KL: Hagdang Bato, Triple Crown Champ

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 17 July 2012, Tuesday

Hagdang Bato, Triple Crown Champ

Sa wakas, pagkaraan ng 11 taon ng paghihintay, mayroon nang Triple Crown champion ang sambayanang karerista!

Matagumpay na umulit si Hagdang Bato sa ikatlong yugto ng serye ng Philippine Racing Commission para sa elite (o pinakamataas na antas) na tatlong-taong gulang na local-bred na kabayo.

Ang huling nag-sweep ng Triple Crown ay si Silver Story ni Patrick Uy noong 2001.

Sa karerang ginanap noong Hulyo 15 sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite, matulin na lumabas ang mga kalahok sa pangunguna ni Golden Empire; sinundan lamang siya ni Hagdang Bato.

Pagdating sa harap ng clubhouse, humabol na agad si Hagdang Bato sa pagrerenda ni jockey Jonathan “Unoh” Hernandez hanggang sa makuha ang unahan.

Sa half-mile, pilit na malagpasan ng superfilly na si Humble Riches si Hagdang Bato at nagluchahan ang dalawa hanggang sa far turn.

Dito desedido nang nauna si Hagdang Bato hanggang sa marating ang meta, at nanalo pa ito ng limang kabayo ang layo sa sumegundong si Humble Riches.

Tersero si Chevrome, cuarto si Patron. Ang total time para sa 2,000 meters ay 2:07.8 (26-24’-26-25-26).

Upang dumating pa ng beinte-sais ang kabayo sa ganitong kahaba na karera ay ibig sabihin napakabuti talaga ng kondisyon nito.

Naroon mismo sa SLLP ang may-ari at breeder ni Hagdang Bato, si Mandaluyong City mayor Benhur Abalos, na sinamahan sa pista ng dalawang bus puno ng kareristang taga-Mandaluyong.

Tuwang-tuwa rin ang trainer na si Ruben Tupas, at siyempre si jockey Unoh, na siya rin ang sumakay kay Silver Story noong ito ay nanalo ng Triple Crown!

Bukod sa premyong nakalaan dito, kay Hagdang Bato mapupunta ang P500,000 bonus prize para sa makaka-sweep ng Triple Crown.

Congratulations din kay Mr Nathaniel “Nel” Velasco, may-ari ni Cinderella Kid na siya namang nanalo ng Hopeful Stakes race na ginanap noong Hulyo 14 sa pagrerenda ni Fernando Raquel Jr. at pag-kundisyon ni trainer Buboy Jacob.

Ang total time ng 2,000 meters na karera ay 2:09.6. Segundo si Yes I’m The One, tersero si Pleasantly Perfect, and cuarto si Pugad Lawin.

* * * * *

“Get well soon” kay former star jockey and Philracom commissioner Eduardo Domingo Jr., na nagka-heart attack (myocardial infarction) noong Hulyo 10 pagkaraan niyang mag-anchor ng cable TV live race coverage ng SLLP.

Isinugod siya sa emergency room ng Lourdes Hospital ng madaling araw ng Hulyo 11, at pagkatapos noon ay dinala siya sa intensive care unit ng The Medical City, kung saan siya ay sasailalim sa bypass operation sa Miyerkoles ng umaga.

Nasa mabuting kalagayan na si Comm Boboc, masigla at inip na inip na sa ospital. Ipanalangin po natin ang kanyang tuloy-tuloy na pag-galing.   ***

Related stories:

Comments are closed.