KL: Indelible Ink, Kay Unoh Na?

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  17 July 2008, Thursday

 Indelible Ink, Kay Unoh Na?

Balitang-balita ngayon na si jockey Jonathan “Unoh” Hernandez na raw ang sasakay kay superfilly Indelible Ink sa Triple Crown 3rd leg sa August 3.

Pinalitan raw ng connections ni Indelible Ink – sina Mr. Hermie Esguerra and training staff – ang dating hinete na si Jeffril Zarate pagkaraan ng pagkatalo ni Indelible Ink kay Don Enrico noong Triple Crown second leg.

Nakikita ngayon ng mga “railbirds” o bantay sa balya tuwing umaga sa pista na si Unoh na ang nag-eensayo sa pambato ng Esguerra racing stable.

Officially, hindi pa ito confirmed dahil ang deklarasyon ay sa July 22 pa. Doon natin malalaman ng sigurado.

Ngunit kung ineensayo na ng isang hinete ang isang partikular na kabayo, generally accepted na siya na ang sasakay doon.

 Kung ito nga ang maganap, ano kaya ang magiging scenario sa 3rd leg TC?

 Magagamayan kaya ni Unoh si Ink, na maganda ang ikinikilos kay Jeff?

Ano kaya ang mararamdaman ni Unoh kung makasagupa niya sa karerang iyon si Don Enrico, na natalo noong sinakyan niya noong 1st leg TC?

Kung sakali, ang pagpapalit ba ng hinete ni Indelible Ink ay makaka-apekto ng mabuti o masama sa chansa ni Ink na manalo? Tandaan, ang change of rider marahil ang isa sa mga factors kung bakit natalo si Don Enrico sa first leg.

Maraming tanong at panibagong aral na naman ito. Sabagay, iyang “unpredictability” ng susunod na mangyayari sa karera ang ang isang dahilan kung bakit exciting ito at mahal natin!

Next topic – delay sa karera. Hindi pa ba kayo sawa sa lumang tugtuging ito?

Itong katatapos lamang na San Lazaro Leisure Park races, na-obserbahan na para sa raceweek ng July 7 to 13 (Monday to Sunday), ang pinakamatagal na delay ay 16 minutes noong Race 8 noong July 9, Wednesday. Ngunit ito raw ay dahil mayroong nakawala sa gate (“broke through”) at hinabol pa ito.

Ang pinakamahabang delay na walang kinalaman sa kabayo ay 14 minutes noong Race 12 ng Sunday, July 13.

Malamang na mapapagsabihan na naman ng Philracom ang SLLP. Patuloy rin ang estriktong monitoring ng Philracom sa start times ng Santa Ana Park sa kasalukuyang raceweek nila.

Samantala, sa Oktubre, abangan – Don Juan Derby at 4th Tumbok Cup!

Huwag kalimutan ang PCSO Maiden Race sa Linggo – sagupaan ng matitinik na 2YO!

Mga taga-UP-Diliman MassComm, Centennial Year alumni homecoming na sa Sept. 27!  *** (Web: http://gogirlracing.wordpress.com)

Related stories:

Comments are closed.