KL: Jockeys’ Day Ngayon

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 7 May 2011, Saturday

Jockeys’ Day Ngayon

Ngayong araw na idaraos ang pinaka-aabangan ng sambayanang karerista – ang taunang pakarera ng mga hinete ng New Philippine Jockeys Association – ang 2011 Jockeys Day.

Gaganapin ito sa Santa Ana Park, tulad ng dati. Simula Huwebes pa lang, mayroon nang mga special races sa ilalim ng event na ito. Ang main race ay ang NPJA-Philippine Racing Commission Cup na nakatakda para ngayon.

Naibahagi ko na sa aking huling kolum ang ilang mga detalye tungkol sa event na ito. Ayon kay NPJA director Joey Macaraig, may ilang mga karagdagang impormasyon.

“May tatlong muse na darating mamaya,” aniya, “ngunit surprise nalang kung sino sila. Tiyak na matutuwa ang mga karerista dahil laging kakaiba pag may muse sa awarding ceremony.”

Bukod doon, sabi ni jockey Joey, ang magiging emcee sa awarding ay si Philracom commissioner at dating star jockey na si Eduardo “Boboc” C. Domingo Jr.

Sa premyo naman, may ilang horseowners na nagbigay ng libreng pakasta sa mga winning owners sa ilang piling karera.

Ito’y sina Ginoong Putch Puyat, Tony de Ubago, Jose Mari Franco, at Ramon Balatbat (istalyong Pumatone); Boy Tan (Mozarelle); at Tony Tan (Reenact).

Tiyak na magiging masaya ang ating pangangarera ngayong araw. Full force ang suporta ng mga hinete at iba pang taga-karera dito, at marami tayong makikitang racing personalities at exciting na laban.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.