KL: Top Ten sa Karera

KARERA LANG!   by Jenny Ortuoste for Bandera,  31 May 2011, Tuesday

Top Ten sa Karera

Sa larangan ng horseracing, tulad ng sa ibang sports, may ranking ng mga atleta na maaring maging batayan ng kanilang katayuan sa larangan na kanilang ginagalawan.

Para sa akin, ang opisyal na pamantayan nito ay ang mga estadistika na nilalabas ng Philippine Racing Commission, bilang ahensiya ng gobyerno sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo na siyang inatasan na mag-supervise ng sport na ito.

Ayon sa Philracom, para sa panahong Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon, ang mga Top Ten sa Karera ay:

Horseowners: (1) Atty. Narciso Morales; (2) Aristeo G. Puyat; (3) Cong. Jeci A. Lapus; (4) Antonio G. De Ubago Jr.; (5) Ruben B. Dimacuha; (6) Joseph C. Dyhengco; (7) Jade Bros. Freight; (8) Ralph Javier; (9) Herminio S. Esguerra; (10) Eduardo E. Gonzalez.

Trainers: (1) Ray R. Henson; (2) Ruben S. Tupas; (3) Carlos M. Vicente: (4) Johnny C. Sordan; (5) Rodolfo G. Mendoza; (6) Cong. Jeci A. Lapus; (7) Renato R. Yamco; (8) Nestor E. Manalang;  (9) Dave R. De la Cruz; (10) J. S. Henson.

Jockeys: (1) Patricio R. Dilema; (2) Jonathan B. Hernandez; (3) Jesse B. Guce; (4) Fernando M. Raquel Jr.; (5) Mark A. Alvarez; (6) Rodeo G. Fernandez; (7) Valentino R. Dilema; (8) Kelvin B. Abobo; (9) John Alvin Guce; (10) John B. Cordero.

Horses: (1) Magna Carta; (2) Juggling Act; (3) Yes Pogi; (4) Getting Better; (5) Big Daddy’s Dream; (6) Bosbarawana; (7) Bahala Na; (8) Alamid; (9) Deceptions; (10) Dancing Gisele.

Para sa karagdagang impormasyon, dumalaw sa website ng Philracom sa philracom.gov.ph.

Samantala, pinapaalala ng Philracom sa mga kinauukulan na magpa-nominate na ngayong araw para sa first leg ng Philracom Juvenile Fillies Stakes at Juvenile Colts Stakes na gaganapin sa Santa Ana Park sa Hunyo 18 (fillies) at Hunyo 19 (Colts) sa distansiyang 1,000 meters. Ang nomination fee ay P2,500 kada entry. Ang araw ng deklarasyon ay Hunyo 3, at P5,000 per entry. Ang pagbobola ng post position ay sa Hunyo 15 sa PRC Handicapping Department ng 5:00pm.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.