KL: Malaking Karera Ngayon

KARERA LANG!   by Jenny Ortuoste for Bandera,  11 June 2011, Saturday

Malaking Karera Ngayon

Tatlong malalaking karera ang pasasabugin ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite – kanino kayo kakampi?

Dalawa ang alok ng Philippine Racing Commission, ang ikalawang yugto ng Triple Crown stakes at ng Hopeful stakes na mga serye.

Kalahok sa Triple Crown sina Arvindugo, Barkley, Constatic, Hari ng Yambo, Lord of War, Magna Carta, Maker’s Mark, Tensile Strength, at The Rock.

Si Hari ng Yambo ang nanalo ng first leg at malamang umulit muli, sa ganda ng kondisyon at pinakita nitong nakaraan. Sumegundo sa kanya noon si Magna Carta na sisikap na gumanti sa huling pagkatalo. SiConstatic ang kaisa-isang babaeng kabayo dito; siya ang nanalo ng first leg ng Hopeful at sisikapin niyang magpakitang-gilas dito.

Puno ang aparato para sa Hopeful, at ang mga kalahok ay sina Armoury, Cheeze Mosa, Coal Harbour, Dimasalang, Ooh La La’s Gold, Prime Rate, Wondrous Wind, Olajuwon, Dear John, Smart Guru, Thirdy Thirdy, Tucker’s Diamond, at Whistler.

Sina Smart Guru at  Cheeze Mosa ang dapat abangan dito, pati na rin si Whistler na dumating ng cuarto noong unang yugto.

Parehong 1,750 meters ang distansiya nitong matitinding karera na bukas sa lahat ng mga local-born na 3YO, ngunit ang karaniwang na isinasali rito ay ang mga de-kalidad na kabayo na may lakas at tulin, dahil napakahirap ng mga karerang ito. Kadalasan kasi, ang mga karera para sa 3YO ay 1,600 meters lamang.

Ang pangatlong malaking karera ngayong araw sa SLLP ay ang ikaapat na Special Maiden Race para sa taong ito ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang distansiya ay 1,300 meters at kabilang rito sina Classy Kitcat, Fair Wind, Huatulco, Pinay Beauty, Conqueror’s Magic, Stolen Time, at Markees World. Si Markees World ang nanalo ng trial noong May 24, at malamang siya rin ang aasahan pag dating sa tayaan.

Maligayang Araw ng Kasarinlan! Ipagdiwang natin ang kalayaan ng ating bansa, at pati na rin ang ating kalayaan na mangarera!  ***

Related stories:

Comments are closed.