KL: 2nd Leg Triple Crown at Hopeful

KARERA LANG!   by Jenny Ortuoste for Bandera,  14 June 2011, Tuesday

2nd leg Philracom Triple Crown at Hopeful

Pinatunayan ni Magna Carta ang kanyang kakayahan noong nakaraang Sabado (Hunyo 11) sa San Lazaro Leisure Park kung saan siya ang nanaig sa ikalawang yugto ng Philippine Racing Commission Triple Crown.

Segundo llamado lamang siya dahil segundo siyang dumating noong unang yugto ng naturang serye para sa mga de-kalidad na 3YO na local-born na mananakbo. Paborito sa benta si Hari ng Yambo, na pinanalo ng malayo ang unang yugto.

Ngunit sa pagkakataong ito, maayos ang pagkakadala kay Magna Carta; si Hari ng Yambo naman ay dumating na huli.

Umoras si Magna Carta ng 1:50.6 sa cuartos na 10’-22’-24’-25’-27’. Segundo si Lord of War, tersero si Tensile Strength, at kuwarto si Arvindugo.

Mas matulin ang oras na ginawa ni Cheeze Mosa, ang nanalo ng second leg ng Philracom Hopeful Stakes noong Linggo din. Gumawa siya ng kuartos na 10-23’-25-25’-26’ para sa tiyempo na 1:50.2, bahagyang mas maganda pa ng naitala ng mga tumakbo sa Triple Crown mismo.

Ang distansiya ng dalawang stakes races na ito ay 1,750 meters. Ang record na tiyempo sa distansiyang iyan ay 1:48, na ginawa nina Real Spicy (2006) at Ibarra (2007).

Samantala, si Markees World ang naging kampeon ng 1,300 meters Philippine Charity Sweepstakes Office Special Maiden Race sa araw din na iyon. Malayong nanalo ito sa sumegundong Stolen Time; tersero si Fair Wind.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.