KL: Bagatsing Cup, Binasag ang Sales Record!

KARERA LANG!   by Jenny Ortuoste for Bandera,  23 August 2011, Tuesday

 Bagatsing Cup, Binasag ang Sales Record!

Napakasaya noong nakaraang linggo sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey club, kung saan ginanap ang 3rd Mayor Ramon D. Bagatsing Memorial Racing Festival noong Biernes at ang Philippines-Japan Friendship Racing Festival noong Linggo.

Maraming dehado ang nagsi-sulputan noong Bagatsing racefect, na kinabilangan ng 9 na karera, gawa na rin ng tulong sa handicapping ni Philippine Racing Commission sports and games officer Rolando “Bitoy” Lansangan kay MJC handicapper Nitoy Gonda at ang kanyang team.

Tatlo ang major races ng 3rd RDB racefest. Sa 3rd Mayor Ramon Bagatsing Memorial Cup III, nanalo si Cramps ni Kenneth Causon, sa ilalim ng paggabay ni Val Dilema at pagkundisyon ni Francis Clor. Segundo si Rain Shower at tersero si Dona Nenita (coupled entries ni Don Antonio Floirendo Sr.), at cuarto si Tritanic ng RMR Equine. Ang tiyempo ay 17’-24-25-27’ = 1:34 sa 1,500 meters.

Sa RDB Cup II, nanaig si Gastambide ni Marvin Louie Villasenor, nirendahan ni Rodeo Fernandez at kinundisyon ni Dave de la Cruz. Sumunod sina Carriedo ni Tarlac congressman Jeci Lapus, Money Queen ni ER King Jr., at Darleb ni Joseph Dyhengco. 1,900 meters ang distansiya, at ang tiyempo ay 19-24-26-25’-27 = 2:01’.

Sa main race, ang RDB Cup I, ang matinik na si Tensile Strength ni Felizardo Sevilla Jr. ang nanaig, lulan si jockey Jeffril Zarate. Ang trainer ay si Manuel Vicente. Tinalo nito si Magna Carta ni Michael Dragon Javier na sumegundo, sinundan nina Arvindugo ni Atty. Sixto Esquivias IV, Lord of War ng SC Stockfarm, at panghuli si Hari ng Yambo ni Emmanuel Santos, sa cuartos na 19-23-25’-25’-27 = 2:00.

Tumala ng sales na P29.5 million ang Bagatsing Cup, na binasag ang dating sales para sa Biernes sa MJC na mahigit ng kaunti sa P28 million , ayon kay MJC racing manager Jose Ramon C. Magboo.

Kasama sa mga dumalong bisita noong gabing iyon ay sina Cong. Lucy Torres at ang kanyang asawa, ang aktor na si Richard Gomez.

Congrats sa Bagatsing family at MJC para sa matagumpay na Bagatsing Cup!

* * * * *

Ang anunsiyong ito ay mula kay cockfighting show TV host Havy Bagatsing: Sumali na sa San Juan Coliseum 6th anniversary 7-Stag Derby, P2 million guaranteed. Eliminations 4-Stag sa Set. 7 at 10; Finals 3-Stag sa Set. 14. Pot Money: P15,000. Minimum bet: P11,000. Day Champion: P100,000. Accepted weights: 1.700 to 2.150 kgs., submission of weights one day before. Accepted bands: Rambulan 1 banded, NFGB, at UGBA-affiliated. Pumunta sahttp://www.sabong.net.ph para sa karagdagang impormasyon.

Karera (at ibang sports) lang, walang personalan! *** Email: jennyo@live.com / Facebook: Gogirl Racing / Twitter: @gogirlracing

Related stories:

Comments are closed.