KL: Summer Stakes Weekend sa Santa Ana

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 13 March 2012, Tuesday

Summer Stakes Weekend sa Santa Ana

Kasing init din ng summer ang pasisiklabing aksiyon sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ngayon at bukas sa pagtakbo ng dalawang Philippine Racing Commission stakes races.

Ngayong araw ang Commissioner’s Cup bilang parangal sa dating Philracom commissioner na si Eduardo Galang.

Ang distansiya ay 1,900 meters, mahirap na challenge para sa pitong kalahok na older horses.

Idineklara ang coupled entries ni Atty Sixto Esquivias IV na sina Arvindugo (gagabayan ni jockey Rodeo Fernandez na magdadala ng 54 kgs) at Cheese Mosa (Jonathan Hernandez, 52); Barkley ni Mandaluyong mayor Benhur Abalos (Kelvin Abobo, 54); Heaven Sent ni Rita Pilapil (Mark Alvarez, 54); Raon ni Herminio Esguerra (Jesse Guce, 54); Tensile Strength ni Felizardo Sevilla Jr. (Jeffril Zarate, 54); at Yes Pogi ni Francis G. Lim (Daniel Camañero, 55).

Bagamat idolo ng pista sina Yes Pogi at Barkley, dumadaan sila sa panahon ng alat ngayon. Noong kanilang huling stakes race, ang Philippine Charity Sweepstakes Office Freedom Cup noong Pebrero 26 sa Santa Ana Park din, tinalo sila ni Arvindugo, na nanalo ng 3.5 kabayo ang layo sa sumegundong The Rock. Tercero lang si Barkley at wala sa placers si Yes Pogi.

Bukas naman itatanghal ang Chairman’s Cup. Ang honoree ay si immediate past Philracom chairman at ngayon PCSO general manager Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II.

Ang milyang karera ay sinalihan ng mga 3 year olds na local-bred. Bahagi ang karerang ito ng seryeng “Road to the Triple Crown” at dito natin makikitang mag-tune up ang mga posibleng contender sa prestihiyosong Triple Crown trilogy at Hopeful Stakes.

Kasali sa Chairman’s Cup ang mga sumusunod na colts na lahat magdadala ng 54 kgs: Hagdang Bato ni Mayor Abalos, (jockey Hernandez); coupled entries ni Mayor Sandy Javier na sina Ikel (Antonio Alcasid Jr.) at Patron (John Paul Guce); Golden Empire ni Lamberto Almeda Jr. (Karvin Malapira); Isa Pa Isa Pa ni Kenneth  Causon, (Abobo); coupled entries ni Mr. Esguerra na sina Mr. Tatler (Fernando Raquel Jr.) at Purple Ribbon (Jesse Guce); at Yes Yes Yes ni Francis G. Lim’s (Zarate).

Si Ikel ay galing sa panalo with the same rider, sa Philracom Amethyst III sa San Lazaro Leisure Park noong Pebrero 19. Maigue ring lagyan sina Hagdang Bato at ang Esguerra entries.

Ang buong buwan ng Marso ay Philracom Racing Festival. Tiyak na mainit ang iba pang mga karera dito.

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

Comments are closed.