KL: 1st Bandera Cup

KARERA LANG!  by Jenny Ortuoste for Bandera,  10 September 2011, Saturday

 1st Bandera Cup

Ilang tulog nalang, first Bandera Cup na!

Ikinagagalak ng Bandera at ng Philippine Racing Commission na itanghal ang pakererang ito na tiyak ikatutuwa ng bayang karerista.

Ito’y isang charity race, at ang beneficiaries ay ang Inquirer Newsboy Foundation at Bandera Lapis at Papel Campaign.

Ang una ay tumutulong sa mga newsboy na nagbebenta ng pahayagan, at ang pangalawa naman ay isang charity effort ng Bandera na namamahagi ng school supplies sa ilang mga pampubliko na paaralan.

Nakakatuwa na malaki ang nabuong field para sa unang takbo ng Bandera Cup. Siguradong bonggang-bongga ang karerang ito, na tatakbo bilang Race 4 sa Linggo, Set. 11, sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ayon kay Philippine Racing Club assistant vice-president at racing manager Dan Valmonte, 1,300 meters ang distansiya ng naturang karera. Eto ang sampung kalahok at ang kanilang timbang at hinete:

Luna Rossa ni Moises Villaseñor – 54 kgs, jockey JB Guce;

Speedy McKie ni Kenneth Causon – 55, VR Dilema

Sail Street ni Wilbert Tan – 55, CV Garganta

Ice Storm ni Cong. Jeci Lapus – 54, JB Hernandez

Ma’am Mika ni Emmanuel Atienza – 54, JPA Guce

Inner Class ni Ricardo Aquino – 54, AM Tancioco

Windbeneathmywings ni Paolo Mendoza – 53, RL Lagrata

Benissimo ni John Joseph Lagasca – 54, KB Abobo

Yes Joey ni Francis Lim – 54, JB Cordero

Alleluia ni Eduardo Gonzalez – 54, EP Nahilat

Ayon kay jockey at race analyst Joey Macaraig, “Top choice ko dito si Luna Rossa. Una, magaling ang hinete, si JB Guce. Flexible siya sa kabayo, puedeng mauna, puedeng sumunod. Maganda ang post position sa uno; dahil 1,300 meters ang distansiya, pwedeng mauna.

“Panegundo ko si Ice Storm. Compatible sila ng kanyang hinete, si JB Hernandez. Puede silang sumunod kay Luna Rossa. Dehado naman ang panersero ko – si Yes Joey, na magaling magpa-remate.”

Karera lang, walang personalan!  *** 

Related stories:

Comments are closed.