KL: Tuloy Ang SLLP Races!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  10 June 2008, Tuesday

Tuloy ang SLLP Races!

Tuloy ba ang karera sa San Lazaro Leisure Park ngayong linggo?

Pagkaraan ng kanilang problema sa totalizator provider noong nakaraang raceweek nila, nakagawa ng paraan ang Racing Department ng Manila Jockey Club sa pamumuno ni R/Adm Juan A de Leon, vice-president for Racing, na matuloy na ang karerang SLLP.

Ayon sa mga taga-MJC, halos walang tulog sila sa pag-aasikaso ng mga kailangang gawin upang maging in-house na ang operations ng MJC ng United Tote Company totalizator system nila.

Last week hanggang kaninang umaga, hinanda nila ang mga computer servers at nag-install sila ng bagong dating na 110 U-Tote betting terminals.

“We are completing the deployment of the newly-arrived betting terminals,” ani Admiral de Leon, “and it’s business as usual for MJC races. Mr. Oscar Ramos of the Games and Amusements Board is overseeing the installation of the new terminals, and he will certify as to their operational status.”

Dahil raw tumanggi ang Philippine Racing Club na ipagamit ang kanilang terminals sa Santa Ana Park para sa karerang SLLP, ayon kay Admiral de Leon, ikinalat nalang ng MJC ang mga bagong terminals sa mga karatig-lugar ng Makati. “Racing fans from Makati,” aniya,  “may visit off-track betting stations in Mandaluyong, Shaw, and nearby areas.”

Very proud si Admiral de Leon sa hard work na nagawa ng kanyang team, at siya’y di nasisiraan ng loob sa mga krisis na nasasagupa nila. “All bases are covered,” ang pahayag niya. “Although we have less terminals than PRC, we are confident that sales levels will be maintained, and we invite the Bayang Karerista to enjoy the SLLP races this week.”

Samantala, ibang klaseng tulin at lakas ang ipinakita ni Go Army noong ipinanalo niya ang Philippine Racing Commission 2YO Stakes race nitong nakaraang Linggo sa Santa Ana Park.

Hindi man siya banderang tapos, dinomina niya ang 900 meters na laban kung saan malayong sumegundo sa kanya ang matulin rin na si Key Boy. Tersero naman si So Real, na kahit erratic pang manakbo ay nagpapakita na ng versatility (puedeng de-bandera, puedeng de-boca) sa kanyang performances.

Si Go Army ay anak ng istalyong Mr. Sutter sa inaheng J’Approve, na palahi ng higanteng Herma Farm and Stud ni Hermie Esguerra na may-ari ni Go Army.  Si J’Approve (With Approval – Bright Omen) ay nanay din ng runner na si Hakuna Matata (kay Cryptoclearance).

Si Key Boy (Tempestuous Wind – Scots Woman) ay sariling palahi raw ng kanyang may-ari na si Bonifacio “Boy” Mantilla, sa isang simpleng “backyard operation”.  Ang istalyon ni Key Boy ay nakatayo sa Money Tree Farm ni Albert Yam, at ang lahi ni Tempestuous Wind ay napakaganda rin – Danzig-Pure Speed. 

Si So Real naman ay isang local-bred, anak ng kampeong si Real Top mula sa inaheng Socsargen, produkto rin ng simpleng palahi. Kailangan lang ituwid na ang kanyang inconsistency dahil may potensyal din siyang maging dakilang mananakbo.

Nanalo man si Go Army sa karerang ito, marami pang laban na darating at maaring mag-improve pa sina Key Boy at So Real. Huwag rin i-menos ang ibang 2YO tulad nila Ask Leikey, Batangas Baron, at ang iba pa.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

1 Comment on KL: Tuloy Ang SLLP Races!

  1. reynaldo
    11 June 2008 at 12:36 pm (4415 days ago)

    panu po ba makuha ang result sa racing ng san lazaro leisure park? di namin makuha ng live sa internet.

    thank you!