Archive of ‘Amiga sa Karera’ category

ASK: Magna Carta/Philracom Medical Mission at MJC/Paalam, Jose Mari Franco

AMIGA SA KARERA by Jenny Ortuoste for Karera Extra, 29 December 2011, Tuesday

Welcome to the new horseracing weekly, Karera Extra! Na maghahatid sa inyo ng mainit at sariwang balitang karera linggo-linggo. Maraming salamat kay publisher/editor Ka Edd Detubio sa kanyang paanyaya sa aking sumali sa proyektong ito, na makakatulong at makakaaliw ng bayang karerista.

Kaya subaybayan po kami rito upang makakalap kayo ng mga balita tungkol sa ating paboritong libangan.

Magna Carta

Nagpakita ng kakaibang galing si Magna Carta sa 1st Vice-President Jejomar Binay Cup noong Dis. 24 sa San Lazaro Leisure Park.

Preskong galing ito sa malaking panalo noong Dis. 18 sa SLLP din, sa 39th Philippine Charity Sweepstakes Office Presidential Gold Cup. Kaya napakaganda ng kondisyon nito nung kanyang sinagupa ang ilan sa pinakamagaling na mananakbo sa bansa.

Lulan si jockey Jesse B. Guce, iniwan ni Magna Carta si Yes Pogi sa segundo puwesto pagkaraan ng far turn pa lang. Tersero si Gastambide na nagmula pa sa huling puwesto, at cuarto si Carriedo. Huling dumating si Constatic na siyang nagdala ng bandera.

Umoras ng 1:40 sa milya si Magna Carta sa 1st VP Binay Cup, na isang charity race for the benefit of the Alay sa Kawal (ASK) Foundation. Naroon sa SLLP ang ilang mga sundalo upang personally tanggapin ang kanilang cheke ng financial assistance mula kay VP Binay mismo at ilan pang opisyales ng Manila Jockey Club at ASK.

Nakakabilib si Philracom chairman Angel L. Castano Jr. dahil on very short notice from the race organizers, at kahit said na ang racing budget ng Philracom dahil end-of-the-year na, nakahanap pa rin siya ng paraan upang mapondohan ng P1 million ang charity race na ito. Bukod doon, nangako rin si Chairman Castano na taunang susuportahan ng Komisyon ang Alay sa Kawal Foundation sa pamamagitan ng karerang ito.

Kakaiba talaga ang tapang ni Magna Carta. Ayon kay jockey Antonio B. Alcasid Jr., presidente ng New Philippine Jockeys Association na sumakay kay Constatic sa 1st VP Binay Cup, bago raw tumakbo ang karera, nadulas si Magna Carta sa may saddling paddock, nahulog, at napatihaya. Kung sa iba, baka nai-scratch na ito dahil nakaka-trauma talaga sa kabayo ang mabalentong. Akalain nyong itinakbo ito at kahit dikit ang datingan nila ni Yes Pogi, nanalo pa itong si Magna Carta. Ang galing talaga!

Owned by Michael Dragon T. Javier, ang kabayong ito ay  island-born na considered bred sa Royal Maverick Ranch ni Mayor Leonardo “Sandy” M. Javier Jr. Si Woodman ang sire mula kay Pledge The Fifth, parehong American horses.

Ayon sa isang taga-Keeneland thoroughbred auctions sa Kentucky, USA, ang American horses ay bred for dirt talaga kesa sa mga Australian at New Zealand horses na karamihan ay bred for turf (grass track).

Since wala naman tayong turf racing dito, it makes more sense na American lineages ang angkatin ng mga breeders natin. Itong mga US horses nga ang mga tumatala ng magagandang pruweba sa ating mga pista, tulad nitong si Magna Carta.

* * * *  *

Philracom Medical Mission at MJC   

Bilang bahagi ng kanilang mga proyekto sa ilalim ng TRIP (Transparency, Responsiveness, Innovations and Policy Driven) Program, ang Philippine Racing Commission ay nagpa-medical mission sa San Lazaro Leisure Park racing community noong Dis. 2.

Ayon kay Philracom project coordinator Eric de la Cruz, ang Philacom medical mission ay nagbigay ng libreng serbisyong medikal sa mga lisensiyado ng Philracom na mga sota, sota helper, magbabakal, ensayador, at ang kanilang mga pamilya.

Ang natulungan ng medical mission ay 302, kung saan ang karamihan ay ang mga sota at helper (124), mga bata at sanggol (92), at maybahay (58).

Ang mga participants sa medical mission ay mga taga-Philracom (19), 12 duktor (dalawa mula sa MJC, isa mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office, dalawa mula sa Philracom, at pitong volunteers), at pitong volunteer nurses.

Para sa transport ng personnel at gamit, nagpahiram ang MJC, Philracom, at Philippine Race Horse Trainers Association ng mga vans.

Ang PCSO naman ay nagpadala ng mobile clinic at ambulance, at nagbigay ng mga gamot.

Ang susunod na Philracom medical mission ay gaganapin sa Santa Ana Park bago mag-Valentine’s Day. Pinaghahandaan ng Komisyon ang pagbigay ng karagdagang serbisyong medical tulad ng dental services (pagbunot ng ngipin), minor surgery (sugat), x-ray, at libreng haircut sa mga lisensiyadong sota at kanilang pamilya.

* * * *  *

Paalam, Jose Mari Franco

Lubos na ikalulungkot ng Metropolitan Association of Race Horse Owners (MARHO) ang ianunsiyo ang pagkayao ng isang direktor nito, si horseowner at breeder Jose Mari Franco.

Pumanaw si G. Franco noong umaga ng Dis. 22. Matagal na siyang may karamdamang kanser, ngunit buong tapang niya itong nilabanan ngunit sa huli ay wala ring nagawa ang mga gamot at treatment.

Lubos nalang nagpapasalamat ng mga MARHO direktor, miyembro, at iba pang taga-karera na nakapag-attend pa si G. Franco ng MARHO Cup Day noong Nob. 20 sa Santa Ana Park, kung kailan siya ang pinarangalan ng isang tribute race. Buong galak niyang iniabot ang trophy sa nagwagi.

Samantala, umuwi siyang masaya ng gabing iyon dahil nanalo siya ng tropeo bilang breeder ni Heaven Sent (Heza Gone West- Kiss and Run), sa MARHO Sprint.

Malaki ang naging kontribusyon ni G. Franco sa industriya ng pagpapalahi ng thoroughbred. Siya ang may-ari ni Copper Dew, na hanggang ngayon ay may hawak ng record sa milya, sa 1:38 na ginawa niya sa Santa Ana Park noong 2007.

Si G. Franco rin ang may-ari ng mga “Spanish” horses – Spanish Eyes, Spanish Ruler – at siya rin ang pumili sa auction sa Amerika ng istalyong Mr. Sutter, na nag-sire sa Herma Farms and Stud ng mga kampeon tulad ni Go Army.

Malaking kawalan sa industriya si G. Franco; maaalala nalang ng kanyang mga iniwan ang kanyang mga legacy. Sa puso ng mga nagmamahal sa kanya, lagi siyang mananatiling buhay. Nakikiramay kami sa pamilya Franco. Sir Mari, we’ll miss you!

***

Related stories: