KL: 4th RDB Cup sa Agosto!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 30 June 2012, Saturday

4th RDB Cup sa Agosto!

Naiulat ko dito noong nakaraang Martes ang tungkol sa paghahanda ng pamilya Bagatsing para sa ika-apat na yugto ng Mayor Ramon D. Bagatsing Cup.

Idaraos ang whole-day racing event sa birthday ng yumaong alkalde sa Agosto 19, Linggo, sa Santa Ana Park ng Philippine Racing Club.

Ayon kay PRC assistant vice-president at racing manager Dan Valmonte, may 13 karera para sa araw na iyon, kabilang ang 2012 Philippine-Japan Friendship Cup ng Japan Racing Association at Philippine Charity Sweepstakes Office National Grand Derby.

Ang natitirang 11 karera ay magiging sponsored races ng Bagatsing Cup.

Ang dalawa dito ay sponsored ng Philippine Racing Commission – ang Mayor RDB Cup Division I para sa 3YO locals, at ang Division II para sa older horses, parehong distansiyang 1,800 meters. Ang total prize money (for winner and placers) ay P700,000 para sa Division I at P500,000 para sa Division II.

Ang dalawa pa ay sponsored ng PCSO. Wala pang titulo at distansiya ang mga ito, ngunit ang total prize money ay P400,000 kada karera.

Ang pito pang karera sa Agosto 19 ay mga sponsored races din.

Tulad ng dati, may cash gift para sa mga winning grooms sa araw na iyon.

* * * *

Nakikiramay kami sa pamilya ng yumaong retired admiral Jorge Necesito, na

sumakabilang-buhay noong Hunyo 26 dahil sa cardiac arrest.

Pagkaraan ng kanyang pagretiro sa Philippine Navy, siya ay naging executive director ng Philracom mula 2006 hanggang 2011, at consultant din doon hanggang sa kanyang pagyao.

***

Related stories:

Comments are closed.