KL: Kulang ang Kabayo?

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 8 May 2012, Tuesday

Kulang ang Kabayo?

Sa sinasabing nalalapit nang pagbukas ng pangatlong karerahan, ang Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas, lalong nagiging mahalaga ang pagparami ng populasyon ng mga mananakbo upang mapanatili ang pagbuo ng magagandang karera.

Aanhin naman ang karerahan kung wala namang tatakbo rito? Sa ngayon ay problema ang pagbuo ng lineup dahil sa kakulangan ng kabayo.

Hindi kasi ibig sabihin na kung may “x” number of horses ay sapat na iyon upang matuloy ang mga karera. Tandaan na may ilang porsiyento ng mga kabayong ito ay injured o naka-bakasyon o hindi makatakbo sa kung ano mang dahilan.

Kaya kailangan na paramihin pa ang local runner population, at ang isang paraan nito ay ang pag-aangkat.

Nagpaaala si dating Klub Don Juan de Manila presidente Lamberto “Jun” Almeda Jr. tungkol sa darating na horse auctions sa Australia, lalo na ang mga popular na Magic Millions sales mula Mayo 30 hanggang Hunyo 10.

Karamihan ng mga Pilipinong horseowners ay bumibili sa Australia at New Zealand dahil mas mura ang bentahan pati ang shipping costs. Mayroon din namang silang lahing USA, dahil na rin sa mga American shuttle stallions na dumadayo doon pag breeding season.

Karera lang – walang personalan!  ***

Related stories:

Comments are closed.