KL: Philracom Oathtaking

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 6 March 2012, Tuesday

Philracom Oathtaking

Nag oath-taking kahapon sa Rizal Hall ng Palasyo ng Malacañang ang bagong board ng Philippine Racing Commission.

Ang nag-administer ng oath ay mismong si President Benigno Aquino III.

Pormal na nailuklok sa puwesto ang mga sumusunod: Angel L. Castaño Jr., bilang chairman; at Engr. Jesus Cantos, Dr. Reynaldo Fernando, Atty. Franco Loyola, Atty. Victor Tantoco, at Lyndon B. Guce, mga commissioners.

Si Comm. “Jess” Cantos ang siya ring gumaganap ng trabaho ng executive director ng ahensiya.

Congratulations sa Philracom chairman at commissioners sa kanilang oath-taking!

* * * * *

            Pinag-aaralan ngayon ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang ilang mga laro na may kaugnayan sa karera.

Kasama dito ang numbers games ng PCSO tulad ng 3D, 4D, at baka pati ang 6D, kung saan ang mga winning numbers nito ay ikakabit sa resulta ng karera.

Medyo complicated ang technical aspects nito kaya ito pa ang wino-workout ng PCSO Draw and Races (sa ilalim ni Mr. Carlos Castillo) at Management Information Services (sa pamunuan ni Mr. Ike Señeres) departments.

Bukod dito, pinag-iisipan rin ng PCSO ang paglagay ng mga keno at lotto terminals sa San Lazaro Leisure Park at Santa Ana Park tuwing may mga karera doon, para na rin sa convenience ng mga players ng parehong uri ng laro.

Abangan ang mga developments sa larangan na ito.            

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

Comments are closed.