KL: Don Antonio Floirendo, Pumanaw

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 7 July 2012, Saturday

Don Antonio Floirendo, Pumanaw

Isang malaking kawalan sa industriya ng karera ang pagpanaw noong Hunyo 29 ni Don Antonio Floirendo Sr., sa edad na 96.

Matagal nang horseowner at breeder, siya ay nagkasakit ng pneumonia at na-confine sa St. Luke’s Medical Center.

Bilang isang negosyante, inumpisahan niya ng mga 50 years nang nakaraan ang banana exportation sa Davao. Masugid siyang promoter ng business and development sa buong Mindanao at bukod sa fruits, nag-negosyo rin siya ng sasakyan (Anflocars), resort (Pearl Farm sa Samal Island), at iba pa.

Noong kalagitnaan ng huling dekada, nakakuha si Don Antonio ng prangkisa sa Kongreso upang magtayo ng karerahan sa Davao City. Tinawag itong Mindanao Jockey and Country Club, na ide-develop ng Damosa Land, Inc. sa Marapangi, Toril.

Kasama sa plano ang residential area at eco-tourism park. Sayang at hindi natuloy ang naturang karerahan; karagdagan din sana ito sa agricultural development and livelihood opportunities doon.

Si Don Antonio ay naging miyembro ng MARHO, Philtobo, at Klub Don Juan, at siya ang taunang sponsor ng Golden Girls stakes race ng KDJM Derby tuwing Oktubre.

Tiyak na maaalala ng bayang karerista ang kanyang istalyon na Thunder Vic (Thunder Puddles x Victoria Elena), na nagtapon ng karamihan ng kanyang panakbo noong huling dekada. Sa ngayon ang kanyang bagong istalyon na Indy Minstrel (AP Indy x Minstrella) ang sire ng mga laman ng kanilang kuwadra, tulad ni Davao Boy, Dream Minstrel, at Devoted Minstrel.

Paalam, Don Antonio. Maraming salamat sa inyong kontribusyon sa karera.   ***

Related stories:

Comments are closed.