GR: PCSO Special Maiden Race

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 18 May 2012, Friday

PCSO Special Maiden Race

Matagal na ang partnership ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa karera – higit apat na dekada na – at natutuwa ang bayang karerista na fully implemented na ang 2012 racing calendar ng naturang ahensiya.

Ang susunod na PCSO racing event ay isang special maiden race bukas, Sabado, Mayo 18, sa Santa Ana Park ng Philippine Racing Club sa Naic, Cavite.

Pito ang magbabakbakan sa distansiyang 1,200 meters:

Stall #1, Aristeo Puyat filly Watershed, sasakyan ni jockey Rodeo Fernandez, handicap weight 53 kgs; #2, Leonardo Javier Jr. colt In Principle, jockey Jesse Guce, 54.5; #3, Santa Clara Stockfarm filly Sweetmind, jockey John Alvin Guce, 53;

#4, Joseph Dyhengco filly Heart Summer, jockey Jeffril Zarate, 53;  #5, Narciso Morales filly Machine Gun Mama, jockey Jonathan Hernandez, 53; #7, Herminio Esguerra filly Isla Verde, jockey Fernando Raquel Jr., 53;  #8, Moises Villaseñor filly Miss Malapia, jockey Mark Alvarez, 53.

Ang pag-aagawang premyo ay, para sa 1st, P600,000; 2nd, P225,000; at 3rd, P125,000. May P50,000 para sa breeder ng mananalong kabayo.

Tingin ko “anybody’s race” ito. Gusto ko rito sina In Principle, Isla Verde, at Watershed dahil sa magagandang ensayo nila.

Ayon naman kay racing analyst at dating star jockey Joey Macaraig, ang napupusuan niya ay si Heart Summer dahil ito ay “may bilis, may tagal, at may remate…mabuting kabayo” at In Principle dahil “magaling ang remate nito.”

Abangan sa kolum ko sa Lunes ang detalye naman ng isa pang PCSO event, ang ika-17 Silver Cup na gaganapin sa susunod na buwan.  * * *

Related stories:

Comments are closed.