KL: Chismis sa Karera, Salot!

KARERA LANG! By Jenny Ortuoste for Tumbok

published on Saturday, 12 July 2008

Chismis sa Karera, Salot!

Chismis. Kahit saan, kahit kailan, salot talaga ito. Nakakagulat, nakakadismaya, nakakapraning.

Ang pinakabagong chika ay ganito: next raceweek daw, na dapat ay sa Santa Ana Park, ay nakuha daw ng San Lazaro Leisure Park. Kaya dalawang sunod na linggo raw ang karera sa SLLP.

True – or not? Isang tawag lang sa Philracom upang magtanong, ay malalaman na agad ang katotohanan. “Hindi totoo iyan,” ani Mr. Bitoy Lansangan, OIC-Handicapping. “Sa katunayan ay nag-submit na ang Philippine Racing Club ng request for races at kopya para sa next week.”

Ang Pinoy ay sadyang mausyoso at mahilig sa sabi-sabi. Ang ugat siguro nito ay ang kultura ng Pilipino na nakababad pa rin sa “oral traditions” ng “storytelling”. Ibig sabihin ay mas ugali natin ang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng kuwento, kaysa sa pagsusulat o iba pang mas teknolohikal na pamamaraan ng komunikasyon.

Lalong kapansin-pansin ang “phenomenon” na ito sa karera, sa kadahilanang maliit at saradong mundo ito. Nitong mga nakaraang buwan, para bang may laganap na epidemyo ng chismis, na halos linggo-linggo ay may bago na namang ispekulasyon.

Noong mga nakaraang linggo, kumalat ang balita na suspended raw ang operations ng SLLP dahil hindi pa kaya nito ang pagpapatakbo in-house ng betting system. Nang matuloy ang karera noong raceweek na iyon, napabulaanan ang chismis na hindi totoo.

Iba pang chismis: Magsasara raw ng dalawang buwan ang Santa Ana Park dahil lilipat na ito! Sagot: kung totoo ito, hindi pa ngayon. Malalaman naman natin iyan dahil ia-announce naman ng PRC pag malapit na ang transfer para makapaghanda ang lahat.

Magsasara na raw ang SLLP dahil galit ang mga horseowners sa taas ng singil sa tubig at renta! Sagot: kung ano ang problema ng mga horseowners sa SLLP rates, napag-usapan na nila ito sa Manila Jockey Club management. Ang mga hindi satisfied na SLLP tenants ay may ibang options tulad ng legal action, boycott (hindi magpatakbo ng kabayo nila), etc. Hindi naman mag-sasara ang isang karerahan ng ganoon nalang.

Malaki raw ang pinagbago ng sales ng karera ngayon kumpara sa dati! Sagot: Ay, ito totoo, walang duda.

Ewan kung bakit ang hilig ng karerista sa sabi-sabi. Kesa naman kasi paikutin pa ang utak sa ispekulasyon, bakit hindi gumawa ng paraan upang i-confirm o i-disprove ito? Sa isang tawag lang sa PRC, MJC, o Philracom, malalaman na ninyo ang totoo at nang hindi na kayo mabahala pa. Mas magagamit pa ang natipid na oras at brainpower sa pag-aaral ng past performances at paggawa ng Take-All, diba?

Paalala sa UP MassComm alumni: Ang Centennial Year Homecoming ay nakatakda ng Sept 27 sa College of Mass Communication, UP Diliman. ***

Related stories:

3 Comments on KL: Chismis sa Karera, Salot!

  1. jazelle
    11 July 2008 at 10:06 am (3419 days ago)

    Ito pa ang isang chismis.Ikaw daw Ms. Gogirl ang magiging host sa bagong PRCI sa cavite at tatanggalin na raw si Jim Veloso.Ang racing coverage daw ay Makisig Channel na rin dahil sa ganda ng coverage na hinahangaan ng bayankarerista.Totoo ba???

  2. gogirlracing
    11 July 2008 at 5:51 pm (3419 days ago)

    aHAHAHAHA!!! Patawa. Ngayon ko lang narinig iyan, ah. Grabe, nakakahiya naman kay Jim iyong mga ganyang balita. Sagot: Walang alok mula sa PRC tungkol diyan. Sa pagkuha naman ng PRC sa Makisig – hindi mangyayari iyan dahil ang Viva-Prime Channel na ang contracted broadcast provider ng PRC…

    Hay, ang chismis sa karera talaga…!

  3. jazellerae
    12 July 2008 at 1:33 am (3419 days ago)

    chismis din yan mam jen… baka akala mo ako yan (secmas) hehehehe ito username ko jazellerae wahehehehe