KL: Philracom Amethyst II and III

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 21 February 2012, Tuesday

Philracom Amethyst II and III

Pinaka-exciting mapanood ang mga stakes races, kung saan kalahok ang pinakamagaling na kabayo sa pista at ang mga nagtatangkang maging kampeon. Mabuti nalang may Philippine Racing Commission na patuloy na nagiging totoo sa mandato nito na suportahan ang industriya ng karera.

Isa sa pinakamahalagang serbisyo ng Philracom ay ang pag-sponsor ng mga stakes races. Sa stakes races, mas malaki kaysa karaniwan o “ordinary races” ang binibigay na premyo. May nilalaan talaga ang Komisyon para sa prize money at hindi lang ito nagmumula sa sales o bentahan ng taya.

Dahil na rin sa “incentivization” o pagbigay ng mas malaking pa-premyo, dito inilalahok ng mga may-ari ang kanilang mga tanyag na pambato, at ito’y nagbibigay ng karagdagang saya sa mga manonood.

Nitong nakaraang linggo sa San Lazaro Leisure Park, dalawang milyang stakes races ng mga 3YO ang lumarga noong weekend.

Pinakita ni Cheese Blanca ang kanyang galing laban sa iba pang mga fillies sa Philracom Amethyst II stakes noong Sabado. Tumala siya ng 1:42 para sa milya, mas magaling pa sa 1:42.4 na itinala ni Ikel sa labanan ng mga colts sa Amethyst III noong kinabukasan.

Sa tindi ng kanyang pinapakita noong nakaraang season bilang isang 2YO, llamado rin naman si Cheese Blanca, na sakay ng hineteng si Jonathan B. Hernandez at pagmamay-ari ni Atty. Sixto Esquivias IV.

Sumegundo sa Philracom Amethyst II si Posse Left, tercero si Alpha Alleanza, at cuarto si Dancing Rags. Scratched si Elegant April.

Sa Philracom Amethyst III ng colts, lubos na nagpakitang-gilas ang llamadong si Ikel sa ilalim ni jockey Antonio Alcasid Jr. Ang may-ari at breeder ni Ikel ay si Mayor Leonardo “Sandy” Javier. Dumating na segundo si King Ramfire na tercero llamado lang. Tercero puesto lang ang nakuha ni Coterminous, samantala ang segundo-llamadong Steel Creation ay huling dumating. Sila lamang ang kalahok dahil scratched si Tribal King.

Sa ating susunod na kolum tatalakayin natin ang kinahinatnan ng experimento ng pagbawas ng racing day, ang Huwebes. Ito ba ay nagtagumpay – o hindi? Bakit nga ba ibabalik na uli ang Thursday racing sa mga susunod na racing week?

Bumili ng Bandera sa Sabado upang malaman ang sagot!

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

Comments are closed.