KL: Philracom 2YO Stakes sa Linggo

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  6 June 2008, Friday

Philracom 2YO Stakes sa Linggo

Kada taon lumalabas ang bagong crop ng mga juveniles o 2YO local-bred horses  at very interesting para sa mga karerista na panoorin silang maglaban-laban hanggang makita ng lahat kung sino nalang ang natira.

Para kasing ubusan iyan, o round-robin. Marami na akong nakitang 2YO na na-injure o nag-breakdown sa umpisa pa lamang ng kanilang 2YO season. Nakakapanghinayang talaga, ngunit iyan ang nature ng larong ito – only the fastest and strongest survive.

Kaya sa pagtakbo ng 900-meter Philracom 2YO Stakes racesa Linggo, June 8, sa Santa Ana Park, ang tanong ay: sino ang matibay na magwawagi?

Mga kasali: Ask Leikey (ang tanging filly sa karerang ito, siya ay gagabayan ni jockey PR Dilema), coupled entry niyang si Elgin and Chairman (with jockey JB Cordero) Batangas Baron (JB Guce), Go Army (JT Zarate), High Tower (JA Guce), Key Boy (CB Tamano), Speed Sense (JG Tinte), and So Real (JB Hernandez).

Mga recent performances nila (except for Speed Sense):

Go Army, Ask Leikey, High Tower:  sa isang 900-meter Maiden A race ng 2YO sa Santa Ana Park noong May 25, nanalo si Go Army ng banderang tapos. Limang kabayo pa ang layo niya kay Ask Leikey, samantalang tersero naman si High Tower.

Go_army_screenshot

Go Army wins, pulling away!

Batangas Baron: sa 1300-meter Maiden 2YO noong April 3 sa San Lazaro Leisure Park, tumakbo siya ng apat haggang limang kabayo sa likod ng nagbabandera; nagparemate siya sa likuran at nanalo pa ng 3 lengths over Golden Eye.

So Real: nanalo ng banderang tapos sa 1400 meter-Maiden 2YO noong April 19 sa SLLP. Kahit nilucha siya ni Golden Eye, dumating pa siya ng eight lengths.

Key Boy, Elgin and Chairman, Batangas Baron, So Real: apat lang silang naglaban sa isang Allowance Race noong May 23 sa Santa Ana Park. Banderang tapos si Key Boy ng dalawa’t-kalahating kabayo, segundo si Elgin and Chairman, tersero si Batangas Baron, at huling dumating si So Real by four lengths.

High Tower: noong June 3 sa Santa Ana Park, llamado siya sa isang 1450-meter Maiden AB race. Hinayaan niyang mag-ubusan sa harap ang dalawang frontrunners at nag-abang lang siya sa tersero puesto. Nagparemate siya sa far turn at nanalo pa ng six lengths.

Malaki ang chansang manalo ni Go Army dahil matulin siya, isang speedster, at tingin ko kayang-kaya niya ang 900 meters. Si Key Boy may tulin rin, maaring magbigay ng pressure kay Go Army.

Mas gusto ko sa mahabang distansiya ang mga stayers tulad ni High Tower, Ask Leikey, at Elgin and Chairman, at Batangas Baron, ngunit maganda ang tuneup ni High Tower, baka magpakit na versatility.

Si So Real naman, inconsistent ang mga takbo, ngunit dahil nakapanalo na siya ng banderang tapos over 1400 meters, mayroon din siyang speed plus stamina.

Mukhang outclassed sa field na ito si Speed Sense, ngunit mga 2YO iyan at anything can happen.

Final recommendations: sprinters Go Army, Key Boy; stayer High Tower. Wild Card: So Real.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.