GR: 4th RDB Cup, Malapit Na!

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 29 June 2012, Friday

4th RDB Cup, Malapit Na!

Naghahanda na ang magkapatid na horseowner/breeder Congressman Amado

Bagatsing at Atty Ramon “Dondon” Bagatsing Jr. para sa ika-apat na yugto ng Mayor Ramon Bagatsing Memorial Cup.

Ang taunang pakarera ay parangal sa kanilang yumaong ama na alkalde ng Maynila. Siya ang bumuhay ng Gran Copa de Manila races tuwing Araw ng Maynila, Hunyo 24, sa San Lazaro Hippodrome ng Manila Jockey Club na dating nasa Tayuman, Manila.

Nakapako na ang taunang pagdaraos ng RDB Cup sa Agosto 19, birth anniversary ni Mayor Bagatsing, na ngayong taon ay papatak sa Santa Ana Park.

Ani Atty. Dondon, “Inaanyayahan namin ang lahat ng horseowners na maghanda na ng kanilang mga kalahok para sa RDB Cup.”

Ayon naman kay Cong. Bagatsing, nagpapasalamat sila sa kanilang major sponsors, ang Philippine Racing Commission at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ang dalawang ahensiya ang sponsor ng tig-dalawang malalaking karera – ang Philracom sa RDB Cup Division 1 at Division 2, at ang PCSO sa dalawa pa.

Kasama sa isang miting kamakailan ng magkapatid na Bagatsing sina chairman Angel L. Castaño Jr. at executive director Jesus Cantos ng Philracom, Atty. Jose Malang, committee on races chairman ng PCSO, at sina director Atty Ramon P. Ereñeta Jr., bagong executive vice-president at chief operating officer Allan Abesamis, at racing manager Dan Valmonte ng PRC.

Abangan sa susunod na mga kolum ko ang mga detalye ng 2012 RDB Cup, na consistently isa sa highest-grossing para sa taon kundi record-breaker.   ***

Related stories:

Comments are closed.