KL: Kalahok ng 3rd leg Triple Crown at Hopeful

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera,  5 July 2011, Tuesday

Kalahok ng 3rd leg Triple Crown at Hopeful  

Gaya ng pinangako ko noong huling kolum ko, heto na ang official lineup ng ikatlong yugto ng Triple Crown at Hopeful Stakes ng Philippine Racing Commission, na parehong magaganap sa Santa Ana Park, Naic, Cavite, sa distansiyang 2,000 meters.

Labing-dalawa ang kalahok sa Hopeful Stakes sa Hulyo 16, Sabado:

Fillies (52 kgs): Coal Harbor, Dimasalang, Gandang Pinay, Prime Rate;

Colts (54 kgs): Midnight Myth, My Keys, Sir Ferdinand, Thirdy Thirdy, Tony Pee, Top Connection, Tucker’s Diamond, Wonder Lev.

Para kay jockey at racing analyst Joey Macaraig, heto ang mga gusto niya: “May buti si Dimasalang, di siya maaring pabayaan. Di siya angat na angat sa labanang ito, pero lamang pa rin ng kaunti. Si Wonder Lev, maganda ang remate.”

Ang premyo para sa primero ay P600,000; 2nd place, P225,000; 3rd, P125,000, at 4th, P50,000. May premyong PP30,000 para mananalong nagpalahi (breeder’s purse).

Puno ang aparato para sa Triple Crown, Hulyo 17, Linggo:

Fillies (52 kgs): Cheese Mosa, Constatic;

Colts (54 kgs): Arvindugo, Barkley, Finest Material, Hari ng Yambo, High Voltage, Just for Keeps, Lord of War, Magna Carta, Maker’s Mark, Smart Guru, Tensile Strength, The Rock.

Para kay Jockey Joey dito? “Magna Carta at The Rock. Di ko type tumakbo ang Hari ng Yambo sa Santa Ana, may kapilyuhan kasi ito sa gate. Si Magna Carta ang pamprimero ko dito kasi alam natin na laging nasa harapan ito, at maaring makabuo ng aire. Si The Rock mayroong drive na maganda, minsan unexpected talaga. Sa haba ng karera baka mag-abang lang.”

Ang kampeon ay tatanggap ng P1.8 million, 2nd, 675,000, 3rd, P375,000, 4th, P150,000, at may breeder’s purse na P100,000, mula sa Philracom.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.