KL: Mowelfund Race

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 12 May 2012, Saturday

Mowelfund Race

May matagal nang tradisyon ang karera sa kawang-gawa, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga charity races kung saan ang makakalap na pondo ay ido-donate sa beneficiary na tao or organisasyon.

Ayon kay sa dating presidente ng Klub Don Juan de Manila, Lamberto “Jun” Almeda Jr., ang KDJM ay sponsor ng one-day racing festival sa Mayo 13 sa San Lazaro Leisure Park.

Tinaguriang “Tulong sa Mowelfund”, ang proceeds ng 11 o 12 karera para sa araw na iyon ay mapupunta sa grupong tumululong sa mga movie industry workers.

“Maraming mga artista ang dadalo,” ani Almeda. “Pupunta raw si Lorna Tolentino at Philip Salvador upang ihandog ang mga tropeo para sa Rudy Fernandez Cup, in honor ng yumaong aktor; ang race sponsor ay si Mayor Leonardo “Sandy” Javier Jr.”

Dagdag ni Almeda na baka rin humabol sa racefest sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

* * * * *

Binanggit din ni Almeda na nagkaroon ng eleksiyon ng bagong opisyales ang KDJM noong Abril 16, at ang bagong presidente ng grupo ay si Antonio “Tonyboy” Eleazar.

Si Almeda ay malimit tumulong sa industriya, at ang isang nais niyang makita ay ang pagpaparami ng mga bagong horseowners.

“Inaanyayahan namin ang mga mahilig sa karera na maging bahagi nito sa pamamagitan ng pag-i-invest sa sport na ito bilang horseowners, na kailangan natin lalo sa nalalapit nang pagbukas ng pangatlong karerahan sa Batangas.”

Sa kasalukuyan, dalawa ang operating na karerahan, parehong nasa Cavite – ang SLLP ng Manila Jockey Club sa Carmona at ang Santa Ana Park ng Philippine Racing Club sa Naic.

Ang pangatlo ay ang Metro Manila Turf Club na tinatayo ngayon sa Malvar, Batangas, proyekto ng horseowner-breeder at negosyanteng Dr Norberto Quisumbing Jr.

Ayon din kay Almeda, may trial workout sa MMTC noong Abril 28.

Malamang hindi na rin malayo ang pagbukas ng karerahang ito.

Karera lang – walang personalan!  ***

Related stories:

Comments are closed.