GR: Bagong Istratehiya Para sa Karera

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 27 April 2012, Friday

Bagong Istratehiya Para sa Karera

Ano ang mga pagbabago na maari nating makita sa mga darating na panahon sa larangan ng karera at pagpapalahi ng Thoroughbreds?

Bukod sa pagiging isang sport, ang libangan na ito ay isa ring negosyo na may steady at reliable na income, na nagpapanhik ng humigit-kulang P1 billion kada taon bilang buwis sa gobyerno para sa mga programa nito.

Kaya mahalaga para sa industriya na mayroon itong mga magagaling na managers upang makatiyak na maayos ang patutunguhan nito.

Ipinaalam kamakailan ni Philippine Racing Commission executive director Jesus Cantos ang ilang mga istratehiyang binabalak para sa horseracing upang lalo pa itong lumago.

“Sa loob ng nakaraang limang buwan,” aniya, “may 20 bagong horseowners ang nagparehistro. Sila ay mula sa iba’t-ibang mga larangan – mayroon tayong piloto, kontratista, manlalaro ng polo, pandaigdig na produser ng pelikula, at marami pang mga mahilig sa karera na mula sa ibang okupasyon na naging investors na rito. Maganda ang pangitain nito para sa karera.”

Bukod sa pagpasok ng bagong may-ari, kailangan rin daw, ayon kay Cantos, ang makabagong mga paraan ng pag-iisip at pagdidiskarte upang mapalago at mapalaki ang industriya.

Kailangang makapag-isip ng mga bago at exciting na betting options na makaka-engganyo sa mga manlalaro.

Nariyan din ang mas agresibong marketing at advertising, pati na rin ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa komunikasyon para sa betting tulad ng SMS at online.

Sa totoo lang matagal nang pinag-iisipan ng mga taga-industriya kung paano ma-implement ang mga ganitong istratehiya.

Tingnan natin sa darating na mga panahon kung alin dito ang unang mabubuo. * * *

Related stories:

Comments are closed.