KL: Don Juan Derby, Malapit Na!

KARERA LANG! By Jenny Ortuoste for Tumbok, 10 July 2008, Thursday

(published also -erroneously – on July 11, Friday)

Don Juan Derby, Malapit Na!

Pinaghahandaan na ngayon ng ng Klub Don Juan de Manila ang kanilang taunang pakarera, ang Don Juan Derby. Nakatakda ng Oktubre 19 sa San Lazaro Leisure Park ang naturang racing festival kung saan maglalabasan muli ang pinakamagaling na kabayo sa balat ng Pilipinas.

Bukod sa Derby, na open sa lahat ng sumali, nariyan rin ang Don Juan Juvenile Colts at Juvenile Fillies races, pati na ang iba pang Group 1 category races.

Makikita kaya natin sa Don Juan Colts at Fillies na karera sina Don Enrico at Indelible Ink? Malamang sa oo, pero dahil pinaghiwalay dito ang lalaki sa babae, hindi na sila magkakasagupa. Sayang, ibang klase kasi ang hatak ng popularidad ng dalawang ito tuwing naglalaban.

Baka maka-engkwentro ni Don Enrico sa Don Juan Colts si Hieroglyphics, na impresibo ang panalo sa Hopeful II stakes.

Ngunit bago noon, mayroon pang Triple Crown third leg sa August 3. Maaring isali rito si Hieroglyphics. Sasali ba si Indelible Ink? Balitang-pista na medyo wala sa kundisyon ang tanyag na filly kaya raw segundo lang siya sa TC second leg. Kung ito nga ang sitwasyon, sana ay bumuti na ang lagay niya para mas exciting ang huling yugto ng Triple Crown sa taong ito.

Sa ibang mga special races naman, pinaghahandaan na rin ng Tumbok, ang diyaryong patok sa manlalaro, ang ika-apat na Tumbok Cup. Hindi pa tiyak ang mga detalye nito, ngunit tulad ng dati, sa Oktubre ito at itong 2008 ay gaganapin sa Santa Ana Park.

Mga anunsiyo: Congratulations to Mr. Boying Gariplan, former handicapper ng Philippine Racing Club, na nitong nakaraang dalawang raceweek ay nagsimula nang manungkulan bilang Steward ng Santa Ana Park. Isa si Boying sa may pinakamalawak na kaalaman sa handicapping gawa ng ilang dekadang experience niya bilang Club handicapper, kaya mabuting balita na balik na siya muli sa active duty.

Congratulations rin kay Ms. Elisa “Lisa” Alvarino na ngayon ay licensed Judge ng PRC. Si Ate Lisa ay dating secretary ni Boying sa Handicapping mula 1995 hanggang 2008. Isa rin siya na masasabing may mala-encyclopediang kaalaman sa Handicapping. Ang fulltime job niya sa PRC ay bilang admin assistant ni Ms. Jessica Villanueva, AVP for Communications.

Taong 1986 noong unang pumasok si Ate Lisa sa PRC. “Twenty-two years na nga ako eksakto nitong July,” aniya. Noong 1990s pa siyang kinukuhang magsilbi bilang Judge, ngunit noong mga panahong iyon ay abala pa siya sa events management, kaya tinanggihan niya ito.

Kamusta naman ang kanyang pagiging Judge ngayon? “Okay naman so far. Ako ang nagsusulat ng official results o datingan at sinisiguro kong -double check ito. Tatlo kaming pumipirma sa form kaya tatlong pares ng mata ang tumitingin kung tama.”

Sa ibang dako: calling all alumni of the University of the Philippines-Diliman College of Mass Communication! UP Centennial Year Homecoming po natin sa 27 September 2008 sa CMC, at ang pamagat ng event ay “UP MassComm and You: Photographs, Memories, Atbp.” Espesyal ang event na ito dahil kasabay nito ang selebrasyon ng ika-100 taong anibersaryo ng UP. Dalawin ang website sa http://upd.edu.ph/~cmc para sa ibang detalye. ***

Related stories:

Comments are closed.