KL: Saan Patungo ang Karerang Pilipino?

KARERA LANG!  by Jenny Ortuoste for Bandera,  6 September 2011, Tuesday

 Saan Patungo ang Karerang Pilipino?

gayong may bagong Board ang Philippine Racing Commission, maraming taga-karera at karerista na nagtatanong: ano kaya ang direksiyon na itatalaga ng bagong pamunuan para sa karerang Pilipino?

Naalala ko noong isang araw ang huli kong punta sa mga foreign racetracks – ito’y noong 2009, sa Hong Kong (Sha Tin at Happy Valley Racecourses) at sa Amerika (Santa Anita Park sa California).

Ito ang nasulat ko noon tungkol sa karerahan sa Hong Kong:          

“Sobrang ganda ng karerahan sa Hong Kong. Ito ay isang truly world-class operation sa ilalim ng Hong Kong Jockey Club, na isang private company na isa sa pinakamalaking taxpayer sa bansa. Higit 11% ng income tax na nakakalap ng Hong Kong ay mula sa HKJC.

“Lahat ng kita ng HKJC ay pumupunta sa charity efforts, at marami pa itong sinusuportahan ng mga endeavors tulad ng Panda Habitat sa Ocean Park resort.

“Dalawa ang racetrack ng HKJC – ang Happy Valley, na unang itinayo sa gitna mismo ng siyudad ng Hong Kong, at ang Sha Tin facility sa New Territories. Ang schedule ng racing sa Hong Kong ay magaan lang – dalawang araw kada linggo, mula Setyembre hanggang Hunyo. Miyerkoles ang karera sa Happy Valley, at Linggo sa Sha Tin.”

Sa kanilang karerahan, mayroon mga facilities tulad ng equine laboratory, hospital, equine pool, at forge. Ang equine lab nila ay isa sa apat na kilalang equine lab sa mundo.

Ang equine hospital ay state-of-the-art din. May hydraulic table ang operating theater, at gamma ray machine upang silipin ang loob ng kabayo, bukod pa sa x-ray at ultrasound machines. May mga treadmills for testing ng cardiovascular health ng kabayo.

Sa forge naman ginagawa ng kanilang magbabakal ang mga horseshoes, bokado, at iba pang kagamitan.

Napakaganda rin ng Santa Anita Park. Mismo ang presidente nito noon, si Mr Ron Charles, ang nag-tour sa akin. Tumapak pa kami sa mismong pista upang maramdaman at makita ko ang Cushion-Track synthetic surface na gamit nila noon.

Kahit di natin mapantayan ang ganda ng kanilang karerahan, at least makakakuha tayo ng “best practices” na maaring i-apply sa ating lokal na sitwasyon na ikabubuti ng karerang Pilipino.

Karera lang, walang personalan!  ***

Related stories:

Comments are closed.