KL: Who Else sa PCSO Maiden Trial

KARERA LANG!  by Jenny Ortuoste for Bandera, 6 August 2011, Saturday

Who Else sa PCSO Maiden Trial

Umaalab sa tulin ang colt na si Who Else noong Agosto 2 sa San Lazaro Leisure Park noong kanyang ipinanalo ang trial para sa Philippine Charity Sweepstakes Office Special Maiden race.

Nanalo ng 1/1-2 kabayong layo si Who Else sa pagrerenda ni jockey Esmael Nahilat. Tumala ito ng cuartos na 7’-24’-24’-28 para sa kabuuang 1:25’, sa distansiyang 1,300 meters.

Sumegundo si Pleasantly Perfect (1:26), sinundan nina Dancing Dolphin sa tercero at Carmelo sa cuarto puesto, na dikit-dikit halos dumating sa oras na 1:26’.

Base sa mga naitalang performance ng mga ito, angat si Who Else at ito ang titingnan ng karamihan ng karerista pag dating ng mismong araw ng karera sa Agosto 21, sa SLLP rin at sa parehong distansiya.

* *  * *  *

Samantala, sa Linggo na sa SLLP ang 4th leg ng Imported/Local Challenge Series ng Philippine Racing Commission na tinaguriang Philracom Peridot Stakes.

Maglalaban sa distansiyang 1,900 meters sina Multiply, Botbo, Next Big Thing, Juggling Act, Gentle Irony, at Batang Tundo.

Ang mga ito ay beteranong kabayo na magbibigay ng magandang laban sa isa’t-isa, kaya inaasahang magiging kaaya-aya ang Peridot Stakes sa mga karerista.

* *  * *  *

            Sa ibang balitang karera, dumalaw kamakailan sa bansa ang dalawang grupo ng dayuhan upang pag-aralan ang pamamalakad ng karera dito sa atin.

Noong Hulyo 24-26, nagalak ang Philracom na asikasuhin ang mga panauhin mula sa Korean Racing Authority – apat na opisyal at isang beterinaryo. Sila ang nag-award ng tropeo sa SLLP para sa Philippines-Korea Friendship Race at ang KRA Trophy Race.

Noong Agosto 1-2 naman dumating sina C. Mano, Greg Manley ng Hygain Feeds, at Peter Lord upang magbigay ng seminar sa kalusugan ng kabayo, sa ilalim ng sponsorship ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos na isang horseowner at breeder.

Dumating din kamakailan si Dr. Ross Teitzel, isang beterinaryo na espesyalista sa kabayong pangarera, upang gamutin ang kabayo ng ilang mga horseowners sa kanilang mga rancho sa Batangas.

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

Comments are closed.