Archive of ‘Filipino’ category

KL: Inspeksiyon sa Malvar Kahapon

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 18 September 2012, Tuesday

Inspeksiyon sa Malvar Kahapon

Tumungo kahapon sa Metro Manila Turf Club (MMTC) sa Malvar-Tanauan, Batangas, ang mga opisyal ng Philippine Racing Commission na pinangungunahan ni Chairman Angel Castaño Jr., Executive Director Jesus Cantos, at iba pang commissioners at personnel.

Ayon kay Director Cantos ang dalaw ay isang site inspection upang malaman kung handa na ang pista ng MMTC para sa karera at kung maayos at kumpleto na ang mga facilities nito.

Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng “dry run” sa naturang bagong karerahan, na tinampukan ng apat na kabayo. Ayon sa napagtanungan kong hinete, maayos naman daw ang resulta ng dry run.

“Expected lang naman iyon,” sabi ng kausap ko, “dahil bago ang pista.”

Dahil nagawa na ang racing schedule para sa taon, hindi na magkakaroon ng regular races doon sa loob ng 2012. Ngunit maari din namang magtampok ng mga dry run at exhibition races doon.

Nakapag-paskil sa Facebook ang ilang mga dumalaw sa Malvar noong dry run. Ang isang nakita kong magandang photo set ay kinunan ng asawa ng isang hinete.

Sa halos 100 litrato, naipakita ng kumuha ang kagandahan ng Malvar. Maganda at malinis ang clubhouse (may billiards table pa nga at fully finished) at grandstand na kaitsura ng sa Santa Ana Park sa Naic.

Ang upper level nito ay may bleachers na kamukha ng sa San Lazaro Leisure Park ang multi-colored plastic chairs na naka-install. Ang area na ito ay hindi pa pintado at sementadong kinis pa lang.

Ang kabilang side ay parang kapareha noong sa old Santa Ana Park sa Makati noon, na may “kural” o stalls para sa grupo ng mga mananaya.

Ang saddling paddock ay halos kamukha ng sa SLLP na nasa tabi ng grandstand. Fully-finished na rin ito na may pintura sa labas at rails at numero para sa entries. Ang stewards stand ay mataas na structure parang ung sa Makati-Santa Ana Park noong araw.

Ang jockeys’ quarters ay barracks-style na mayroon nang mga double deck beds. May ilaw na rin para sa night racing.

Wala akong nakitang litrato ng stables.

Ayon aking nakapanayam, halos hindi kinonsulta ang mga hinete noong construction phase ng Malvar, di tulad ng sa Santa Ana Park na maraming beses humingi ng guidance sa mga jockeys na direktang gumagamit ng pista at silang mas nakakaalam ng mga kailangan.

Wala nga raw jockeys’ quarters noong una sa Malvar, pinaalala lang raw ito ng mga hinete. Wala rin akong nakita sa mga litrato na roofed provision para sa broadcast camera; noong dry run, may dalawang camera na nakapatong sa separate wheeled platforms na walang bubong – paano nalang pag umulan? Ngunit maari namang ma-address ang mga issues na ito bago mag-umpisa ang operations doon.

Kasama sa franchise law ng MMTC (RA 7978 and amended by RA 8298) at sa PR (Philippine Racing rules and regulations) ang checklist ng equipment na required magkaroon ang karerahan bago ito payagang mag-operate.

Isang nasa checklist ang totalizator betting machines at system. Meron na kaya ang Malvar? Abangan nalang natin ang magiging findings ng Philracom.

***

Related stories:

KL: Racing Authority Bill, Pumasa Na

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 15 September 2012, Saturday

Racing Authority Bill, Pumasa Na

Pumasa na sa ikatlong reading sa Lower House ang Philippine Thoroughbred Horseracing Authority bill (HB 6329) na magpapalit sa corporate structure ng Philippine Racing Commission upang ito ang maging mas mabilis at mas epektibo sa pagtugon sa katungkulan nito at sa mga pangangailangan ng industriya.

Kapag ito ay pumasa sa Senado, mabubuwag na ang founding charter ng Philracom, ang Presidential Decree No. 420 na ipinatupad noong 1974.

Ang Racing Authority Bill ang siya nang magiging guiding charter ng ahensiya na nagre-regulate at nagsu-supervise ng sport ng horseracing sa bansa.

Ang mga awtor ng bill ay sina Congressmen Amado Bagatsing (Manila), Jeci Lapus (Tarlac), Eduardo Gullas (Cebu), at Ma. Amelita Villarosa (Occidental Mindoro).

Sana tuloy-tuloy na ito sa Senado dahil apat na taon na mula nang ito ay inupisahan.

* * * * *

Inanunsiyo kamakailan ni Philippine Charity Sweepstakes Office Committee on Races chairman Atty. Jose Malang at Draw and Races department manager Carlos Castillo ang mga declared entries para sa Okt. 13 na 2YO Open race sa Santa Ana Park.

Onse silang maglalaban sa distansiyang 1,200 meters: Pocket Power ng Jade Bros Farm, colt, sasakyan ni jockey JB Cordova; Sparkling Rule ni Herminio Esguerra (filly, JB Guce); Close to My Heart ni Emmanuel Santos (filly, JA C Guce); Bossing Ethan ni Michael Angelo Veneracion (colt, CP Henson); Siopaokinghaha ni Nemesio Sy (colt, DE N Camañero); Bumpy Ride ni Benhur Abalos (colt, KB Abobo); Niagara Boogie ni Sixto Esquivias IV (filly, FM Raquel Jr.); Top It All ni Joseph Dyhengco (filly, JT Zarate); Mrs. Teapot ni Antonio de Ubago Jr. (filly, JB Bacaycay); Flying Honor ni Honorato Neri (filly, AB Alcasid Jr.); at Angel of Mine ni Kenneth Causon (colt, PR Dilema).

Lahat ng filly ay magdadala ng 52 kgs at ang colts, 54 kgs.

Sa Oktubre rin gagawin ang apat na Anniversary Races ng PCSO, tig-dalawa sa bawat pista.

Okt. 14, Santa Ana Park: isang 1,200 meter race para sa 2YO winners and placers, at isang 1,300 meter race para sa 3YO winners and placers.

Okt. 21, San Lazaro Leisure Park: isang 1,600 meter race, ang PCSO Anniversary Cup para sa 4YO and older in honor of the late PCSO chairman Nereo Andolong na siyang nag-umpisa ng PCSO Presidential Gold Cup noong 1972, at isang 1,400 meter race para sa 3YO non-placers.

***

Related stories:

GR: KDJM Derby, PCSO September Race

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 14 September 2012, Friday

KDJM Derby, PCSO September Race

Ang milestone ika-10 Klub Don Juan de Manila racing festival ay idadaos sa Oktubre 2-9 sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club, ayon kay KDJM president Antonio Eleazar.

Kabilang sa mga major sponsors ng event, sabi ni KDJM past president Lamberto “Jun” Almeda Jr., ang Philippine Racing Commission, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Resorts World.

Ang isa sa mga major races na kanilang ihahain ay parangal sa yumaong Don Antonio Floirendo Sr. na isa sa pinakamabigat na sumusuporta sa KDJM Derby, lalo sa kanyang pag-sponsor ng taunang Golden Girls stakes race nito.

Nagka-deklarahan na para sa karerang ito, at kapag naiayos na ng KDJM secretariat ang datos ay ihahatid ko sa inyo ang lineup.

Samantala, heto na ang official lineup ng 1,400 meters PCSO 2YO Open sa Set. 22 sa SLLP:

Post position #1: Princess Keni ni Kenneth Causon, filly, jockey PR Dilema;

#2: Laguna ni Nathaniel Velasco, filly, AB Alcasid Jr.;

#3: Able Minister ni Felipe O. Vergara, filly, KB Abobo;

#4: Alta’s Finest ni Robert Joseph Moran,colt, RG Fernandez;

#5: Busilak ang Puso ni A. Eleazar at R. Buñag, colt, GA Rivera;

#6: Gold on Fire ng Hideaway Farm, filly, CB Tamano;

#7: Right Direction ni Patrick Uy, colt, JB Guce;

#8: Gee’s for Victory ni Eduardo Gonzalez, filly, JB Hernandez;

#9: Onemoretimesweety ni Narciso Morales, filly, JA Guce;

#10: Garnet ng Dynamic R Parts Center, colt, CV Garganta;

#11: Security Champ ni Antonio Eleazar, colt, VM Camañero Jr.

Asahan na sa dami ng kalahok at angking potential nila, magiging napakagandang laban nito.

Inaayos na rin ng PCSO ang kanilang Anniversary Races para sa susunod na buwan. Mayroong dalawang karera sa Santa Ana Park sa Okt. 14 at dalawa rin sa SLLP sa Okt. 21.

***

Related stories:

KL: Racing Authority Bill, Malapit Na?

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 11 September 2012, Tuesday

Racing Authority Bill, Malapit Na?

May magandang balita para sa racing industry sa napipintong Philippine Racing  Authority Bill na iminungkahi ni congressman Amado Bagatsing ilang taon nang nakaraan.

Ginagawa ngayon ng Congress Games and Amusements Committee ang bersiyon ng proposed bill para sa pangatlo at huling reading nito, pagkaraan nitong dumaan sa technical working group at iba pang uri ng pagsisiyasat at pagsasala.

Kung ang proposed bill ay maipasa ng Lower House, ito ay tutuloy na sa Senate upang pag-aralan at pagbotohan ng mga senador.

Kung ito ay maipasa, ang Racing Authority Bill ay papalitan ang istruktura ng Philippine Racing Commission upang ito ay maging mas responsive sa kasalukuyang panahon.

Tatlong taon na ang nakaraan mula noong ito ay unang ihain sa Lower House. Ang chairman ng Philracom noong panahon na iyon ay si Atty. Jose Ferdinand M. Rojas pa, at sa kanyang pagpupursigi at cooperation sa mga lawmakers ay dalawang racing bills ang nabuo – itong sa Racing Authority at ang  Racing Taxes bill, na hinihinging maibaba ang mataas na buwis na nakapataw sa karera.

Wala pang balita mula sa Congress Ways and Means Committee tungkol sa Racing Taxes bill, ngunit nakakatuwa naman na lumalakad na ang Racing Authority bill.

Sana ngayon sa ilalim ng chairmanship ni Mr. Angel L. Castaño Jr. ay maipatupad na ang batas na ito, na makakatulong sa industriya sa pamamagitan ng pag-restructure ng Philracom.

***

Related stories:

GR: Horseowner, gumawa ng eksena

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 10 September 2012, Monday

Horseowner, gumawa ng eksena

May balitang kumalat tungkol sa isang longtime horseowner na gumawa ng eksena sa Santa Ana Park noong nakaraang Linggo matapos suspindihin ng club veterinarian ang kanyang beteranong kabayo for lameness noong ito ay bugaw dumating at may pilay.

Pinagbantaan diumano ng naturang horseowner ang club veterinarian, na nagpa-blotter ng insidente sa pulis. Nasaksihan ang insidente ng isang beterinaryo ng Philippine Racing Commission.

Hinihintay nalang ng Komisyon ang mga papeles tulad ng blotter report upang maimbestigahan ang insidente.

* * * * * *

Ang pagpasok ng ‘ber’ months ay panahon na para magsaya ng mga karerista dahil dito hahataw ang mga malalaking stakes races.

Mula sa Philippine Racing Commission:

Santa Ana Park: 3rd leg Juvenile Fillies, Set. 15, at 3rd leg Juvenile Colts, Set. 16, parehong 1,500 meters; Opal Stakes (5th leg Import/Local Challenge series), Set. 30, 2,000 meters; Sampaguita Stakes (3YO and up fillies and mares), Okt. 14, 1,700 meters; Grand Sprint Championship, Nob. 25, 1,000 meters; Juvenile Championship, Dis. 23, 1,600 meters; at dalawang sponsored races sa MARHO Championships (Nob. 25) at ganun din sa Philtobo racing festival, Dis. 9.

May additional P1 milyon ring idadagdag ang Philracom sa premyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office 40th Presidential Gold Cup sa Dis. 9, Santa Ana Park.

San Lazaro Leisure Park: dalawang sponsored races sa Klub Don Juan de Manila Derby, Okt. 2-9; Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup, Nob. 18, 2,000 meters; at Philracom Grand Derby, Dis. 29, 2,000 meters.

Mula sa PCSO:

Santa Ana Park: Okt. 13, 2YO Open, 1,200 meters; Okt. 14, dalawang regular PCSO Anniversary races (wala pang distansiya); at Dis. 9, 40th Presidential Gold Cup, 2,000 meters.

SLLP: Set. 22, 2YO Open, 1,300 meters; Okt. 21, dalawang PCSO Anniversary races; Nob. 24, 2YO Open, 1,300 meters; at Dis. 15, 2YO Open, 1,300 meters.

Lahat ng mga schedule na ito ay “subject to change” o maari pang magbago.

***

Related stories:

KL: Horseowner, nagwala sa karera?

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 8 September 2012, Saturday

Horseowner, nagwala sa karera?

Mayroon daw isang longtime horseowner na nagwala sa Santa Ana Park noong nakaraang Linggo matapos patawan ng 21 days suspension ng club stewards ang kanyang beteranong kabayo.

Ito ay pagkaraan mag-diagnose ang club veterinarian na may lameness sa left fore ang kabayo nang ito ay bugaw dumating at may pilay.

Name of horse? Pangalan ng hayop + pangalan ng pagkain.

Pinagbantaan diumano ng naturang horseowner ang club veterinarian, na agad pina-blotter ng insidente sa pulis. Nasaksihan ang insidente ng isang beterinaryo ng Philippine Racing Commission.

In denial ngayon si Horseowner, ngunit hindi naman magre-report sa pulis ang beterinaryo kung wala naman talagang nangyari. Ang matindi ay may witness sa pangyayari.

May edad na si Horseowner at may problema sa kalusugan. Ganoon pa man, madalas siyang bumibiyahe ng Naic upang mapanood ng live ang takbo ng kanyang mga kabayo. Ganoon siya ka-intendido at ka-passionate sa kanyang racing operations. Hindi malayo na dala ng matinding emosyon, nakapagbitiw siya ng maanghang na salita.

Ngunit isang pinapahalagang ugali sa karera ang respeto para sa isa’t-isa. Kaya nga ang isang bansag sa horseracing ay “the gentlemen’s sport.”

Ang lumabag sa code of honor na ito ay dapat lamang managot, hindi lamang for ethical and cultural reasons, kundi dahil maaring may kaso ito sa ilalim ng batas, at sa ilalim rin ng racing rules and regulations (as amended December 2010):

“PR 75 (Acts and/or omissions by horseowners and/or trainers and their corresponding penalties), Sec. E – For…disorderly or improper conduct in his relations with the officials of the Philracom or the Racing Club, or for insulting them when the latter are in performance of their duties: 1st offense, [Fine of] Five Thousand Pesos and/or 2-4 racing weeks suspension; 2nd offense, [Fine of] Ten Thousand Pesos and/or 4-6 racing weeks suspension. Succeeding offenses – Philracom discretion.”

Hinihintay na lamang raw ng Philracom ang copy ng blotter/incident report at report ni Santa Ana Park racing manager Dan Valmonte upang maimbestigahan ng pormal ang insidente. ***

Related stories:

KL: Mga Darating na Stakes Races

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 4 September 2012, Tuesday

Mga Darating na Stakes Races

Ang pagpasok ng ‘ber’ months ay panahon na para magsaya ng mga karerista dahil dito hahataw ang mga malalaking stakes races.

Mula sa Philippine Racing Commission:

Santa Ana Park: 3rd leg Juvenile Fillies, Set. 15, at 3rd leg Juvenile Colts, Set. 16, parehong 1,500 meters; Opal Stakes (5th leg Import/Local Challenge series), Set. 30, 2,000 meters; Sampaguita Stakes (3YO and up fillies and mares), Okt. 14, 1,700 meters; Grand Sprint Championship, Nob. 25, 1,000 meters; Juvenile Championship, Dis. 23, 1,600 meters; at dalawang sponsored races sa MARHO Championships (Nob. 20-25) at ganun din sa Philtobo racing festival, Dis. 9.

May additional P1 milyon ring idadagdag ang Philracom sa premyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office 40th Presidential Gold Cup sa Dis. 9, Santa Ana Park.

San Lazaro Leisure Park: dalawang sponsored races sa Klub Don Juan de Manila Derby, Okt. 21; Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup, Nob. 18, 2,000 meters; at Philracom Grand Derby, Dis. 29, 2,000 meters.

Mula sa PCSO:

Santa Ana Park: Okt. 13, 2YO Open, 1,200 meters; Okt. 14, dalawang regular PCSO Anniversary races (wala pang distansiya); at Dis. 9, 40th Presidential Gold Cup, 2,000 meters.

SLLP: Set. 22, 2YO Open, 1,300 meters; Okt. 21, dalawang PCSO Anniversary races; Nob. 24, 2YO Open, 1,300 meters; at Dis. 15, 2YO Open, 1,300 meters.

Lahat ng mga schedule na ito ay “subject to change” o maari pang magbago. Ngunit ito ay maari pa ring magsilbing gabay sa mga racing fans na nais malaman ang mga darating na karera.

Sana po ay antabayanan ninyo ang mga ito. Dito natin makikita ang pinakamagaling na mga runners sa kasalukuyan.  ***

Related stories:

GR: Humble Riches, Sumiklab!

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 29 August 2012, Wednesday

Humble Riches, Sumiklab!

Nagpakitang-gilas ang kinikilalang pinakamatulin na babaeng kabayo sa kasalukuyan noong kanyang panalunin ang Philippine Racing Commission Lakambini Stakes noong Linggo (Agosto 26).

Kasali sa 1,750-meter karera sa San Lazaro Leisure Park sina Jahan, Humble Riches, Cat’s Diamond, Gale Force, Machine Gun Mama, Grace Giver, Sky is the Limit, Spring Collection, at Heart Summer, lahat mga 3YO fillies.

Paglundag, kinuha agad ni Humble Riches ang unahan, sa paggabay ni jockey Patricio Dilema. Nag-off-the-pace sina Cat’s Diamond at Jahan.

Sinubukan nila Cat’s Diamond at Spring Collection na humabol ngunit wala rin silang inubra sa tulin ng kabayong kinukundisyon ni Ruben Clor.

Banderang tapos si Humble Riches (Tribal Rule x Starlight Wish) ng apat na kabayo ang layo sa sumegundong Spring Collection. Tersero si Jahan at cuarto si Heart Summer.

Llamado sa lahat ang island-born na si Humble Riches ni Kenneth Causon, at may suporta din sina Spring Collection at Jahan.

Samantala, sa pagpasok ng “ber” months sa linggong ito, abangan natin ang sunod-sunod na matitinding racing festivals hanggang sa katapusan ng taon.

Mula sa mga grupo ng horseowners: sa Oktubre, ang Don Juan Derby sa SLLP; sa Nobyembre 20-25, ang ika-17 MARHO Cup Championships sa Santa Ana Park; at sa Disyembre, ang Philtobo racing festival.

Sa Disyembre 9 naman ang ika-40 Philippine Charity Sweepstakes Office Presidential Gold Cup. Isa itong makasaysayang event, hindi lamang dahil kwarenta anyos na, kundi dahil maaring dito magkatotoo ang pinapantasyang match race ng racing fans sa pagitan ng dalawang kasalukuyang kampeon ng karera – sina 2012 Triple Crown champion Hagdang Bato at 2012 PCSO Silver Cup at 2011 PCSO Gold Cup champion Magna Carta. ***

Related stories:

KL: Humble Riches sa Lakambini!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 28 August 2012, Tuesday

Humble Riches sa Lakambini!

Isang pinaka-aabangang karera taun-taon ay ang Philippine Racing Commission Lakambini Stakes para sa mga babaeng kabayo.

Sa taong ito, kasali sa 1,750-meter karera sa San Lazaro Leisure Park noong Linggo (Agosto 26) ang mga 3YO fillies na sina Jahan, Humble Riches, Cat’s Diamond, Gale Force, Machine Gun Mama, Grace Giver, Sky is the Limit, Spring Collection, at Heart Summer.

Llamado sa lahat ang island-born na si Humble Riches ni Kenneth Causon, at may suporta din sina Spring Collection at Jahan.

Paglabas ng aparato, kinuha na ni Humble Riches ang unahan, sa paggabay ni jockey Patricio Dilema. Nasa likuran niya sina Cat’s Diamond at Jahan. Bagamat pinilit ni Cat’s Diamond at Spring Collection na humabol, wala rin silang inubra sa tulin ng kabayong kinukundisyon ni Ruben Clor.

Banderang tapos si Humble Riches (Tribal Rule x Starlight Wish) ng apat na kabayo ang layo sa sumegundong Spring Collection. Sumunod sa kanila sina Jahan, Heart Summer, at Cat’s Diamond.

Samantala, sa pagpasok ng “ber” months sa linggong ito, abangan po natin ang sunod-sunod na bagsak ng matitinding racing festivals sa mga darating na buwan.

Mula sa Klub Don Juan de Manila sa Oktubre, ang Don Juan Derby sa SLLP; mula sa MARHO (Metropolitan Association of Race Horse Owners), ang ika-17 MARHO Cup Championships sa Nobyembre 20-25 sa Santa Ana Park; at mula sa Philtobo (Philippine Thoroughbred Owners and Breeders Organization), ang kanilang racing festival sa Disyembre.

Nariyan din ang ika-40 Philippine Charity Sweepstakes Office Presidential Gold Cup sa Disyembre. Bukod sa pagiging isang milestone at makasaysayang event, maari nating makita ditong magkatotoo na ang pinapantasyang match race ng racing fans sa pagitan ng dalawang kasalukuyang kampeon ng karera – sina 2012 Triple Crown champion Hagdang Bato at 2012 PCSO Silver Cup at 2011 PCSO Gold Cup champion Magna Carta. Saan pa kayo?   ***

Related stories:

GR: PCSO Special Maiden Race sa SLLP

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 27 August 2012, Monday

PCSO Special Maiden Race sa SLLP

Kadalasang bahagi ng pangangampanya ng isang mananakbong kabayo ang kanyang two-year-old season, o ang pagtakbo bilang “juvenile” o sa edad na dalawa.

May ilang horseowner at trainer na ayaw magtakbo sa ganoong edad dahil anila ang paa ng kabayo ay “green” pa at mas malaki ang chansa na madisgrasya ito.

Ang iba naman ay nagtatakbo ng bandang ikalawang bahagi or third quarter ng taon para mas matibay ang kanilang alaga.

Ang iba naman ay malaki ang kumpiyansa sa kakayahan ng kanilang mga 2YO at sinasabak na ang mga ito sa mga stakes races sa umpisa pa lamang ng 2YO season, bilang training para sa kanilang mas matinding 3YO season.

Kaya naman ang mga major sponsors ng karera, tulad ng Philippine Racing Commission at Philippine Charity Sweepstakes Office, ay gumagawa ng mga karera para sa 2YO.

Ang susunod na pakarera ng PCSO na 2YO Special Maiden Race ay sa Set. 22 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ang trial nito ay sa Set. 4 at ang mga declared entries ay:

Princess Keni ni Kenneth Causon (filly, jockey PR Dilema), Laguna ni Nathaniel Velasco (filly, AB Alcasid Jr.), Able Minister ni Felipe O. Vergara (filly, KB Abobo), Alta’s Finest ni Robert Joseph Moran (colt, RG Fernandez), Busilak ang Puso ni Antonio Eleazar at Reynaldo Buñag (colt, GA Rivera)’

Gold on Fire ng Hideaway Farm Corp. (filly, CB Tamano), Right Direction ni Patrick Uy (colt, JB  Guce), Gee’s for Victory ni Eduardo Gonzalez (filly, JB Hernandez), Onemoretimesweety ni Narciso Morales (filly, JA Guce),  Garnet ng Dynamic Parts Center (colt, CV Garganta), at Security Champ ni Antonio Eleazar (colt, VM Camañero Jr).

Lahat ng colts ay magdadala ng 54 kgs. at ang filly 52 kgs.

Mabuting mapanood ang mga karera ng 2YO para na rin malaman ang mga porma ng mga batang kabayo, dahil manggagaling sa grupo ng mga elite 2YO ang mga future Triple Crown contenders at posibleng champions tulad ni Hagdang Bato, na nakasweep ng serye ngayon taon, 11 taon pagkaraan ng huling Triple Crown champ na si Silver Story.   ***

Related stories:

1 2 3 28