KL: PCSO Special Maiden Race

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 24 March 2012, Saturday

PCSO Special Maiden Race

Pagkaraan ng deklarasyon kamakailan ng mga kalahok, heto na po ang lineup ng Philippine Charity Sweepstakes Office Special Maiden Race na gaganapin sa Abril 14, San Lazaro Leisure Park:

Ang mga fillies ay sina: Stall #1, Caraga Weather ni Aristeo Puyat, gagabayan ni jockey Rodeo Fernandez; #2, Quaker’s Hill ni Felizardo Sevilla Jr., jockey Mark Alvarez; #4, Deo Volente ni Joseph Dyhengco, jockey Patty Dilema; at #5, Arriba Amor ni Herminio Esguerra, jockey Fernando Raquel Jr. Ang kanilang peso ay 53 kgs.

Colts: #3, Pugad Lawin ni Antonio V. Tan Jr., jockey John Alvin Guce; #6, Royal Storm ni Dennis Pineda, jockey Jesse B. Guce. Peso, 54.5 kgs.

Ngayon pa lamang ay tinitingnan na ng marami dito ang Deo Volente na maganda raw ang ikinikilos sa mga workouts.

Katulad ng dating gawi, may “trial” ang mga declared entries bago ang aktwal na karera, at ito’y gaganapin sa Martes, Marso 27, 10nu, sa SLLP.

Ang mga premyo ay: 1st, P600,000; 2nd, P225,000; 3rd, P125,000. May P50,000 na premyo para sa breeder ng kabayong magwawagi.

Matagal nang inaabangan ng bayang karerista at taga-karera itong maiden race ng PCSO, ang una para sa taong ito, pagkaraan ng kanilang pagdaos ng Freedom Cup noong nakaraang buwan.

Sa koordinasyon kina Congressmen Amado Bagatsing (5th dist. Manila) at Jeci Aquino Lapus (3rd dist. Tarlac), chairman at member respectively ng Congress Games and Amusements Committee, at sa iba pang sektor ng industriya tulad ng Philippine Racing Commission at MARHO, naglaan ang PCSO ng P30 million pondo para sa 2012 racing program nito.

Tiyak na makakatulong ng malaki ito sa industriya ng karera at breeding, na sinusuportahan ng PCSO sang-ayon sa founding charter o batas nito.

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

Comments are closed.