KL: PCSO 39th Gold Cup sa Linggo!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 10 December 2011, Saturday

 PCSO 39th Gold Cup sa Linggo!

            Handa na ba kayo sa umaatikabong aksyon ng pinakamahalagang karera ng taon?

Lalarga na sa Linggo sa San Lazaro Leisure Park ang ika-39 Philippine Charity Sweepstakes Office. Full gate of runners ang nagsipaglahok, at tiyak na magiging matindi ang bakbakan ng mga de-kalidad na kabayong ito.

Ayon kay racing analyst Atty. Will de Ungria, ito ang maaring mangyaring scenario sa 2,000-meter PCSO Gold Cup:

“Ang mga mabibilis sa aparato tulad nina Constatic, Hari ng Yambo, Gastambide, Well Well Well, at Shining Armour ay kukuha ang unahan. Mapipilitang mag-off-the-pace sina Darleb, Magna Carta, Righthererightnow, at Carriedo. Ngunit sa haba ng distansiya ng karera, malamang magsisipaghabol sa likuran ang mga de-remateng sina Yes Pogi, Cheese Mosa, Tensile Strength, The Rock, at Sulong Pinoy.

“Dapat ring isipin na si Regan Mamucod, na sasakay kay Tensile Strength sa halip na si Val Dilema, ay change-jockey at baka di pa niya gamay ng lubusan ang kabayo.

“Ang oras na tinitingnan dito ay 2:04.4, record ni Yes Pogi [isang local-bred] na tie kina Wild Orchid at Stowaway Lass [non-local]. Ngunit nitong huling dalawang taon, parang di na kayang mahigitan ni Yes Pogi ang 2:06 na tiyempo sa SLLP, na siya ring tinala ni Magna Carta noong nanalo ito noong Oktubre 2 na tatlong kabayo lang ang pagitan kay Cheese Mosa. Dapat ring bigyan ng pansin si Cheese Mosa na gamay ni jockey Unoh Hernandez.”

Sa aking pananaw, ang anim na kabayong layo na panalo ni Yes Pogi sa Nob. 20 San Miguel-MARHO Classic ay ibig sabihin na siya pa rin ang magya-llamado sa PCSO Gold Cup. Tinalo niya pati sa MARHO Classic sina Gastambide, Darleb, at Carriedo.

Si Yes Pogi rin ang nanalo ng PCSO Gold Cup noong 2010, pati ang PCSO Silver Cup nitong taon. Tiyak na sisikapin niyang manalo sa karerang ito na back-to-back.

Ngunit uubra ba ang kanyang mala-sportscar na remate sa mga kalaban, na gusto ring makatikim ng tamis ng Gold Cup?

Panoorin bukas sa SLLP sa Carmona, Cavite!

Karera lang – walang personalan! ***

Related stories:

Comments are closed.