KL: Labanang Don Enrico – Indelible Ink, Naudlot!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  24 June 2008, Tuesday

Labanang Don Enrico-Indelible Ink, Naudlot!

Dahil sa malakas na ulan at hangin na dala ni Typhoon Frank, kinansela ng Philippine Racing Club ang karera sa Santa Ana Park noong Linggo.

Maaga pa lang ay marami nang hinete ang nasa Jockeys’ Quarters ng PRC. Mga nakadungaw sa bintana o nakasilip sa pinto, minamanmanan nila ang palakas na palo ng ulan at hagupit ng hangin. Di nagtagal, mga alas nuwebe ng umaga, nagdesisyon na ang PRC management kasama si Racing Manager Dan Valmonte na ikansela na ang karera, upang pangalagaan ang  safety ng mga bettors at participants.

Kaya postponed ang labanang Don Enrico vs. Indelible Ink sa Triple Crown second leg.

Sayang, kasi handang-handa na ang lahat ng mga kalahok hindi lang ng TC2 kundi pati na rin ng Hopeful Stakes at Pearl II Stakes.

Sa nangyaring ito, may karagdagang panahon silang lahat na pag-igihan lalo ang kanilang training. Extra opportunity ito para sa mga maaring makinabang sa additional workouts.

 Hintayin nalang natin ang Philracom na magbigay ng aviso kung kailan ang bagong petsa ng mga stakes races na ito. Malamang sa PRC din, dahil last year ang dalawang leg ng TC ay ginanap sa San Lazaro Leisure Park.

Samantala, patuloy pa rin ang hidwaan ng dalawang racing clubs sa totalizator. Magkahiwalay ang betting machines ng dalawang karerahan, dahil kanya-kanya sila ng bili ng terminals. Noong nakaraang karerang SLLP, diumano raw (ayon sa aking insider source) ay binuksan ng ilang teller ang makina ng PRC dahil hindi raw sila babayaran ng sahod kung hindi sila mag-login.

Pati raw ang thermal paper ng PRC na ginagamit sa tiket ay ginamit rin ng ilang teller sa makina ng Manila Jockey Club dahil napakanipis raw ng ibinigay sa kanilang papel ng MJC at ayaw kumapit ng tinta. Kaya noong weekend na iyon ng SLLP, kinandado na ng PRC ang kanilang mga makina.

Ayon naman sa isang horseowner na abugado, noong stockholders’ meeting ng PRC last week, narinig niya raw na may balak ang MJC management na idemanda ang totalizator supplier dahil sa diumanong “overpricing” nito ng equipment sa MJC, samantalang mas mababa raw ang singil nila sa PRC.

Ani Attorney Owner, “I’m afraid that if that case will be filed, we’ll be faced with another problem.” Hindi na raw kaya ng industriya, aniya, ang mga problemang ganito, dahil patuloy pa rin ang pagbaba ng sales at prize money, pati na rin ang dividends sa mananaya.

Mga anunsiyo: Our deepest sympathies to the family of Mrs. Mely Rojas, butihing ina ni Philracom chairman Atty. Joy Rojas at horseowner/trainer Rolly Rojas, na pumanaw noong June 22. Siya’y nakaburol sa Sanctuario de San Antonio, Makati.

Nakikidalamhati rin kami sa pamilya Trinidad, sa pagpanaw ng dating racecaller at racing writer Tony Trinidad. Ilang dekada rin siya sa karera, at isa siya sa pinakamemorable na naging bahagi ng mundong ito. Condolences sa kanyang mga anak, horseowners Mandy and Albert Trinidad, writer Vince Trinidad, at ang iba pa nilang kapamilya at kaibigan. ***

Related stories:

Comments are closed.