang itakbo ang Division II, kung saan nanalo si Batang Tundo sakay si Jeffril Zarate.

Noong ika-3 RDB Cup noon 2011 sa San Lazaro Leisure Park, parehong 1,900 meters and Division I at Division II. Ang nanalo sa una ay si Gastambide ka-partner si jockey Rodeo Fernandez, at sa ikalawa naman, si  Tensile Strength na ginabayan ni Zarate.

Sino kaya mananalo sa Philracom-RDB Cup Division I at II ngayong taon?

Samantala, tiyak na aabangan ng karerista si 2012 Triple Crown winner Hagdang Bato sa Philippine Charity Sweepstakes Office National Grand Derby sa Linggo.

Racing fans, tutok po sa live coverage!

* * * * *

Pumanaw noon Agosto 14 si racing consultant Mr. George Stribling sa edad na 95.

Si Mr. Stribling ay isang Amerikano na nanirahan na sa Pilipinas simula ng dekada 80 – isa siyang horseowner at trainer. Siya ang nagtayo ng Philippine Jockeys Academy, at nag-ayos ng straight or direcho ng pista ng lumang Santa Ana Park sa Makati. Inayos niya rin ang mga racing rules and regulations, lalo sa disqualification, noong 80s.

Ako’y naging estudyante ni Mr. Stribling sa Academy bilang unang babaeng apprentice, sa batch 4 (1990).

Maraming salamat kay Mandaluyong Mayor Benhur Abalos na siyang nag-asikaso sa pagpapa-cremate kay Mr. Stribling noong Agosto 17, bilang donasyon mula sa kanyang mapagkalingang puso.

Salamat rin sa Philippine Racing Club-Santa Ana Park (lalo kina Atty. Ramon P. Ereñeta Jr. at Ms. Jessica Villanueva), at horseowners groups MARHO at Philtobo na nagbigay kay Mr. Stribling ng monthly allowance sa loob ng maraming taon.

Maraming salamat rin ay racing judge Liza Alvarino at si Mang Zaldy na umaruga kay Mr. Stribling; sa Rescue team ng Barangay Carmona, Makati; at sa mga hinete ng New Philippine Jockeys Association.

Ang mga hinete ang nag-arrange ng lamay, burol, at huling misa para kay Mr. Stribling, na bilang kanilang guro ay naging malaking bahagi ng buhay ng karamihan ng mga active na hinete ngayon.

Salamat kay NPJA president Oyet Alcasid, Butchoy Daquis at iba pang mga directors, kanilang staff Roselle Aguilar at Shirley Jaime, at official physician Dr. Pinky Isaac. ***

Related stories:

KL: Hataw, Karera!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 14 August 2012, Tuesday

Hataw, Karera!

            Todo saya noong nakaraang weekend sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club sa mga pakarera ng Philippine Racing Commission and Philippine Charity Sweepstakes Office.

Noong Sabado (Agosto 11), matindi ang bakbakan ng llamadong Pantukan at segundo llamadong Sky Dragon sa PCSO Special Maiden Race sa loob ng 1,400 meters.

Matindi ang remate ni Sky Dragon sa pagrerenda ni jockey Antonio Alcasid Jr. at naging photo finish ang pagtatapos. Ngunit paglabas ng resulta, nanaig pa rin ang nag-banderang Pantukan ng pamilya Floirendo sa ilalim ni Fernando Raquel Jr.

Ang tiyempo ng karera ay 1:28.6 sa cuartos na 12’-24-24’-27.

Pagkatapos ng labanang ito, isinalang naman ang mga kalahok ng 1,000 meter na Philracom 2nd leg Juvenile Fillies stakes race. Panalo rito si Eurasian ni Joseph Dyhengco na ginabayan ni Jeffril Zarate. Sumegundo si Grand Strikes Girl, tersero si Ballet Flats.

Noong Linggo naman (Agosto 12), itinakbo ang 1,300 meters na Philracom 2nd leg Juvenile Colts kung saan nanalo si Boss Jaden, sakay ni jockey Jeffrey Bacaycay at pagmamay-ari ni Atty Sixto Esquivias IV. Segundo llamado ang nagwagi; itinalo nito ang paboritong Spinning Ridge ng SC Stockfarm na segundong dumating.

Sa ibang kaganapan, Sabado rin idinaos ang isang multi-sectoral meeting ng industriya kung saan nagpulong ang iba’t-ibang mga kinatawan upang masolusyunan ang mga isyung hinaharap sa kasalukuyan.

Kabilang sa mga naroon sina chairman Angel L. Castaño Jr. at commissioner Jesus Cantos ng Philracom; Manila Jockey Club chairman Atty Alfonso Reyno Jr., EVP-COO Atty King Reyno at assistant vice-president at racing manager Jose Ramon C. Magboo; Philippine Racing Club AVP at racing manager Dan Valmonte; Metro Manila Turf Club chairman Dr. Norberto Quisumbing Jr. at president Atty. Alex Carandang; MARHO corporate secretary Atty. Ramon S. Bagatsing Jr.; Philtobo president Bienvenido Niles Jr.; at Klub Don Juan de Manila past president Lamberto Almeda Jr.

Sa weekend naman na ito sa Santa Ana Park gagawin ang  ika-4 na Mayor Ramon D. Bagatsing (RDB) Memorial Cup.

Ang mga major races nito ay ang Philracom RDB Cup Division I at Division II; dalawang PCSO-RDB Cup; at PCSO National Grand Derby.

Samantala, salamat sa inyong mga panalangin para kay dating Philracom commissioner at ngayon racing coverage host Eduardo “Boboc” Domingo Jr. na nakalabas na mula sa ospital noong nakaraang linggo pagkatapos sumailalim sa heart bypass operation. Siya’y nasa mabuting kondisyon at nagpapagaling.

Ikinalulungkot ko namang ibalita na nasa “serious condition” si Philippine Jockey Academy founder at instructor George Stribling sa Ospital ng Makati. Sana siya ay gumaling na agad!  ***

Related stories:

KL: PCSO Special Maiden Race

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 11 August 2012, Saturday

PCSO Special Maiden Race

Tuloy ang Special Maiden Race ngayon ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa San Lazaro Leisure Park!

Mayroon itong 10 kalahok pagkatapos umurong ng tatlong deklaradong kabayo.

Ang matitirang maglalaban sa 1,400 meters sa Carmona ay sina Wild Ginseng, Striker’s Symbol, Leonidez Might, Leonor, Pantukan, Sky Dragon, Green Garnet, Tarzan, Mi Esperanza, at Divine Eagle.

Ayon kay former jockey at ngayon racing analyst Joey Macaraig:

“Type ko si Wild Ginseng kasi may speed at maganda ang post position niya, sa number one.

“Panegundo ko naman ang kabayo ni pareng Oyet Alcasid. Stayer si Sky Dragon, at baka magluchahan sa harapan. Magaling pati dumiskarte ng remate si Oyet.”

Malaki ang first prize, P600,000, at may corresponding prizes hanggang tersero, at pati breeder’s prize na P50,000.

Sa Agosto 19 naman ang ika-4 na Mayor Ramon D. Bagatsing Memorial Cup sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Ayon kay Atty. Ramon “Dondon” Bagatsing Jr., anak ng yumaong alkalde ng Maynila na siyang pinapangaralan ng racing festival na ito, “We’re all set to hold the event and we are excited kasi marami ang sumuporta.

“Bukod sa PCSO, Philippine Racing Commission, at napakarami pang mga sponsors, sumama rin ang Gran Matador Brandy and we are happy for their participation, pati na rin sa pakikilahok  ng mga horseowners ng kanilang mga entries.

“Sana magustuhan ng bayang karerista ang naihanda namin para sa kanila.”

***

Related stories:

1 2 3 11