KL: Agosto 21 PCSO Special Maiden Race

KARERA LANG!  by Jenny Ortuoste for Bandera,  30 July 2011, Saturday

Agosto 21 PCSO Maiden Race

Inanunsiyo na kamakailan ng Draw and Races Department ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang official lineup ng mga kasali sa Agosto 21 Special Maiden Race ng PCSO.

Ang karera ay bukas sa mga 2YO (Open) at gaganapin sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club sa distansiyang 1,300 meters.

Ang trial race para dito ay nakatakda para sa Agosto 2, parehong pista at distansiya. Heto ang mga deklaradong kalahok:

Colts (magdadala ng 54 kg): Who Else ni Eduardo Gonzalez (sasakyan ni jockey Esmael  Nahilat); Kamikazi ni Ramoncito Arceo (jockey Pipoy Silva), Hamaheat ni Fe Eliscupides (Rodeo Fernandez), Alta’s Choice ni Robert Joseph Moran (Val Dilema), Pleasantly Perfect ni Divina Dy (Jonathan Hernandez), Dancing Dolphin ni Tarlac congressman Jeci Lapus (Red de Leon), at Carmelo ni Danilo Estacio (Michael Yap).

Filly (magdadala ng 52 kg): Louie Alexa ni Paolo Mendoza (Patty Dilema).

* * * * *

            Sa SLLP rin gaganapin ang 3rd Mayor Ramon D. Bagatsing Memorial Cup, sa Agosto 19, Biernes, na siyang araw ng kapanganakan ng yumaong alkalde.

Ayon sa kanyang anak na horseowner rin, dating kongresista ng Maynila Atty Ramon S. Bagatsing Jr., inaasikaso na ng pamilya ang mga pakarera sa araw na ito, kasama sina MJC racing manager Jose Ramon Magboo at corporate communications officer Nathan Mazo, at Philippine Racing Commission sports and games officer (handicapper) Rolando Lansangan.

Magkakaroon ng siyam na karera sa araw na iyon. Dalawa rito ang parang Gran Copa de Manila – tinaguriang Division I (para sa 3YO) at Division II (imported-local open). Ang pitong karera pa ay special trophy races.

Abangan ang dalawang karerang ito sa susunod na buwan!

            Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

Comments are closed.