GR: Magna Carta, Silver Cup Champ!

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 6 June 2012, Wednesday

Magna Carta, Silver Cup Champ!

            Pinatunayan ni Magna Carta na siya ang pinakamagaling na mananakbo sa kasalukuyan sa kanyang pagkapanalo noong Hunyo 3 ng Philippine Charity Sweepstakes Office Silver Cup.

Ginanap ang ika-17 yugto ng 2,000 meter Silver Cup sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite.

Ang island-born na si Magna Carta (Woodman x Pledge the Fifth, parehong USA bred) ang llamado sa field ng siyam na kalahok.

Nag off-the-pace si Magna Carta sa ilalim ng pagrerenda ni Jesse Guce, at nag-abang lang sa likuran ng nagbanderang Arvin Dugo. Nasa tersero puwesto si Hari ng Yambo.

Sa back stretch, nagparemate na si Magna Carta at nilagpasan si Arvin Dugo sa far turn. Pigil pa ang pagdadala ni jockey Je hanggang sa far turn para i-preserve ang kanyang kabayo na napakalakas ng hatak hanggang dumating ito ng meta.

Nanalo ng limang kabayong layo si Magna Carta sa sumegundong Hari ng Yambo. Tersero nalang si Arvin Dugo at cuarto si Prime Rate; quinto si Darleb.

Ang total time ng karera ay 2:07 sa cuartos na 24’-24’-26’-26-25.

Malaki ang mga ngiti sa mukha ng mga connections ni Magna Carta – breeder Mayor Leonardo “Sandy” Javier Jr., ang kanyang anak na registered owner, Michael Dragon Javier, trainer Ray Henson, at jockey Je.

Si Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II, general manager ng PCSO, ang nag-abot ng tropeo sa kanila, kasama ang iba pang opisyales ng PCSO – Atty. Jose Malang (Legal Department manager at chairman ng PCSO Committee on Races), Betsy Paruginog (assistant general manager), Carlos Castillo (Draw & Races department manager), Ria Asuit (Treasury Department manager), Orlando Malaca (Draw & Races assistant manager), at Desoto Tupas (PCSO Committee on Races vice-chairman).

Maraming nagtaka kung ano ang nangyari sa batikang filly na Cheese Mosa, coupled entry ni Arvin Dugo. Ang dalawa ang segundo llamado at inaahasan ng marami na may pagasa ring manalo o mag-place ng maganda.

Masama pala ang lundag ni Cheese Mosa sa aparato, napaikot ng pabaliktad, at napaharap uli sa gate. Nawalan ng mahalagang oras ang hinete niyang si Jonathan Hernandez sa pagko-control ng kanyang sakay.

Ang susunod na pakarera ng PCSO ay ang 1,200 meter Special Maiden Race for 3YO sa Hunyo 9 sa Santa Ana Park. Declared entries sina Classy Jeune, Blank Check, Power Factor, Statuesque, Esprit de Corps, Batangas Fighter, at McIlroy.

Si Statuesque ang nanalo ng trial na ginanap noong nakaraang linggo.   ***

Related stories:

Comments are closed.