KL: Philracom Diamond I Stakes

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 3 April 2012, Tuesday

Philracom Diamond I Stakes

Malayong nanalo si Rain Shower sa Philippine Racing Commission Diamond I Stakes noong Linggo (Abr. 1) sa San Lazaro Leisure Park.

Lulan si jockey Mark Alvarez, nanalo ng apat na kabayong layo si Rain Shower sa sumegundong si Botbo. Tercero si Doña Nenita at cuarto si Juggling Act. Ang kabuuang oras para sa 1,750-meter na karera ay 1:50.

Samantala, ang ibang Philracom stakes races para sa buwang ito ay gaganapin lahat sa SLLP. Sa 14, ang milyang Diamond II para sa mga 3YO local fillies; at sa 15, ang Diamond III para sa 3YO local colts.

Ang dalawang karerang ito ay bahagi ng “Road to the Triple Crown” tuneup ng mga maaring magsisilahok na mga 3YO sa Triple Crown at Hopeful Stakes races.

Ang unang yugto ng Triple Crown ay sa Santa Ana Park sa Mayo 20, sa distansiyang milya.

Karera lang – walang personalan!   ***

Related stories:

Comments are closed.