KL: 2nd leg Philracom Juvenile Stakes

KARERA LANG!   by Jenny Ortuoste for Bandera,  23 July 2011, Saturday

2nd Leg Philracom Juvenile Stakes

Inaabangan itong weekend sa San Lazaro Leisure Park ang ikalawang yugto ng serye ng Philippine Racing Commission para sa mga “juveniles” or dalawang-taong gulang na kabayo.

Ang 2nd leg ng Philracom Juvenile Fillies ay itatakbo ngayong araw sa distansiyang 1,000 meters. Kalahok dito ang mga sumusunod: Buena Fortuna, lulan si jockey Fernando M. Raquel, sa timbang na 53 kgs; Cheese Blanca, Patricio Dilema, 53.5; Humble Riches, Val Dilema, 53; Is She Perfect, Daniel Camañero, 53; It’s My Turn, Jesse Guce, 53; Lohrke’s Tower, John Alvin Guce, 52; Alpha Allianza, Karvin Malapira, 52; and Going West, Jeffril Zarate, 53.

Patok daw dito si  Humble Riches, base na rin sa magandang pinapakita nito, at puede ring kunin ung sakay ni Malapira.

Bukas naman ang sa Colts, na lahat ay magdadala ng 54 kgs, apat lamang sila: Bechot, Christopher Garganta; Sky Serpent, Esteban de Vera; Stolen Time, Jonathan Hernandez; at Jet Stream, Jeffril Zarate. Ang dalawang huling nabanggit ang napupusuan ko rito.

Abangan din sa SLLP ang mga sumusunod na karera: Aug 7, Philracom Peridot Stakes; Aug 19, 3rd Mayor Ramon D. Bagatsing Memorial Cup. Ayon kay former Manila congressman, Atty Ramon S. Bagatsing Jr., inaasikaso na ng kanilang pamilya at ni SLLP racing manager Jose Ramon “Ding” Magboo ang mechanics ng pakarerang nagbibigay-pugay sa kanyang ama, ang yumaong mayor ng Maynila.

Tulad ng dating Gran Copa de Manila na karera, na si Mayor Bagatsing ang bumuhay sa San Lazaro Hippodrome sa Tayuman noong araw, magkakaroon din ang Bagatsing Memorial Racing Day ng Division I at Division II na major stakes races. Mayroong pito pang special/trophy races. Tulad ng mga nakaraang RDB Cup festivals, may premyo ang mananalong sota, at iba pang mga pakulo. Abangan! ***

Related stories:

Comments are closed.