KL: Karerahan sa Davao, Tuloy Ba?

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  5 June 2008, Thursday

Karerahan sa Davao , Tuloy Ba?

Madalas pa ring naririnig ang mga haka-haka tungkol sa Mindanao Jockey and Country Club (MJCC) ni Don Antonio Floirendo Sr., isang businessman at longtime horseowner at breeder. Marami ang nagtatanong – matutuloy pa ba ang proyektong ito? O matutulad ba ito sa Metropolitan Manila Turf Club na inumpisahan noong nakaraang taon sa Silang, Cavite , ngunit hindi na pinursigi?

FLOIRENDO2

One of the Philippines’ “elder statesmen” of thoroughbred racing and breeding: Don Antonio Floirendo Sr.

Mayroon nang franchise mula sa gobyerno ang MJCC, at ayon sa isang news item sa pahayagang SunStar-Davao na lumabas noong Abril 16, itutuloy raw talaga ng Damosa Land Inc. ng pamilya Floirendo ang pagtayo ng karerahan sa Marapangi, Toril.

Ayon din sa report, inihayag ni Damosa general manager Edgar Villaver na uumpisahan ng Damosa ang proyektong ito sa katapusan ng taon, at ide-develop ang lupa bilang karerahan, residential area, at eco-tourism park.

Davao_symbols

Images of Davao: Philippine eagle, waling-waling orchids, durian fruit

Kung matuloy nga ito, magandang balita iyan! Makakadagdag ang proyekto sa trabaho (jobs generation) at sa development ng lugar. Malaking tulong rin ito, kung sakali, sa agricultural sector na ayon sa gobyerno ay higit 38% pa rin ang kontribusyon sa ekonomiya, at sa service sector na halos 50%. Dagdag din ito sa government revenues sa pamamagitan ng taxes on racing.

Ngunit maraming tanong ang umuusbong kapag naiisip ang feasibility ng proyektong ito. Una, saan kaya kukuha ng populasyon ng kabayo na tatakbo doon? Dito na lang eh kulang na tayo. Kung mag-i-import naman, sino ang gagastos? Kung may mag-i-invest, kailangan malinaw ang “return on investment” o balik ng puhunan, kung hindi eh baka walang sumali.

Pangalawa, saan kukuha ng mga trained personnel na mag-ta-trabaho doon? Ang mga racing day employees dito ay karamihan taon na sa kanilang mga tungkulin at bukod doon ay mga batang karera pa. Bagamat may “horse culture” naman doon (trail riding, etc.) ay wala pa silang “racing culture” tulad ng sa Maynila. Makaka-engganyo kaya sila ng mga racing personnel na papayag na lumipat doon? Pati ang Philracom ay mapipilitang magtayo ng satellite office sa Toril!

Phils_davao_map

Manila in relation to Davao: Davao map showing Marapangi-Toril at bottom left-hand corner

Pangatlo, ang kultura. Mas sikat doon ang ibang uri ng libangan. Hindi bihasa ang mga taga-roon sa karera. Kaya nga nag-sara ang mga off-track betting station na dating nasa Bacolod City – dahil hindi popular sa Visayas at parteng banda roon ang pangangarera.

Pang-apat, maraming equipment ang kailangan nilang bilhin, at isa na sa pinaka-importante riyan ay ang mga betting machines at totalizator system (software, operations, etc.) Unless may iba silang ideya kung paano pakikitain ang kanilang karerahan. Balak ba nilang i-ere ang karera nila? Idagdag sa shopping list ang mga quality cameras, na gagamitin rin sa in-house CCTV para sa stewards; switching machines; at iba pang kagamitang pam-broadcast.

Maari pa nating pahabain ang listahang ito, ngunit ayoko namang maging killjoy. Siguradong naisip rin ng proponents ng MJCC ang mga bagay na ito at mayroon na silang solusyon. Let’s look on the bright side – santambak na business at employment opportunities ang tiyak na lilitaw. “The more the merrier,” diba, kaya, larga!

Karera at karerahan lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.