KL: PCSO Special Maiden Race, Sa Linggo Na!

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  15 July 2008, Tuesday

PCSO Special Maiden Race, sa Linggo na!

 Abala ang Philippine Racing Club sa paghanda ng mga special races na ilalagay sa Sabado, July 19, o Linggo, July 20, sa Santa Ana Park, bilang pamalit sa third leg Triple Crown at Hopeful na dapat tatakbo sa sa Linggo ngunit inilipat sa August 3.

Ang mga ito ay magsisilbi ring support races para sa Philippine Charity Sweepstakes Office Special Maiden Race sa Linggo.

Lima ang proposed Special Races ng PRC na lahat ay 1500 meters at may mga guaranteed prizes to the winner only:

(1)   4YO and older, Groups 4-5A to 4-7A, P150,000;

(2)   3YO locals, Groups 4-2A to 4-4B, P150,000;

(3)   Imported Non-Winners, Groups 1-4, P150,000;  

(4)   Imported Non-Winners and Non-Placers, Groups 1-4, P150,000;

(5)   Non-Winners and Non-Placers, Group 4-7B, P145,000.

Sa ngayon ito ay proposed pa lamang at hindi pa natin alam kung alin dito ang mabubuo o kung anong araw itatakda.

 ”Kinse” rin o 1500 meters ang distansiya ng PCSO Maiden Race. Anim ang mga kalahok na nagsipag-trial sa parehong distansiya noong July 1 sa Santa Ana Park .

Si Windbeneathmywings ang unang dumating, at umoras ng 1:37.6. Segundo si Alisha’s Gold, 1:38; 3rd, Love You By Heart, 1:40; 4th, Go Air Force, 1:40; 5th, High Energy, 1:42; at huli si Rosa’s Success, 1:45.

Ayon sa mga nakapanood, maganda ang porma nila Go Air Force ni Hermie Esguerra at Alisha’s Gold ni Ric G. Aquino, na pawang mga malalaking kabayo. “Medyo easy lang ang pagdadala ni jockey Jeff Zarate kay Go Air Force,” ani Veteran Handicapper, “kaya 1:40 lang ang tiyempo niya sa trial. Hindi na nila pinuwersa, baka magkadiperensiya pa; tutal, ang importante naman sa trial ay ang makapasa.”

Bagamat nanalo ang Windbeneathmywings ni Paolo Mendoza , alangan si Veteran Handicapper sa kanya dahil mas maliit siya kumpara sa kalaban.

Sa akin naman, hindi basehan ang size sa kakayahan. Ilan na rin ang mga kampeon na “small but terrible”, tulad ni Sun Dancer, just to name one.  Sa mga regular runners, naaalala niyo ba si My Little Pet na napakaraming pinanalunan sa ordinary races?

Ngunit may advantage rin siyempre ang malaki dahil mas malawak ang nako-cover na distansiya ng mahabang paa.

Itong anim ay mga declared runners na, ngunit siyempre maari pang magpai-scratch before the race.

Dalawa lang ang colts dito – sina Go Air Force at High Energy – na magdadala ng 54kg, samantalang fillies naman ang iba, na may pesong 52kg.

Maglalaban sila para sa first prize na P300,000; 2nd, 100,000; at 3rd, 50,000. May premyong P30,000 sa breeder ng mananalong kabayo.

Huwag palampasin ang karerang ito, nang malaman ang mga juvenile contenders para sa mga korona ng 2YO stakes races na darating sa huling quarter ng taong ito.

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.