Archive of ‘Pilipino Mirror: Gogirl Racing’ category

GR: KDJM Derby, PCSO September Race

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 14 September 2012, Friday

KDJM Derby, PCSO September Race

Ang milestone ika-10 Klub Don Juan de Manila racing festival ay idadaos sa Oktubre 2-9 sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club, ayon kay KDJM president Antonio Eleazar.

Kabilang sa mga major sponsors ng event, sabi ni KDJM past president Lamberto “Jun” Almeda Jr., ang Philippine Racing Commission, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Resorts World.

Ang isa sa mga major races na kanilang ihahain ay parangal sa yumaong Don Antonio Floirendo Sr. na isa sa pinakamabigat na sumusuporta sa KDJM Derby, lalo sa kanyang pag-sponsor ng taunang Golden Girls stakes race nito.

Nagka-deklarahan na para sa karerang ito, at kapag naiayos na ng KDJM secretariat ang datos ay ihahatid ko sa inyo ang lineup.

Samantala, heto na ang official lineup ng 1,400 meters PCSO 2YO Open sa Set. 22 sa SLLP:

Post position #1: Princess Keni ni Kenneth Causon, filly, jockey PR Dilema;

#2: Laguna ni Nathaniel Velasco, filly, AB Alcasid Jr.;

#3: Able Minister ni Felipe O. Vergara, filly, KB Abobo;

#4: Alta’s Finest ni Robert Joseph Moran,colt, RG Fernandez;

#5: Busilak ang Puso ni A. Eleazar at R. Buñag, colt, GA Rivera;

#6: Gold on Fire ng Hideaway Farm, filly, CB Tamano;

#7: Right Direction ni Patrick Uy, colt, JB Guce;

#8: Gee’s for Victory ni Eduardo Gonzalez, filly, JB Hernandez;

#9: Onemoretimesweety ni Narciso Morales, filly, JA Guce;

#10: Garnet ng Dynamic R Parts Center, colt, CV Garganta;

#11: Security Champ ni Antonio Eleazar, colt, VM Camañero Jr.

Asahan na sa dami ng kalahok at angking potential nila, magiging napakagandang laban nito.

Inaayos na rin ng PCSO ang kanilang Anniversary Races para sa susunod na buwan. Mayroong dalawang karera sa Santa Ana Park sa Okt. 14 at dalawa rin sa SLLP sa Okt. 21.

***

Related stories:

GR: Horseowner, gumawa ng eksena

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 10 September 2012, Monday

Horseowner, gumawa ng eksena

May balitang kumalat tungkol sa isang longtime horseowner na gumawa ng eksena sa Santa Ana Park noong nakaraang Linggo matapos suspindihin ng club veterinarian ang kanyang beteranong kabayo for lameness noong ito ay bugaw dumating at may pilay.

Pinagbantaan diumano ng naturang horseowner ang club veterinarian, na nagpa-blotter ng insidente sa pulis. Nasaksihan ang insidente ng isang beterinaryo ng Philippine Racing Commission.

Hinihintay nalang ng Komisyon ang mga papeles tulad ng blotter report upang maimbestigahan ang insidente.

* * * * * *

Ang pagpasok ng ‘ber’ months ay panahon na para magsaya ng mga karerista dahil dito hahataw ang mga malalaking stakes races.

Mula sa Philippine Racing Commission:

Santa Ana Park: 3rd leg Juvenile Fillies, Set. 15, at 3rd leg Juvenile Colts, Set. 16, parehong 1,500 meters; Opal Stakes (5th leg Import/Local Challenge series), Set. 30, 2,000 meters; Sampaguita Stakes (3YO and up fillies and mares), Okt. 14, 1,700 meters; Grand Sprint Championship, Nob. 25, 1,000 meters; Juvenile Championship, Dis. 23, 1,600 meters; at dalawang sponsored races sa MARHO Championships (Nob. 25) at ganun din sa Philtobo racing festival, Dis. 9.

May additional P1 milyon ring idadagdag ang Philracom sa premyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office 40th Presidential Gold Cup sa Dis. 9, Santa Ana Park.

San Lazaro Leisure Park: dalawang sponsored races sa Klub Don Juan de Manila Derby, Okt. 2-9; Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup, Nob. 18, 2,000 meters; at Philracom Grand Derby, Dis. 29, 2,000 meters.

Mula sa PCSO:

Santa Ana Park: Okt. 13, 2YO Open, 1,200 meters; Okt. 14, dalawang regular PCSO Anniversary races (wala pang distansiya); at Dis. 9, 40th Presidential Gold Cup, 2,000 meters.

SLLP: Set. 22, 2YO Open, 1,300 meters; Okt. 21, dalawang PCSO Anniversary races; Nob. 24, 2YO Open, 1,300 meters; at Dis. 15, 2YO Open, 1,300 meters.

Lahat ng mga schedule na ito ay “subject to change” o maari pang magbago.

***

Related stories:

GR: Humble Riches, Sumiklab!

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 29 August 2012, Wednesday

Humble Riches, Sumiklab!

Nagpakitang-gilas ang kinikilalang pinakamatulin na babaeng kabayo sa kasalukuyan noong kanyang panalunin ang Philippine Racing Commission Lakambini Stakes noong Linggo (Agosto 26).

Kasali sa 1,750-meter karera sa San Lazaro Leisure Park sina Jahan, Humble Riches, Cat’s Diamond, Gale Force, Machine Gun Mama, Grace Giver, Sky is the Limit, Spring Collection, at Heart Summer, lahat mga 3YO fillies.

Paglundag, kinuha agad ni Humble Riches ang unahan, sa paggabay ni jockey Patricio Dilema. Nag-off-the-pace sina Cat’s Diamond at Jahan.

Sinubukan nila Cat’s Diamond at Spring Collection na humabol ngunit wala rin silang inubra sa tulin ng kabayong kinukundisyon ni Ruben Clor.

Banderang tapos si Humble Riches (Tribal Rule x Starlight Wish) ng apat na kabayo ang layo sa sumegundong Spring Collection. Tersero si Jahan at cuarto si Heart Summer.

Llamado sa lahat ang island-born na si Humble Riches ni Kenneth Causon, at may suporta din sina Spring Collection at Jahan.

Samantala, sa pagpasok ng “ber” months sa linggong ito, abangan natin ang sunod-sunod na matitinding racing festivals hanggang sa katapusan ng taon.

Mula sa mga grupo ng horseowners: sa Oktubre, ang Don Juan Derby sa SLLP; sa Nobyembre 20-25, ang ika-17 MARHO Cup Championships sa Santa Ana Park; at sa Disyembre, ang Philtobo racing festival.

Sa Disyembre 9 naman ang ika-40 Philippine Charity Sweepstakes Office Presidential Gold Cup. Isa itong makasaysayang event, hindi lamang dahil kwarenta anyos na, kundi dahil maaring dito magkatotoo ang pinapantasyang match race ng racing fans sa pagitan ng dalawang kasalukuyang kampeon ng karera – sina 2012 Triple Crown champion Hagdang Bato at 2012 PCSO Silver Cup at 2011 PCSO Gold Cup champion Magna Carta. ***

Related stories:

GR: PCSO Special Maiden Race sa SLLP

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 27 August 2012, Monday

PCSO Special Maiden Race sa SLLP

Kadalasang bahagi ng pangangampanya ng isang mananakbong kabayo ang kanyang two-year-old season, o ang pagtakbo bilang “juvenile” o sa edad na dalawa.

May ilang horseowner at trainer na ayaw magtakbo sa ganoong edad dahil anila ang paa ng kabayo ay “green” pa at mas malaki ang chansa na madisgrasya ito.

Ang iba naman ay nagtatakbo ng bandang ikalawang bahagi or third quarter ng taon para mas matibay ang kanilang alaga.

Ang iba naman ay malaki ang kumpiyansa sa kakayahan ng kanilang mga 2YO at sinasabak na ang mga ito sa mga stakes races sa umpisa pa lamang ng 2YO season, bilang training para sa kanilang mas matinding 3YO season.

Kaya naman ang mga major sponsors ng karera, tulad ng Philippine Racing Commission at Philippine Charity Sweepstakes Office, ay gumagawa ng mga karera para sa 2YO.

Ang susunod na pakarera ng PCSO na 2YO Special Maiden Race ay sa Set. 22 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang trial nito ay sa Set. 4 at ang mga declared entries ay:

Princess Keni ni Kenneth Causon (filly, jockey PR Dilema), Laguna ni Nathaniel Velasco (filly, AB Alcasid Jr.), Able Minister ni Felipe O. Vergara (filly, KB Abobo), Alta’s Finest ni Robert Joseph Moran (colt, RG Fernandez), Busilak ang Puso ni Antonio Eleazar at Reynaldo Buñag (colt, GA Rivera)’

Gold on Fire ng Hideaway Farm Corp. (filly, CB Tamano), Right Direction ni Patrick Uy (colt, JB  Guce), Gee’s for Victory ni Eduardo Gonzalez (filly, JB Hernandez), Onemoretimesweety ni Narciso Morales (filly, JA Guce),  Garnet ng Dynamic Parts Center (colt, CV Garganta), at Security Champ ni Antonio Eleazar (colt, VM Camañero Jr).

Lahat ng colts ay magdadala ng 54 kgs. at ang filly 52 kgs.

Mabuting mapanood ang mga karera ng 2YO para na rin malaman ang mga porma ng mga batang kabayo, dahil manggagaling sa grupo ng mga elite 2YO ang mga future Triple Crown contenders at posibleng champions tulad ni Hagdang Bato, na nakasweep ng serye ngayon taon, 11 taon pagkaraan ng huling Triple Crown champ na si Silver Story.   ***

Related stories:

GR: PCSO Special Maiden Race sa SLLP

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 24 August 2012, Friday

PCSO Special Maiden Race sa SLLP

Kadalasang bahagi ng pangangampanya ng isang mananakbong kabayo ang kanyang two-year-old season, o ang pagtakbo bilang “juvenile” o sa edad na dalawa.

May ilang horseowner at trainer na ayaw magtakbo sa ganoong edad dahil anila ang paa ng kabayo ay “green” pa at mas malaki ang chansa na madisgrasya ito.

Ang iba naman ay nagtatakbo ng bandang ikalawang bahagi or third quarter ng taon para mas matibay ang kanilang alaga.

Ang iba naman ay malaki ang kumpiyansa sa kakayahan ng kanilang mga 2YO at sinasabak na ang mga ito sa mga stakes races sa umpisa pa lamang ng 2YO season, bilang training para sa kanilang mas matinding 3YO season.

Kaya naman ang mga major sponsors ng karera, tulad ng Philippine Racing Commission at Philippine Charity Sweepstakes Office, ay gumagawa ng mga karera para sa 2YO.

Ang susunod na pakarera ng PCSO na 2YO Special Maiden Race ay sa Set. 22 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang trial nito ay sa Set. 4 at ang mga declared entries ay:

Princess Keni ni Kenneth Causon (filly, jockey PR Dilema), Laguna ni Nathaniel Velasco (filly, AB Alcasid Jr.), Able Minister ni Felipe O. Vergara (filly, KB Abobo), Alta’s Finest ni Robert Joseph Moran (colt, RG Fernandez), Busilak ang Puso ni Antonio Eleazar at Reynaldo Buñag (colt, GA Rivera)’

Gold on Fire ng Hideaway Farm Corp. (filly, CB Tamano), Right Direction ni Patrick Uy (colt, JB  Guce), Gee’s for Victory ni Eduardo Gonzalez (filly, JB Hernandez), Onemoretimesweety ni Narciso Morales (filly, JA Guce),  Garnet ng Dynamic Parts Center (colt, CV Garganta), at Security Champ ni Antonio Eleazar (colt, VM Camañero Jr).

Lahat ng colts ay magdadala ng 54 kgs. at ang filly 52 kgs.

Mabuting mapanood ang mga karera ng 2YO para na rin malaman ang mga porma ng mga batang kabayo, dahil manggagaling sa grupo ng mga elite 2YO ang mga future Triple Crown contenders at posibleng champions tulad ni Hagdang Bato, na nakasweep ng serye ngayon taon, 11 taon pagkaraan ng huling Triple Crown champ na si Silver Story.   ***

Related stories:

GR: Philracom, PCSO Races at 4th Bagatsing Cup

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 15 August 2012, Wednesday

Philracom, PCSO Races at 4th Bagatsing Cup

Matindi ang labanan sa pista ng San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club noong nakaraang Sabado at Linggo, salamat sa mga pakarera ng Philippine Racing Commission and Philippine Charity Sweepstakes Office.

Noong Sabado (Agosto 11), neck-and-neck ang labanan ng llamadong Pantukan at segundo llamadong Sky Dragon sa PCSO Special Maiden Race sa loob ng 1,400 meters.

Mainit ang pagparemateng ginawa jockey Antonio Alcasid Jr. sa ibabaw ni Sky Dragon bagamat todo hatak pa rin si Pantukan.

Naging photo finish ang pagtatapos, at sa resulta, nanaig ang nag-banderang Pantukan ng pamilya Floirendo sa ilalim ni Fernando Raquel Jr.  Ang oras ng karera ay 1:28.6 sa cuartos na 12’-24-24’-27.

Pagkatapos ay isinalang naman ang mga kalahok ng 1,000 meters Philracom 2nd leg Juvenile Fillies stakes race. Panalo rito si Eurasian ni Joseph Dyhengco na ginabayan ni Jeffril Zarate. Sumegundo si Grand Strikes Girl, tersero si Ballet Flats.

Noong Linggo naman (Agosto 12), panalo si Boss Jaden sa 1,300 meters na Philracom 2nd leg Juvenile Colts. Sakay ni jockey Jeffrey Bacaycay at pagmamay-ari ni Atty Sixto Esquivias IV ang kabayong ito, na segundo llamado lamang at itinalo ang paboritong Spinning Ridge ng SC Stockfarm na segundong dumating.

Tuloy pa rin ang mainit na askyon sa darating na weekend sa Santa Ana Park para sa ika-4 na Mayor Ramon D. Bagatsing (RDB) Memorial Cup.

Ang mga major races nito ay ang Philracom RDB Cup Division I at Division II; dalawang PCSO-RDB Cup; at PCSO National Grand Derby.

Samantala, salamat sa inyong mga panalangin para kay dating Philracom commissioner at ngayon racing coverage host Eduardo “Boboc” Domingo Jr. na nakalabas na mula sa ospital noong nakaraang linggo pagkatapos sumailalim sa heart bypass operation. Siya’y nasa mabuting kondisyon at nagpapagaling.

Ikinalulungkot ko namang ibalita na pumanaw kahapon ng madaling araw si Philippine Jockey Academy founder at dating Philracom consultant George Stribling sa Ospital ng Makati. Ang kanyang burol ay gaganapin sa Bgy. Carmona, Makati chapel.

Ang kanyang mismong kahilingan ay pagkaraan ng dalawang araw, ang kanyang mga labi ay ike-cremate at ang kanyang mga abo ay ikakalat sa pista ng Santa Ana Park, kung saan siya ay naging malaking bahagi ng buhay rito.

***

Related stories:

GR: 4th Bagatsing Cup Races

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 13 August 2012, Monday

4th Bagatsing Cup Races

Inanunsiyo kamakailan ni Atty. Ramon “Dondon” Bagatsing Jr. ang lineup ng pakarera ng kanilang pamilya , ang ika-4 Mayor Ramon D. Bagatsing (RDB) Cup sa Agosto 19 sa Santa Ana Park:

Philippine Charity Sweepstakes Office National Grand Derby para sa 3YO pataas; Philippine Racing Commission RDB Cup Division I (3YO lamang); Philracom RDB Cup Division II; dalawang PCSO-RDB race; at ang taunang Phil-Japan Friendship race ng Japan Racing Association.

Mayroon ding mga inihahandang trophy races sponsored ng EEG Development Corp., AB Leisure Exponent, Inc.  (ABLE), PAGCOR, dalawang Solaire Manila Resort and Casino race, at dalawang Resort World race. Bawat isa nito ay may added prize na P100,000.

Ang mga sumusunod na sponsors ay nangako ng tig-P25,000 added to the winner only:

EEG Development Corp., at para sa tig-dalawang karera mula sa Alltech/Ridgemont Trading, San Juan Coliseum, Mr. Felizardo Sevilla Jr., at Metropolitan Association of Racehorse Owners.

Ang mga magbibigay ng non-cash prizes ay ang Gran Matador brandy, Euromed, Red Bull, at Hi-Grade Feeds (Ridgemont Trading).

Tulad ng dati pag RDB Cup, may cash prize ang bawat mananalong groom.

Ani Atty. Bagatsing, “Inaanyayahan namin ang mga horseowners at trainers na sumali sa mga karerang ito, at kaya naming pinapaalam na sa lahat ang lineup ng maaga upang makapaghanda na ang mga gustong lumahok.”

Abangan ang iba pang detalye ng annual racing festival na ito na parangal sa yumaong alkalde ng lungsod ng Maynila, na kilala ring horseowner at breeder.

***

Related stories:

GR: Longshot sa Peridot!

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 10 August 2012, Friday

Longshot sa Peridot!

Isang di-inaasahang kabayo at isang kapalit na hinete ang nanalo ng dehado sa lahat sa Philippine Racing Commission Peridot Stakes.

Ginanap noong Linggo (Agosto 5) sa Santa Ana Park, ang 1,900-meter na karerang ito ang ika-apat na yugto ng import/local challenge na serye.

Pito ang lumahok, ngunit dalawa lamang ang nagbakbakan sa unahan – sina Born Tycoon at Striding Ahead.

Naunang dumating sa meta ang pinakadehado sa lahat na Born Tycoon, na inunahan ng leeg ang sumegundong Striding Ahead.

Tersero ang llamadong Botbo, cuarto si Rain Shower. Ang tiyempo ay 1:59.4 sa matigas na pista.

Ayon jockey Antonio “Oyet” Alcasid Jr. na gumabay kay Born Tycoon:

“Ang sasakay dapat ay si Jesse Guce, pero ang pinili niyang sakyan si Juggling Act, ngunit hindi na ito inilahok. Kaya ako nilapitan ni boss Ferdie Dimaisip na sumakay kay Born Tycoon. May sinubukan siyang bagong training scheme na umobra naman. Born Tycoon did good. I thank boss Ferdie for the chance and for a job well done on her training.”

Abangan bukas ang 1,400 meters PCSO Special Maiden race sa Agosto 11 sa San Lazaro Leisure Park. Trese ang kalahok na mga 2YO – Wild Ginseng (52 kg, jockey Rodeo Fernandez), Striker’s Symbol (54, John Paulo Guce), Leonidez Might (52, Mark Alvarez), Megatron (54, Virgilio Camañero Jr.), Leonor (52, Christopher Tamano), Pantukan (54, Fernando Raquel Jr.),

Niagara Boogie (52, Jeffrey Bacaycay), Sky Dragon (54, Antonio Alcasid Jr.), Sparkling Rule (52, Jesse Guce), Green Garnet ((54, Patricio Dilema), Tarzan (54, Kelvin Abobo), Mi Esperanza (52, Dominador Borbe Jr.), at Divine Eagle (54, John Alvin Guce).

Samantala, dahil sa malakas na pag-ulan at baha sa Kamaynilaan at karatig-lugar, nagpahayag si Manila Jockey  Club Chairman Atty. Alfonso R. Reyno Jr. ng cancellation ng karera noong araw ng Martes.

Ang pag-suspindi ng karera ay nasa discretion ng racing club base sa assessment nito kung ang racing conditions ay safe o hindi para sa hinete at kabayo, pati na rin ng mga empleyado nito on-site, tellers sa off-track betting stations, at pati ng mga racing fans.

***

Related stories:

GR: Boss Jaden sa PCSO Special Maiden Race

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 25 July 2012, Wednesday

Boss Jaden sa PCSO Special Maiden Race

Kakaibang galing ang pinakita ni Boss Jaden ni Atty. Sixto Esquivias IV noong nakaraang Sabado sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Sakay si Jeffrey Bacaycay, nanalo ito ng 1,200 meters Philippine Charity Sweepstakes Office 2YO Special Maiden Race.

Segundo si Super Whaaa ni Herminio Esguerra, na nanalo ng trial race noong Hulyo 3. Tersero si Boss Jay ng  SC Stockfarm.

Ang breeder’s prize ay napunta kay Mr. Esguerra, na nagpalahi kay Boss Jaden (Real Spicy x Tereshkova) sa kanyang ranchong Herma Farm & Stud sa Lipa, Batangas.

Matatandaan ng racing fans na ang ama ni Boss Jaden, si Real Spicy, ay isang matunog na kampeon, na sa loob ng kanyang matagumpay na career ay nanalo ng  3rd leg Triple Crown 2005; PCSO Presidential Gold Cup winner 2006; PCSO Silver Cup 2006 at 2008; at marami pang ibang stakes races.

Si Real Spicy rin ang may hawak ng dalawang time records: sa 1,750 meters, 1:48 tied kay Ibarra ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos; at sa 2,050 meters, 2:09 tied kay Ibarra din.

* * * * *

Heto naman ang deklaradong kalahok para sa milyang PCSO National Grand Derby ng  3YO, Agosto 19 sa Santa Ana Park.

Anim na colts ang isinali ngunit ang ilan sa kanila ay coupled entries:

Post Position #1: Yes Yes Yes ni Francis G. Lim, 3YO, sasakyan ni jockey Patricio Dilema sa 54.5 kgs;

#2: Darleb ni Joseph Dyhengco, 5YO (Jeffril Zarate, 55.5);

            Coupled entries ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos: #3: Barkley, 4YO (Kelvin Abobo, 55) at #3A: Hagdang Bato, 3YO (Fernando Raquel Jr., 54.5);

Coupled entries ni Herminio Esguerra: #6: High Voltage, 4YO (John Alvin Guce, 55) at #6A: Purple Ribbon 3YO (Rodeo Fernandez, 54.5).

Medyo nagulat ako nung makita sa lineup na ito ang pangalan ni Hagdang Bato, na bagong galing sa kanyang tagumpay sa Triple Crown serye ng Philippine Racing Commission. Kadalasan kasi binabakasyon ang kabayo (“spell”) ng ilang buwan pagkaraan ng matitinding kampanya tulad ng kanyang pinanggalingan.

Ngunit ganoon na lamang siguro kalakas ang kumpiyansa ni Mayor Abalos sa kundisyon ng kanyang kabayo at sa kakayahan nito kontra sa mga kalaban.

Malaki ang premyong nakalaan, tiyak na ito ay naging isang malaking incentive rin : P1.5 milyon sa mananalo, P500,000 sa segundo, P300,000 sa tersero, at P200,000 sa cuarto.

* * * * *

Ang susunod na PCSO Special Maiden (2YO Open) ay gaganapin sa Agosto 11 sa San Lazaro Leisure Park. Labinlimang kalahok ang nominated para sa 1,400 meters na karera. Ang trial nito ay ginanap kahapon.

***

Related stories:

GR: Super Whaaa Kaya sa PCSO Special Maiden Race?

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 20 July 2012, Friday

Super Whaaa Kaya sa PCSO Special Maiden Race?

Si Super Whaaa ang nanalo sa trial, siya rin kaya sa aktwal na laban?

Ito ang tanong ng sambayanang karerista sa itatakbo bukas na Philippine Charity Sweepstakes Office 2YO Special Maiden Race sa Santa Ana Park.

Ang kabayo ni Herminio Esguerra ang nanalo ng trial noong Hulyo 3, sa oras na 1:17 sa 1,200 meters.

Makakalaban niya rito sina Minotaur, If Your Honor Please, Don’t Fool Your Wife, Grand Strikes Girl, Boss Jay, Boss Jaden, at Best Boss, na nagtapos ng trial sa ganitong datingan din.

Ang susunod na PCSO Special Maiden (2YO Open) ay nakatakda sa Agosto 11 sa San Lazaro Leisure Park. Labinlimang kalahok ang nominated para sa 1,400 meters na karera. Ang trial nito ay gaganapin sa Hulyo 24.

* * * * *

Maligayang kaarawan kay Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos (Hulyo 19)! Tiyak ko na ang pinakagusto niyang birthday present ay ang pagtamo ng Triple Crown sweep ng kanyang superhorse na si Hagdang Bato.

Sa ipinakitang galing nga kabayong ito sa loob ng tatlong yugto ng naturang serye para sa elite 3YO, tiyak na nanaisin ng bayang karerista na kanyang makatagpo ang magaling na island-born na si Magna Carta, winner ng PCSO Silver Cup nitong nakaraang Hunyo 3, sa PCSO Presidential Gold Cup na gaganapin sa Disyembre 9.

Parehong stayers o de-remate ang dalawang ito, at siguradong matindi ang magiging bakbakan nila sa loob ng 2,000 meters na prestihiyosong karerang ito, na ika-40 yugto na.

Exciting na, makasaysayan pa! Saan pa kayo?

* * * * *

Salamat sa pamilya ng karera para sa panalangin at healing thoughts para kay former commissioner at kasalukuyang program host ng San Lazaro Leisure Park live race coverage na si Eduardo Domingo Jr.

Ayon sa kanyang kapatid, si Malou Domingo-Barrameda, matagumpay na nilagpasan ni Comm. Boboc ang kanyang heart bypass operation noong Miyerkoles. Ito’y nagtagal mula 730 n.u. hanggang 1230 n.h., at pagkaraan noong ay dinala siya sa recovery room hanggang sa magising mula sa anesthesia.

“Kung walang komplikasyon,” ani Malou, “maari na siyang i-discharge sa ospital pagkaraan ng walong araw.”

Kaya kailangan pa rin niya ng prayers. Salamat sa lahat para sa concern at pagmamahal na ibinuhos para kay Comm. Boboc, na isa sa mga kilala at pinakamamahal na personalidad ng karera.   ***

Related stories:

1 2 3