KL: Horseowners, Worried sa Sales!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  19 June 2008, Thursday

Horseowners, Worried sa Sales!

Sa isang meeting ng alyansa ng mga horseowners kahapon, pinagusapan nila ang  tungkol sa patuloy na pagdausdos ng benta lalo na sa San Lazaro Leisure Park.

Ayon sa mga may-ari ng kabayo, dahil sa baba ng premyo, “hindi lamang kaming horseowners ang nagsa-suffer kundi mas lalo na ang mga sota, hinete, at iba pang tao na kumukuha ng kanilang kabuhayan sa karera.”

Mula sa neto na P85,000 hanggang P95,000 noong nakaraang taon, bumababa ang netong premyo sa  mga P60,000 nalang. Mabuti nalang at may guaranteed prize ang MJC para sa primero sa class-division races upang ma-engganyo ang mga owners na magpatakbo sa SLLP. Lalong mas mababa pa ngayon ang premyo ng second to fourth, kung saan ay walang guaranteed prize.

Sabi ng isang may-ari, “Ang net sa placing ay P22,000. Bakit ko iri-risk ang kabayo ko kung ganoon kababa ang premyo? E di sa cuadra nalang siya, iwas pa sa injury!”

Dahil sa kaunti lamang ang naidistribute ang MJC na betting terminals sa kanilang mga off-track betting stations noong nakaraang raceweek nila, nasa P9.7 million lang ang sales noong Martes. Nang maikalat na ng MJC ang ilang betting terminals nila, nag-improve naman  bahagya -  P12.6 million noong Miyerkoles,  P20.4 million Biernes, P25.8 million Sabado, at P28.5 million Linggo. Total sales para sa linggong iyon ay P97.1 million – malayo sa dating average na P160 million. (Ang PRC ay nasa P180 million mahigit per week.)

Nagpatakbo ang MJC ng karera na less than 300 terminals ang gumagana, at tanong ng mga horseowners, hindi ba puedeng magkaroon ng arrangement kung saan lahat ng existing terminals, kasama ang mga nasa 400 machines ng Philippine Racing Club, ay paganahin ng sabay? Kung may 700 terminals na kikita ng average tig-P50,000, ang gross sales per day ay magiging P35 million!

Ngunit dahil sa alitan na namamagitan sa dalawang clubs, malabong maganap ang ganitong arrangement. Maari ba silang pilitin? Iyan ang tanong ng mga may-ari.

Marami pang ibang concerns ang owners, tulad ng handicapping and importation rules para sa imported horses; ang mataas na singil ng MJC sa tubig sa mga cuadra sa SLLP; at marami pang ibang nakaka-apekto sa industriya.

Ani ng mga may-ari, malapit na raw silang magtayo ng “umbrella organization” kung saan sakop na ang existing horseowners’ organizations na MARHO, Philtobo, KDJM, at SHOP. Sa kanilang pagsasanib, magiging iisa ang kanilang boses at lakas lalo tuwing may krisis na sasapit sa karera.

Mga anunsiyo: welcome back to Manila kay Aussie racecaller Peter Morrison, na narito muli upang tawagin ang 2nd leg ng Triple Crown sa Linggo sa Santa Ana Park.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

1 Comment on KL: Horseowners, Worried sa Sales!

  1. John Albert
    19 June 2008 at 2:42 pm (4190 days ago)

    Hello Jenny,

    Suggestion lang po. Kailangan na po yatang gawin P10 min bet ang DD, XD at FC. At para naman sa qrt/penta/trif/sup6/wta/pk6 at pk5 ay gawing P3 min bet.Pwede ng tanggalin ang DD+1 at Pick4, dahil di naman kataasan ang sales nito.Nakikita naman natin ang pagtaas ng gasolina at pangunahing bilihin.Mababa na ang value ng pera natin sa ngayun.Ano ba naman ang halaga ng P5 na ang karamihan din naman sa bayankarerista natin ay pangkaraniwan tao lang na dadadanin na lang natin sa dami nila.Sa ganitong paraan tataas ang sales at gaganda pa dividendo.

    Kung ang Superlotto nga ay nagtaas na halos doble ay kinagat pa rin ng masang Pilipino,… karera pa kaya.Pati na ang gasolina na halos doble rin ang presyo ay di naman nabawasan ng customer ang mga oil company.

    Sa ibang bansa, ang min bet sa karerahan ay $5.
    (Katumbas ng P220 sa atin)

    Siguro mag dry run muna ang SLLP about 60 days period kung may positive results.

    Ang reaksyon naman ng betting public ay sa una lang, pagkaraan lang isang Linggo ay di na nila papansinin ito at magiging normal na ang betting.

    Hoping my suggestion will be good in the next racing days.But most important is the total satisfaction of the bettors, na sana ay pagandahin at pagbutihin naman ng SLLP mgt ang kanilang serbisyo sa bayankarerista.