KL: Magna Carta sa PCSO Silver Cup!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 5 June 2012, Tuesday

Magna Carta sa PCSO Silver Cup!

Dinumog ng bayang karerista ang San Lazaro Leisure Park noong Linggo upang tunghayan ang ika-17 Philippine Charity Sweepstakes Office Silver Cup na pinanalunan ni Magna Carta.

Siya na rin ang outstanding favorite sa kabuuang field ng siyam na kalahok sa prestihiyosong 2,000 meters na karera, at bumenta ng higit P470,000 sa P675,000 mahigit na daily double.

Nagdala ng bandera ang second choice na si Arvin Dugo. Nag off-the-pace si Magna Carta sa ilalim ng pagrerenda ni Jesse Guce, at tersero puwesto si Hari ng Yambo.

Pagdating ng back stretch, inagaw na ni Magna Carta ang unahan at hindi na binitiwan ito hanggang makarating ng meta, at nanalo pa ng limang kabayo ang layo sa sumegundong Hari ng Yambo.

Tersero nalang si Arvin Dugo at cuarto si Prime Rate; quinto si Darleb.

Ang total time ng karera ay 2:07 sa cuartos na 24’-24’-26’-26-25.

Kabilang ang hinete, tuwang-tuwa ang iba pang connections ni Magna Carta – breeder Mayor Leonardo “Sandy” Javier Jr., ang kanyang anak na registered owner, Michael Dragon Javier, at trainer Ray Henson.

Punong-puno pang dumating si Magna Carta na nakapigil pa ang pagdadala ni jockey Je hanggang sa far turn.

Mismong si Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II, general manager ng PCSO, ang nag-abot ng tropeo sa mga connections sa awarding ceremony, kasama ang iba pang opisyales ng PCSO – Atty. Jose Malang (Legal Department manager at chairman ng PCSO Committee on Races), Betsy Paruginog (assistant general manager), Carlos Castillo (Draw & Races department manager), Ria Asuit (Treasury Department manager), Orlando Malaca (Draw & Races assistant manager), at Desoto Tupas (PCSO Committee on Races vice-chairman).

Nanghinayang naman ang mga fans ni Cheese Mosa, coupled entry ni Arvin Dugo, na masama ang lundag sa aparato at napaikot pa ng pabaliktad at napaharap uli sa gate. Nawalan ng mahalagang ilang segundo ang hinete niyang si Jonathan Hernandez sa pagko-control ng kanyang sakay.

Ang susunod na pakarera ng PCSO ay ang Special Maiden Race sa Hunyo 9 sa Santa Ana Park. Sumali sa 1,200 meter race ang mga 3YO na sina Classy Jeune, Blank Check, Power Factor, Statuesque, Esprit de Corps, Batangas Fighter, at McIlroy. Si Statuesque ang nanalo ng trial na ginanap noong nakaraang linggo.   ***

Related stories:

Comments are closed.