KL: Happy Birthday, Mayor Abalos!

KARERA LANG! by Jenny Ortuoste for Bandera, 21 July 2012, Saturday

Happy Birthday, Mayor Abalos!       

Maligayang kaarawan kay Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos (Hulyo 19)! Walang duda na ang pinakagusto niyang regalo ay ang pagtamo ng Triple Crown sweep ng kanyang superhorse na si Hagdang Bato.

Sa ipinakitang galing nga kabayong ito sa loob ng tatlong yugto ng naturang serye para sa elite 3YO, pinag-uusapan na ng bayang karerista na malamang makatagpo niya ang magaling na island-born na si Magna Carta ni Mayor Sandy Javier sa Philippine Charity Sweepstakes Office Presidential Gold Cup na gaganapin sa Disyembre 9.

Si Magna Carta ay noong Hunyo 3 lamang nanalo ng PCSO Silver Cup.

Parehong stayers o de-remate ang dalawang ito, at siguradong matindi ang magiging bakbakan nila sa loob ng 2,000 meters na prestihiyosong Gold Cup, na nasa ika-40 yugto na.

Exciting na, makasaysayan pa! Saan pa kayo?

* * * * *

            Si Super Whaaa ang nanalo sa trial, siya rin kaya sa aktwal na laban?

Ito ang tanong ng racing fans sa itatakbo bukas na PCSO 2YO Special Maiden Race sa Santa Ana Park.

Ang kabayo ni Herminio Esguerra ang nanalo ng trial noong Hulyo 3 sa oras na 1:17 sa 1,200 meters.

Makakalaban niya rito sina Minotaur, If Your Honor Please, Don’t Fool Your Wife, Grand Strikes Girl, Boss Jay, Boss Jaden, at Best Boss, na nagtapos ng trial sa ganitong datingan din.

Ang susunod na PCSO Special Maiden (2YO Open) ay nakatakda sa Agosto 11 sa San Lazaro Leisure Park. Labinlimang kalahok ang nominated para sa 1,400 meters na karera. Ang trial nito ay gaganapin sa Hulyo 24.

* * * * *

Salamat sa pamilya ng karera para sa panalangin at healing thoughts para kay former commissioner at kasalukuyang program host ng San Lazaro Leisure Park live race coverage na si Eduardo Domingo Jr.

Ayon sa kanyang kapatid, si Malou Domingo-Barrameda, matagumpay na nilagpasan ni Comm. Boboc ang kanyang heart bypass operation noong Miyerkoles. Ito’y nagtagal mula 730 n.u. hanggang 1230 n.h., at pagkaraan noong ay dinala siya sa recovery room hanggang sa magising mula sa anesthesia.

“Kung walang komplikasyon,” ani Malou, “maari na siyang i-discharge sa ospital pagkaraan ng walong araw.”

Ayon naman kay Mrs Elly Domingo, maybahay ni Comm Boboc, “He is recovering fast. Maybe [on Saturday] he will be transferred to a room [out of ICU]. Thanks sa lahat ng nag-pray!”  ***

Related stories:

Comments are closed.