KL: Humble Riches, Impresibo!

KARERA LANG!  by Jenny Ortuoste for Bandera,  26 July 2011, Tuesday

Humble Riches, Impresibo!

Klaseng mas magaling ang mga babaeng kabayo kesa lalaki sa kasalukuyang crop ng juveniles na namamayagpag ngayon sa pista.

Noong nakaraang Sabado sa San Lazaro Leisure Park, nagpakita ng kakaibang gilas ang isang filly na nanalo ng off-the pace.

Ang magandang achievement niya ay ang kanyang pagtala ng oras na isang minuto sarado, bahagyang mas matulin sa naitalang oras ng mga lalaki noong sumunod na araw.

Nanalo ang llamadong Humble Riches sa 2nd leg ng Philippine Racing Commission Juvenile Fillies stakes race sa distansiyang 1,000 meters. Tinalo niya ang pitong kalaban sa ilalim ng paggabay ni jockey Val Dilema.

Sumegundo si Alpha Allianza, tercero si Going West, at cuarto si It’s She Perfect.

Noong Linggo naman, sa 2nd leg ng Philracom Juvenile Colts, llamado rin ang nanalong Jet Stream, lulan si Jonathan Hernandez. Segundo si Bechot, tercero si Stolen Time, at huli’t cuarto dumating si Sky Serpent. Ang oras na naitala para sa karerang ito ay 1:01.6 sa 1,000 meters din.

Samantala, nais ipaalam ng Philippine Charity Sweepstakes Office na ang kanilang susunod na maiden race para sa 2YO ay gaganapin sa Agosto 21 sa SLLP. Ang trial ay sa Agosto 2 sa distansiyang 1,300 meters.

Sino kaya ang mananaig dito – babae o lalaki? Abangan!

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

Comments are closed.