KL: Hataw, Bandera!

Thanks to Bandera management, especially sports editor Frederick Nasiad, for reviving my Taglish “Karera Lang!” column that was first carried from 2007 to 2009 in the now-defunct tabloid Tumbok, a sister publicationof Bandera under the Inquirer Group.

“Karera Lang!” will appear in Bandera every  Tuesday and Saturday.

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 29 March 2011, Tuesday

Hataw, Bandera!

Maraming salamat kay Bandera sports editor Mr. Fred Nasiad at sa management ng Inquirer Group of Publications sa kanilang pagbigay-daan sa pagbabalik ng “Karera Lang!” tuwing Martes at Sabado.

Ipinanganak ang kolum na ito noong 14 May 2007, at ang pamagat ng maiden column ay “Tabako, Bagong Stakes Winner”. Lumabas ito sa Tumbok tatlong beses kada linggo. Nagtagal ito hanggang 28 February 2009, kulang-kulang dalawang taon din.

Pagkatapos noon ay nagkaroon ako ng mga English-language racing column at opinion column sa isang broadsheet, kaya di naman natigil ang aking pagsusulat. Ngunit maraming karerista ang nakapagsabing nami-miss nila ang aking Tagalog kolum.

Sari-saring balita ang laman ng “Karera Lang!” – mga schedule ng stakes races, analysis nito, mga tips (dehadista ako), resulta ng mga stakes races, mga kaganapan sa industriya ng thoroughbred racing at breeding, at iba pang impormasyon na sana makatulong sa inyo o makadulot ng kaunting kasiyahan man lang.

Mababasa ninyo ang archives ng “Karera Lang!” column at ang aking ibang mga sanaysay tungkol sa karera sa aking website, http://jennyo.net.

Sana rin ay mabuhay natin ang pakarerang sponsored ng Philippine Racing Commission na dating tinaguriang “Tumbok Cup”. Nagkaroon ito ng apat na karera at ang mga proceeds ay ipinamahagi sa charity organizations. Ang naging beneficiary ng 4th Tumbok Cup ay ang Bahay Maria para sa mga street children. Magkaroon kaya tayo ng “Bandera Cup” charity race sa hinaharap?

* * * * *

Nilampaso ng tersero llamadong Smart Guru noong nakaraang Linggo sa San Lazaro Leisure Park ang tatlo pang kalaban sa Philippine Charity Sweepstakes Office Special Maiden race. Lulan ni jockey Antonio B. Alcasid Jr., umoras ang kabayo ni Honorato Neri ng 1:23 para sa 1,300 meters at nanalo ng isa’t-kalahating kabayo.

Segundo ang llamadong Tiger Run na pagmamay-ari ni Mayor Benhur Abalos at tersero ang dehado sa lahat na Just For Keeps ni Joel Songsong. Huling dumating ang segundo-llamadong Ooh La La’s Gold ni Eduardo Dimacuha, na siyang nanalo sa trial race.

Ang susunod na pakarera ng PCSO ay April 17 sa Santa Ana Park. Isa rin itong Special Maiden Race na may distansiyang 1,200 meters. Ang trial ang gaganapin ngayong hapon, at mga kasali rito ay mga 3-year-olds (3YO) local-breds – sina Aduana, Beau Erin, Gold Field, at Sunshine (fillies) at Sparkler at Wanna Change (colts).

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

1 Comment on KL: Hataw, Bandera!

  1. Bea
    30 March 2011 at 7:39 am (3385 days ago)

    English or Tagalog, you just write so so so so well. I love it!