KL: 3rd leg Triple Crown at Hopeful Stakes

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera,  2 July 2011, Tuesday

Philracom 3rd leg Triple Crown at Hopeful Stakes    

Kahapon hanggang 5pm ang deklarasyon para sa ikatlo at huling yugto ng Triple Crown at Hopeful Stakes ng Philippine Racing Commission. Ngunit inabot tayo ng presstime kaya hindi ko pa maibibigay ang listahan; sa Martes nalang po, sa susunod kong kolum.

Ang dalawang karerang ito ay ang pinakatanyag na serye para sa mga tatlong-taong gulang na kabayong palahi ng mga local breeders. Ang distansiya ay parehong 2,000 meters at ang handicapping ay set weight, 52 kgs para sa fillies at 54 kgs para sa colts.

Ang nominasyon ng mga kalahok ay ginanap noong Hunyo 28. Maaring magbago ang mga talaang ito depende sa nangyayari sa deklarasyon kahapon.

Eto ang mga nominado para sa Hopeful stakes na gaganapin sa Hulyo 16 sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.:

Fillies: Coal Harbor, Dimasalang, Gandang Pinay, Prime Rate;

Colts: Finest Material, High Voltage, Midnight Myth, My Keys, Sir Ferdinand, Thirdy Thirdy, Tony Pee, Top Connection, Tucker’s Diamond, Whistler, Wonder Lev.

Nominado para sa 3rd leg Triple Crown, Hulyo 17, Santa Ana Park din:

Fillies: Cheese Mosa, Constatic;

Colts: Arvindugo, Barkley, Finest Material, Hari ng Yambo, High Voltage, Just for Keeps, Lord of War, Magna Carta, Maker’s Mark, Smart Guru, Tensile Strength, The Rock.

Tingin ko sa lineup ng nominasyon pa lang, magiging magandang labanan na naman ito.

Sa Hulyo 17 rin gaganapin ang Philippine Sportswriters Association Cup. Wala pa itong lineup, pero tiyak na magiging interesante rin ito.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.