KL: PCSO Freedom Cup, 6-day Raceweek

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 25 February 2012, Saturday

PCSO Freedom Cup, 6-day Raceweek

            Lalarga ngayong hapon ang Philippine Charity Sweepstakes Office Freedom Cup sa Santa Ana Park bilang isang paraan ng pag-celebrate ng ika-26 anibersaryo ng People Power Revolution

Ito ang unang karera ng PCSO sa kanilang racing calendar ngayong taon.

Sampu ang kalahok sa milyang karera: coupled entries Arvin Dugo (lulan ni jockey Jonathan Hernandez na may dalang 54.5 kgs.) at Cheese Mosa (Rodeo Fernandez, 53); Go Army (Jesse Guce, 55.5); Wind Turbulence (Jordan Cordova, 55.5); Money Queen (Dominador Borbe Jr., 54); coupled entries Heaven Sent (Mark Alvarez, 55) at Joshua’s Laughter (John Alvin Guce, 56); Barkley (Kelvin Abobo, 54.5); Yes Pogi (Jeffril Zarate, 55); at The Rock (Patricio Dilema, 54.5).

Tiyak na llamado dito sina Yes Pogi at Barkley. May tsansa rin si Cheese Mosa, na magaling ang pinapakita nitong nakaraan.

* * * * *

Gaya ng ipinangako ko sa huling kolum, eto ang ilang naging findings pagkaraan ng eksperimento ng 5-day racing week.

Ipinatupad ng mga racing clubs itong eksperimento sa loob ng apat na linggo, sa instruction ng Philippine Racing Commission, pagkaraan makatanggap ng appeal ang Komisyon mula sa mga asosasyon ng mga horseowner na magbawas ng isang araw ng karera.

Ayon sa mga horseowners ng MARHO, Philtobo, at Klub Don Juan de Manila, ang pagbawas ng isang araw sa karera ay makakapagbigay ng pahinga sa kabayo; makapagbigay ng pagkakataon sa racing club na ayusin at i-maintain ang kanilang mga pista sa gitna ng linggo; at upang manabik ang mga karerista dahil marami na raw ang nananawa sa anim na araw ng karera.

Baka rin daw, anila, tumaas ang sales ng karera kung magbawas ng isang racing day.

Ngunit ang nangyari ay nagkaroon ng pagbagsak sa racing week sales na katumbas ng isang araw, o mga P20 milyon. Maliwanag na hindi nanabik ang mga karerista at inipon ang kanilang puhunan upang ibuhos sa weekend ang hindi nila itinaya noong isang araw na binawas.

Ang mukhang nangyari ay ginastos nila ito sa ibang libangan o activity – ang tinatawag na “substitute products”.

Iyan ang dahilan kung bakit nanumbalik na ang racing schedule sa six days a week umpisa noong nakaraang linggo.

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

Comments are closed.