GR: Third Racetrack, Malapit Na!

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 25 April 2012, Wednesday

Third Racetrack, Malapit Na!

Ating nakapanayam kamakailan si Philippine Racing Commission executive director Jesus Cantos, at ayon sa kanya, kailangan ang mga makabagong paraan ng pag-iisip at pagdidiskarte ng mga istratehiya upang mapalago at mapalaki ang industriya.

“Dapat nang maging bahagi ng marketing ng turismo ang karera,” aniya. “Sa ganitong paraan masusuportahan din nating ang Department of Tourism at si Secretary Ramon Jimenez Jr. sa kanilang kampanyang ‘It’s More Fun in the Philippines.’

“Ito’y sinimulan na namin sa pamamagitan ng paglagay ng banner na may slogan na iyon sa aming bagong-disenyo na website sa http://www.philracom.gov.ph.”

Kailangan raw maisama ang racing sa mga tourism packages, na maaring magdala ng mga turista sa mga existing karerahan na Santa Ana Park at San Lazaro Leisure Park – at sa darating na mga panahon, ang pangatlong karerahan na kasalukuyang under construction sa Malvar at Tanauan, Batangas.

Ito’y pagmamay-ari ng Metro Manila Turf Club, Inc., isang proyektong sinimulan ng matagal nang horseowner at breeder na si Dr Norberto Quisumbing Jr.

“Maaring idaos sa MMTC ang unang karera sa fourth quarter ng taong ito,” dagdag ni Cantos.

Ngunit bago matuloy ang anumang karera doon, ayon kay Cantos, madiin raw bibigyan ng pansin ng Komisyon ang mga requirements tulad ng bilang ng kabayong kalahok, mga off-track betting stations, ang betting menu na iaalok ng MMTC upang maka-engganyo ng mga manlalaro, at iba pa.

Itinayo ang Manila Jockey Club noong 1867 at ang Philippine Racing Club naman noong 1937. Bilang baguhan sa negosyong ito, mahihirapan ang MMTC na humabol sa mga naunang ito.

Ngunit may advantage din ang MMTC dahil sa passion at dedication ng mga may-ari at shareholders nito na mga horseowners, at ang pagmamalasakit nila ay malaking bagay para sa tagumpay ng proyektong ito.

Bahagi ng kulturang karera ang kooperasyon, at tingin ko sa umpisa ay magkakaroon ng sharing of resources.

Ayon kay Commissioner Cantos, mga exciting na panahon ito para sa mundo ng karera, na halos 150 taon na mula nang ito’y pormal na itinatag. * * *

Related stories:

Comments are closed.