KL: Kailan Sisikat ang Karera?

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  1 July 2008, Tuesday

Kailan Sisikat ang Karera?

Nakaramdam muli ang sambayanang Pilipino ng ibayong galak at tuwa sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao noong Linggo sa kanyang laban sa Las Vegas. Pinabagsak ng “Pambansang Kamao” sa 9th round via knockout ang kalabang si David Diaz upang makamit ang kanyang ika-apat na internasyonal na corona – ang World Boxing Council lightweight title.

“God’s blessings,” ayon kay Manny  ang dahilang ng kanyang tagumpay. Pati siya ay nagulat sa pagkatumba ni Diaz pagkatapos niya ito bagsakan ng kombinsayong kanan-kaliwa.

Tulad ng dati, halos natigil ang buong Pilipinas habang pinanonood ang laban. Kakaunti ang tao sa mall at pati simbahan. Iyong mga hindi nanood ng laban ay panay naman ang tanong kung ano ang resulta ng boksing.

Ibang klase ang tingin ngayon ng tao sa boksing. Noong araw – sabihin nalang natin early ‘80s to mid-‘90s – ang basketball, as in PBA (Philippine Basketball Association) ang pinaka-sikat na sport. Lahat, que babae o lalaki, ay naloloka sa mga basketball players. Uso noon ang pagpunta sa Ultra stadium upang makapanood ng laban ng San Miguel with Samboy Lim vs. Purefoods with Yves Dignadice.

Ang boksing? Walang pumapansin noon. Panahon pa iyon nila Rolando “Bad Boy” Navarrete, Louie Espinosa. May mga international fights silang sinalihan at nananalo naman, pero hindi sila dinudumog ng tao, halos hindi sila kilala.

Nitong bagong milenyo, bumaba na ang tala ng basketball at umangat naman sa pansin ng tao ang billiards at boxing lalo noong nagkaroon ng Manny Pacquiao. Ang tanong ay, sumikat ba ang larong boxing dahil kay Manny? O sumikat ba si Manny dahil nagkataon na noong panahong iyon ay padausdos na ang tanyag ng ibang laro?

Ang tingin sa boxing noon ay marumi, corny, pangit, at iba pang adjectives na inihahalintulad ito sa mababang uri ng libangan. Ngunit dahil sa tagumpay ni PacMan, nai-angat ang imahe ng sport. Ngayon pati madre ay nanonood kapag laban ni Manny!

Kailan kaya ito mangyayari para sa karera?

Hindi pa ito nagiging kasing popular ng basketball o boxing. Ang tingin kasi ng karamihan dito ay sugal, di “sosyal”, corny, pangit. Magtanong ka sa pangkaraniwang tao – maraming sasagot sa iyo na never heard nila ang karera at wala silang alam dito!

Ngunit nasa racing ang mga ingredients upang ito ay maging attractive sa tao. Mayroon din itong mga atletang puedeng gawing “idol” – nariyan ang mga jockeys – at maari din namang pasikatin in their own right ang mga kabayo. Exciting ang karera dahil sa pabilisan at pagalingan. Nariyan din ang “danger” factor tulad ng sa boxing, dahil mayroon palaging risk ang hinete na mahulog o kabayo na matalisod o mabalian. Covered pa ito “live” sa cable TV at may iba pang information channels na nagko-cover nito tulad ng print (pahayagan at magasin) at electronic media (Internet).

Ano kaya ang “catalyst” o puersa na makakapagsimula ng pagbabago ng imahe ng racing? Ang kailangan dito ay isang tulad ni Manny Pacquiao, na makakahuli ng loob ng tao, na magiging simbolo ng laro, na gagawing “rallying point” at idolo ng karamihan.

Sino – at kailan? ***

Related stories:

4 Comments on KL: Kailan Sisikat ang Karera?

  1. edwin santos
    1 July 2008 at 11:05 am (4386 days ago)

    Magbabalik ang ningning ng karera kapag, naghigpit ang philracom a BOS sa katiwalian sa karera.Parusahan ang dapat parusahan na may koneksyon sa perderan o sa walang interes na manalo sa karera.

    Magkaisa ang PRCI at SLLP management sa OTB betting.

    Itama ang handicapping system na matagal ng problema.

    Dapat tuparin ang schedule racing time.Hindi iyong puro delay na lang parati.

  2. P.Hashim
    1 July 2008 at 5:55 pm (4386 days ago)

    Sisikat ang karera kapag wala na race fixing. Lalo na kapag kitang-kita ng bayang karerista na may ‘conivance” ang mga racing club sa dayaan. Alalahanin lang ng Philracom ang kapakanan ng bayang karerista o “betting public” at hindi yung mag gahaman na horse owners, trainers at Stewards (usually sindicato ito) tyak sisikat karera!

  3. Howner
    3 July 2008 at 4:16 pm (4384 days ago)

    @ P. Hashim …. Palagay ko mahirap ang iniisip ng ibang bayang karerista na may race fixing o dayaan. Maaring nag uusap ang mga horse owners pero mahirap gawin na ang orchestrated ang karera. Maaring ma chambahan nila ang pinagusapan nila ngunit mataas parin ang chansa na di magkatotoo ang pinag usapan nila. Maraming factors na pumapasok pag dating sa karera, track conditions, condtion ng kabayo at capacity nito, etc. Hindi lahat ng horse owners at trainers ay gahaman. Wag po sanang kalimutan ng betting public na ang mga horse owners ang namumuhunan sa pagbili ng kabayo at dahil dito mayroong karera. Naniniwala ako na may mga naguusap usap na mga horse owners ngunit kahit nagusap usap na ang mga yan malabong mangyari ng 100% accurate ang mga pinlanong karera.

    what we need to do is lower the taxes on winnings sa karera, this will benefit both the betting public and horse owners, Taasan din ang percentage ng mga nag ooperate ng OTBs. Sapamamagitan ng pag bawas sa buwis ay lalaki ang premyo ng horse owners at mananaya. Magkakaroon ngayon ng gana na mamili pa ng mga kabayo ang horse owners, Pag dumami ang kabayo dadami din ang karera (mas gaganda dahil mas madaming tumatkbo mas magiging kapanapanabik ), pag tumaas ang winnings ng betting public ma eencourage din silang manaya, also pag tumaas ang percentage ng OTB operators dadami ang otb which in turn will generate more sales.

    So you see, it’s a chain reaction effect pag dating sa karera. You have to look at the big picture and not just a single segment.

    Sang ayon ka ba dito mr. P. Hashin ???

1Pingbacks & Trackbacks on KL: Kailan Sisikat ang Karera?