KL: Kasaysayan ng Karerahan

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 31 January 2012, Tuesday

Kasaysayan ng Karerahan

Simula’t sapul nakagisnan na natin na dadalawa ang racing club dito sa Pilipinas – ang Manila Jockey Club (MJC), na itinatag noong 1867, at ang Philippine Racing Club (PRC), mula pa noong 1937.

Ngunit noong araw nagkaroon ng iba pang karerahan. Noong sinimulan ang public betting noong 1903, itinatag ang Pasay Country Club. Ang obalo nito ay nasa bahagi ng Pasay na ngayon ay Harrison at Vito Cruz. Apat ang karera bawat linggo, higit sa kayang buhayin ng kakaunting karerista noong panahong iyon,kaya’t di nagtagal ay nagsara din ito.

Noong 1930s, nagkaroon ng karerahan sa Cebu na hindi rin nagtagumpay.

Nagtangka rin noong bandang 2007 na magtayo ng Mindanao Racing Club si Don Antonio Floirendo, tanyag na horseowner and breeder. Ang lugar nito ay sa Davao, at may prangkisa na nga ito mula sa Kongreso, ngunit hindi natuloy.

Noong 2007 rin, itinatag ni horseowner Raymund Puyat ang Metropolitan Turf Club or Metro Turf. Itatayo sana ito sa Silang, Cavite, sa lupang 15 minutos lamang na layo mula sa San Lazaro Leisure Park ng MJC sa Carmona, Cavite. Hindi rin ito natuloy.

Noong 2010 naman, nagbalak ang isa pang horseowner, si Dr Norberto Quisumbing Jr., na ituloy ang proyekto ng Metro Turf sa ilalim ng kanyang pamumuno, at ito ang nagtagumpay. Ang balita ay under construction na ang karerahan nito at siguro sa loob ng taong ito, maaring idaos na ang unang karera sa kanilang pista sa Malvar, Batangas.

Maganda ang location ng proyekto dahil malapit ito sa mga rancho ng mga horseowner/breeders at makakatipid sila sa stable construction, maintenance, at fees, dahil ang kanilang mga pangarera ay maari nilang ikuwadra sa rancho na rin.

Abangan natin ito at ang iba pang makulay na kaganapan sa mundo ng karera!

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

Comments are closed.