GR: Paalam, Don Antonio Floirendo

GOGIRL RACING by JennyO for Pilipino Mirror, 4 July 2012, Wednesday

Paalam, Don Antonio Floirendo

Isang malaking kawalan ang naramdaman ng industriya ng karera sa pagpanaw noong Hunyo 29 ni Don Antonio Floirendo Sr., matagal nang horseowner at breeder.

Siya ay nagkasakit ng pneumonia at pumanaw sa edad na 96.

Isang negosyante, siya ang nag-umpisa, mga 50 years nang nakaraan, ng banana exporting sa Davao. Masugid siyang promoter ng business and development sa buong Mindanao at bukod sa fruits, nag-negosyo rin siya ng sasakyan (Anflocars), resort (Pearl Farm sa Samal Island), at iba pa.

Tiyak na maaalala ng long-time karerista ang kanyang istalyon na Thunder Vic (Thunder Puddles x Victoria Elena), na nag-sire ng karamihan ng kanyang panakbo noong huling dekada. Sa ngayon ang kanyang bagong istalyon na Indy Minstrel (AP Indy x Minstrella) ang sire ng mga laman ng kanilang kuwadra, tulad ni Davao Boy, Dream Minstrel, at Devoted Minstrel.

Noong kalagitnaan ng huling dekada rin, nakakuha si Don Antonio ng prangkisa sa Kongreso upang magtayo ng karerahan sa Davao City. Tinawag itong Mindanao Jockey and Country Club, at ide-develop dapat ng Damosa Land, Inc. sa Marapangi, Toril. Kasama sa plano ang residential area at eco-tourism park. Sayang at hindi natuloy ang naturang karerahan.

Si Don Antonio ay naging miyembro ng MARHO, Philtobo, at Klub Don Juan, at siya ang taunang sponsor ng Golden Girls stakes race ng KDJM Derby.

Paalam, Don Antonio, at maraming salamat sa iyong mga kontribusyon sa karera.

***

Related stories:

Comments are closed.